Chapter 20

8 1 0
                                    

-Hope's P.O.V.-

"Ito ba yung ineexpect mo..?" sabi nito sakin ng mahina.

"A-alin...?" nahihiyang tanong ko.

Lalong nilapit ni Ethan ang mukha niya sa akin, dahan dahan itong lumapit. Sa sobrang lapit niya sakin ay tila naramdaman kona ang tibok ng puso nya, and mine as well.--

Bigla akong napadilat at itinulak si Ethan papalayo.

Hindi.. Hindi ko pa kaya, nope. I know what's real, I can't take this as a joke, and hindi ko pa nga alam kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa akin and e-expect mo na I'll accept this? God no!

Napangisi ang binatang nakatayo sa harapan ko at natawa ng mahina.

"Anong nakakatawa?? Nangaasar ka dyan, nakakatuwa ba? Haysstt!" naiinis na sabi ko rito. Agad kong kinuha ang sapatos ko at dumeretso sa hut kung saan namin iniwan ang gamit namin.

Mahina kong ibinato sa upuan ang sapatos ko sabay upo sa tabi ng upuan na iyon. Hinanap ko sa bag ko ang telepono ko and sinubukan kong tawagan si Kris sa telepono nya, baka naman inilakad lang nila si Peachy kaya hindi nila nasagor yung tawag ko kanina.

*KKRRIINNGGGG* *KRRIINNNGGGG*

No answer.... Binaba nya...? Why?

Dinial ko ulit...

*KRRIINNGGG* *KRIINNNGGG*

wala talagang sumasagot... Ano kayang nangyari don...?

"Ano nakausap moba yung 'baby' mo?" tanong ni Ethan habang papasok sa lilim ng hut.

"Hindi e... Ayaw sumagot nila Alison.... Ano kaya meron..? Baka kung ano na nangyari don..." pag-aalala ko.

"Hey, Hope..." tinignan ko ang binata. "They're at home, safe, and if lumabas man sila, malaki naman ang subdivision kaya marami silang maiikutan roon... Maybe the dog just got bored...." pagcocomfort nya.

"Fair enough...." napabuntong-hininga ako.... Siguro tama nga sya... Maybe I'm just overthinking, and maybe okay lang sila sa bahay...

I looks up again and saw the beaming red light that came from the sunset, ang ganda.... Lalo na pag nasa harapan mo mismo....

"Ang ganda di'ba?" napatingin ako kay Ethan.

"Ha? Ah, eh... Oo naman..." mukhang kumunot lang ang noo nya sa sagot ko.

"Galing ba sa puso yang sinasabi mo o labas sa ilong?" tanong nya. "Parang hindi ka naman natutuwa." he crossed his arms and raised his brow.

"Ha? Ako? Di natutuwa? Ang ganda ganda kaya! Tignan mo oh, and ganda! Di'baaaa????" natawa lang ito sa pinagsasabi ko.

"Alam ko... It's beautiful..." tumingin sya sa lumulubog na araw, at tumingin ulit sa akin. "Really beautiful..."

"Uuhhh sure! Now if you could excuse me... May aayusin pako, have fun nalang." sabi ko't ipinangharang ang laptop ko sa pagitan namin.

Nakita kong kumunot ang noo na binatang nakaupo sa harapan ko. Ngunit hindi ko ito pinansin. Walang ibang nasa isip ko kundi ang mga pangyayaring napasukan kong ito.

Fake marriage, fake relationship, faking a wedding? My dad has done it all para lang magstay sa pangalan nya ang kumpanya. Same for Mr. Forester, it seems as if this was somewhat too peculiar of a coincidence. Hindi kolang alam kung who and why someone would want to do this.

-Alison's P.O.V.-

Isang oras na ang nakalipas and ndi paren namin mahanap si Peachy. Pano ba kase to nangyari? Nag-uusap lang kami and then POOF, nawala na ung aso ni Hope. Kalkal pa kase ng kalkal yung hayop na Kris na yan. Akala mo naman makakatulong sya.

Ikaw Na PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon