Chapter Fifteen

10.2K 242 8
                                    


I just came back from meeting my best friends and my parents were in the living room waiting for me. Their faces were serious and I was like, uh-oh, what did I do again-kind of thinking. They motioned for me to sit and I did on the sofa in front of them. I didn't ask, I waited for them.

"Ruel was here." My mom started.

I thought my heart dropped so fast I wasn't able to catch it. Mabilis na kumabog ang aking dibdib. I opened my mouth to say something but nothing came out.

"He's asking for you." She continued. Hindi ko alam ang iisipin.

"We don't want him near you anymore, Cassandra Mae. Pagkatapos ng ginawa nang Mommy niya sa iyo, I don't think he deserves to even look at you. Pagkatapos niya kaming balaan at sirain ang buhay mo, I don't think he deserves to be forgiven." My dad spoke.

Hindi ako makakilos. Nandoon pa rin ang galit sa kanyang mukha at tono pagkatapos ng apat na taon na lumipas.

"Mahal mo pa ba siya Cassandra?" my Mom asked again.

I swallowed hard. Aamin ba ako sa totoo para iwasang saktan sila, o magsisinungaling para hindi na sila mag-alala pa sa akin?

"Cassandra Mae!" sigaw ng Dad ko.

Tumango ako. Tango ng pagsang-ayon.

"Pagkatapos ng lahat nang ginawa niya sa iyo? Are you stupid or what?" sigaw pa rin ni Daddy.

"He didn't do anything Ddy, minahal lang niya ako. Nasaktan din siya. Marami lang misunderstandings. Mga bata lang kami noon, hindi niya hawak ang kanyang buhay. Mahal lang siya ng Mommy niya kaya ginawa niya iyon. Gagawin din naman ninyo iyon sa akin kung nagkabaligtad ang sitwasyon hindi ba?"

Hindi sila kumibo subalit nandoon pa rin ang galit. Pero alam kong sumangayon sila sa sinabi ko. Parents will do everything for their kids to have a good life, at isa na sila doon. Kahit mali ang ginawa ng mommy ni Ruel, there is still the justification in what she did, for her son to have a good life without me and the baby because the timing was bad in that situation.

"We can't be together with that family, Cassandra. Masyadong masakit ang nangyari at hindi ko sila mapapatawad. We can't let you get hurt again by getting together with that boy again. Stay away from him."

"He's not a boy anymore Ddy, he's a grown up man at kaya na niyang magdesisyon para sa sarili niya. At kaya ko na ring panindigan ang sarili kong buhay. I love you both so much and I really am thankful for everything you did for me, pero mahal ko pa rin siya. Hindi ko kayo susuwayin pero sana, hayaan ninyong makabawi kami sa isa't isa. We've been hurt too much, gusto lang namin uling magmahalan ng hindi nagkakasakitan."

Hindi sila umimik. Hindi pa rin sila sang-ayon pero sana pag-isipan nila ang aking sinabi. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Siguro pagod na rin talaga akong magtago at umiwas sa tunay kong nararamdaman. Siguro mas gusto ka na lang maramdaman ang pagmamahal na sinasabi niya na gusto kong paniwalaan. Dahil sa apat na taon kong papalit-palit ng relasyon, siya pa rin talaga ang hinahanap-hanap ng puso kong pasaway.

"I'm still not accepting anything from that family, either you like it or not. Do you understand?" humina na ang boses ni Daddy subalit nandoon pa rin yung awtoridad sa kanyang tono.

Hindi ako sumagot, hindi rin ako tumango.

"Cassandra Mae?" he called out.

"I love you Ddy, you too, Mmy, pero sana maintindihan ninyo na mahal ko pa rin siya. Kahit sumangayon ako sa inyo ngayon, hindi ko mapipigilan ang puso ko kapag kaharap ko na siya. I just want him to love me back the way I feel for him."

SGANF #2: BROKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon