Chapter 18

10 4 0
                                    

But I Can't Swim!

Napatingin ako ng masama sa lalaking tumatawa sa harapan ko.

Mahahampas na kita.

"Binili kita, wag kang mag-alala." nakangising sabi nito sakin sabay may inabot and isang body guard. Ibinigay ni Ethan ang inabot ng body guard nya. "Buksan mo, tapos ikaw na bahala mag-decide kung susuotin mo ba o hindi."

Binuksan ko ang box at nakita ang mga magagandang swinsuits. Siguro mga lima yung nasa loob ng box na to. Pero ang mga nakakuha ng atensyon ko ay ang swimsuit na may design na palm tree.

Imilabas ko iyon at napangiti. Ang tahimik ng kapaligiran noong oras na iyon, napatagal ata ang titig ko sa swimsuit na iyon dahil bigla lang ako hinatak ni Ethan papasok sa hotel na pinabook nya para sa amin.

"Miss, room 385? Nakareserve po sa akin." sabi ni Ethan sa receptionist.

"Name po sir?"

"Ethan, Ethan James Forester." inabutan ng receptionist si Ethan ng susi at hinatak na ako nito papunta sa elevator. "Sa tingin ko, nagustuhan mo yang isang swimsuit na iyan." biglang sabi nito.

"Ah...? O-oo... May... May naalala lang ako..." napatingin ako sa baba at malungkot na napangiti.

Ganito ang itsura ng swimsuit na binili ng lola ko para kay mom. Tuwang tuwa si mom noong araw na iyon, abot tenga ang ngiti niya nun. Napakasaya niyang tignan.

"Bakit parang hindi ka masaya?"

"Hah? Masaya kaya ako... Ano lang kasi... Ganito yung... Swimsuit ni mom na galing kay lola..." tinignan ko ang swimsuit na nasa kamay ko. Naramdaman kong may kamay sa baba ko at iniharap nito ang mukha ko kay Ethan.

"Hindi masaya ang nakikita ko sa mga mata mo..." mahinang sabi nito.

Napatitig ako sa mga asul na mata niya. Minsan talaga, bigla ka nalang mawawala aa mga mata niya. Tila dagat ang lawak na makikita mo sa mga mata niya, o di kaya ang langit. Walang nakakaalam kung hanggang saan ka mapupunta.

Napakalapit ng mukha niya... Nanginginig ako, anlakas ng pagtibok ng puso ko, ang hirap huminga ng maayos... Napapikit ako, napapikit ako at sinubukang linisin ang isip ko nang naramdaman ko nalang palapit na ng palapit ang labi ko sa labi niya--

*DING*

Bumukas ang pinto ng elevator, binuksan ko na rin ang mga mata ko. Nakita ko ang gulat na mga mata ni Ethan. Natulak ko ang sarili ko palayo, patuloy na naglalakad papunta sa room 385, takot na tumalikod at harapin si Ethan.

Naririnig ko ang mga yapak niya, malapit lang siya sa likod ko. Tahimik nanaman ang kapaligiran.

*CLICK*

Binuksan ni Ethan ang pinto, pumasok ako sa loob at umupo sa kama habang pinapasok ni Ethan ang sarili niya dala ang gamit namin.

"May stock ang minifridge, wag mo lang sobrahan ang pag-inom. At baka--"

"Baka malasing ako?"

"Baka lumaki yung bill natin." Ethan gave me a questioning look as he said this habang tinatanggal ang coat niya.

He unbuttoned his shirt at nilagay ang coat sa upuan malapit sa pinto. Pumunta siya sa may bintana at tumingin sa labas.

Napahiga ako, pinikit ko ulit ang mata ko at napahawak sa labi ko. Ano ba to...? Ano bang iniisip ko...?

--Ethan's P.O.V.--

Halos masampal ko ang sarili ko, ano ba ginagawa ko? Bakit ko naisip na gusto akong halikan ni Hope? Kung ano-ano nanaman ang nasa isip ko. Nakakainis.

"Hope... Sorry nga pala kanina..." sabi kong nakatingin parin sa labas ng bintana. Walang sagot, galit ata... Naku lagot na. "Look, hindi ko sinasadya... I mean-- Hindi naman tayo talaga nagha--"

Walang hiya, tulog na pala...

Natawa ako ng mahina sa kalokohan ko, ano ba yan kasi... San ba nagkabuhol-buhol ang buhay ko't nagawa kong mahulog ng ganito sa'yo.

Nilapitan ko si Hope at umupo sa sahig habang nakapatong sa palad ko ang pisngi ko. I don't know how, but I found myself caressing Hope's cheek.

Para bang gumagaan ang pakiramdam ko tuwing nakikita siyang mahimbing na natutulog. Sure nakakasakit siya pag tulog, but hey. It's not her fault... It's natural.

Tinignan ko ang box na knabot ko sa kanya kanina, yakap yakap pa niya ito. Kasama na roon ang swimsuit na may palm tree na design na nasa kamay niya. Napangiti ako.

"Mabuti naman at natuwa ka sa binigay ko sa'yo..." mahinang sabi ko sa sarili ko.

*Knock* *Knock* *Knock*

"Sino 'yan?"

"Sir, room service po." narinig ko ang boses ng isang babae, nagtaka ako dahil ang sabi sa akin ng isang guard, nililinis na ang mga kwarto before and after a costumer books in.

Tinignan ko si Hope bago makaisip ng plano, naka-off shoulder si Hope. Alam ko na... Kinuha ko ang kumot ang kinumutan si Hope hanggang balikat, pagkatapos ay tinanggal ko ang damit ko at pinalupot ang towel sa baiwang ko.

Binuksan ko ang pinto...

"Ahy, diyos miyo!" napapikit ang babaeng naka-uniform. "Pasensya na po kayo kung... Uh... Naistorbo ko po kayo..."

Napakamot ako ng ulo, kung ano ano nanaman iniisip ko...

"Hindi, okay lang..." sambit ko rito at nag-excuse na ito para umalis.

"Ano bang ingay 'yun?" narinig ko ang tinig ni Hope. Tumalikod ako't nakitang nagkukusot ito ng mata, nakabisangot sa akin. "Alam mo? Instead of making all the ruckus, you should really let me sleep. We just arrived here tapos hindi mo'ko papahingahin--"

"Oo na po, ma. Matulog ka na. Hays. Dami pang satsat." I muttered.

Isinara ko na ang pinto at binuksan ang maleta para kuhain ang isa sa mga extrang damit na dinala ko.

Narinig kong tumayo si Hope mula sa higaan at naglakad papunta sa C.R. Binalewala ko na lamang ito at nagpatuloy sa pagppaalit ng damit.

--Alison's P.O.V.--

"Hindi nga pwedeng pakialamin yan, Kris! Ibalik mo na!"

"No, Alison. Don't you get it? Kung may contract tungkol sa kanilang dalawa, ibig sabihin hindi totoo yung kasal!" sabi ni Kris na may ngiti sa mukha. Kumunot ang noo ko nang makita ang saya sa mukha niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't hinablot ang kontrata mula sa kamay niya. Ramdam ko ang pagkagalit niya noong ginawa ko iyon.

"Wag kang mangi-alam ng mga gamit dito, Kris. Ang kailangan lang na'ting gawin ay ang bantayan si--" napatingin ako sa paligid. "Teka, asan si Peachy!?" bigla kaming natarantang dalawa.

Sa sobrang pabaya namin nakalimutan namin na binabantayan namin si Peachy! So stupid! Wtf Kris! Papagalitan tayo ni Hope nyan! Haayyss!

*KRRIINNGG KRRIINNGG*

Narinig kong tumunog ang telepono, tangkang sagutin ni Kris ang telepono nang pinigilan ko ito.

"Alison?? Baka si Hope yon, kailangan ko syang kausapin! Ano ka ba!" sagot ni Kris sa akin.

"Tumigil ka nga Kris! Baka sabihin nangingi-alam tayo ng mga gamit dito! Kailangan natin hanapin si Peachy!" pagsagot ko rito. "Siguradong magagalit yun sa kapabayaan natin if ever na di na bumalik si Peachy!"

Ikaw Na PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon