Chapter 12

10 4 0
                                    

Totoong tibok ng puso

--Hope's P.O.V.--

Nakatanggap ako ng text mula kay Alison. "Hope, punta ka rito sa may salon. Kasama ko sila sungit."

"Sila sungit? Sino yun?" Nalilitong tanong ko.

"Sino pa ba? Edi si Kris." Sagot nito.

Kris? Masungit? Kelan pa?

"Sige, papunta na ako."

Agad akong nagayos at palabas na ng condo nang marinig ko ang malamig na boses.

"Nasa may pinto yung susi." narinig kong sabi ni Ethan.

"Huh? Anong susi?" itinuro niya ang isang susi ng kotse na nasa sabitan.

Hindi 'to susi ng kotse niya ah...

"Kung nagtataka ka kung kaninong susi yan, sa'yo yan. Sa'yo nalang." nanlaki ang mga mata ko. "Aalis ka ba o aalis ka?" tanong niya.

"Hah? Ah... Oo heto na. Salamat." sagot ko at kinuha ang susi ng kotse bago lumabas ng pinto at umalis.

Pagkalipas ng ilang minuto ay narating ko ang salon kung saan ko nakita sila Alison at Kris kasama ang kapatid ni Alison na si Ajah at ang pinsan ni Kris na si Taylor.

"Akala ko hindi ka na darating... Bakit ang tagal mo?" nagkukunwaring naiinis na sabi ni Alison.

"Wala lang... Trip ko lang." biro ko at agad naman akong hinampas ng mahina ni Alison sa balikat. "Aray!"

"Masakit ba yon?" Tanong ni Alison.

"Hindi joke lang." biro ko.

"Ano ba kasi, Hope naman eh!" natawa lang ako sa kaniya.

"Baka nagugutom na kayo, libre ko." nakangiting sabi ni Taylor.

"Nakakahiya naman sa'yo." mahinang sabi ko.

"Sus! Kunwari ka pa, alam ko namang mahilig kang magpalibre." sabay akbay na sabi ni Kris.

"Hindi ko naman kasalanan kung nililibre niyo ko ah!" natawa lang sila rito at nagsipasok na kami sa restaurant.

"Anong gusto mo, Hope?" tanong ni Alison.

"Kahit ano basta yung masarap..." sagot kong nakangiti.

"Lahat naman kakainin mo eh." natawang biro ni Kris.

"Tumigil ka susungalngalin kita tignan mo." nainis na sabi ko, natawa lang sila sa akin.

"Good morning, ma' am good morning sir, may I take your order?" lumapit ang isang employee at kinuha ang order namin tsaka umalis.

"Walang nag iba sa'yo Hope..." kalmadong nakangiting sabi ni Taylor.

"Huh? What do you mean?" I asked confused.

"Your still a kiddo now..." biro nito.

"Alam niyo, pag trip niyo ko, trip niyo ko talaga ano!?"

gigil mo ko ah!

"Ahah! Tama nga si kuya Kris tungkol sa'yo, ang cute mo paring bata, Ate Hope. Kahit malaki ka na." namula ang pisngi ni Ajah nang sabihin 'to sa'kin.

"Talaga? Parang hindi naman, and weird ko kayang tignan. Look at me! I'm an alien!" biro ko.

"Hindi... Cute ka nga talaga, walang biro..."

"Huh... Akala ko pa naman bata ka pa, binata na kapatid ko ah!" pag-bababy talk ni Alison sa kapatid.

Ikaw Na PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon