Chapter 19

10 3 0
                                    

Nawawala si Peachy

Hope's P.O.V.

Nakaupo ako sa kama habang hinihintay si Ethan sa C.R. Kanina pa siya doon, ano kaya ginagawa nung lalaking yon? Nagpapakawala ng dragon? Naghahanap ng kakantahin para makaligo-- ahy hindi, nagpalit na siya kanina eh... Hmm...

Nagpalingon-lingon muna ako ng sandali at nakita ang telepono ni Ethan.

Interesting...

Hinablot ko ito at binuksan, ah walang password. Ang galing galing madaling nakawan ang lalakin ire.

Nagpalibotlibot ang tingin ko sa mga applications sa phone niya. Wala namang kakaiba... Facebook, Twitter, Instagram, Youtube wala bang laro dito? Amboring mo naman-- ayun!

Nanlaki ang mga mata ko.

"Anong ginagawa mo sa phone ko?" napabaligtad ako nang marinig ang boses ni Ethan.

"Hey! Hi! Hello! Hi!" nagpapanick na sabi ko. "Wala lang po, ehehe! Naghahanap lang ng malilibangan." nakangiting sabi ko.

"Para kang bata." binilugan ako nito ng mata sabay hablot sa cellphone niya.

Ansama ah, napakadamot. Dapat kasi nilalagyan mo ng password yang phone mo nang di mangeelam yung mga tao.

Nilapag ni Ethan ang phone sa gilid sabay upo samay tabi ko katapat ng bedside table.

Wala itong suot kundi ang nakapulupot na twalya sa baiwang nito. Akala koba nagbihis kana? Bakit naligo kapa? Hays.

"Di'ba nagbihis kana?" tanong ko rito.

"Nainitan lang ako kaya ako naligo, para namang di ka naiinitan." nakangusong sabat nito sa akin.

"Hmm... Kamusta na kaya baby ko...?" napanguso ako bigla nang maalala si Peachy na naiwan sa condo.

"Baby mo? Andito sa tabi mo, yiieee~" pang-haharot ni Ethan.

"Gaga, si Peachy kasi. Hindi ikaw." kumunot ang noo ko sa pagka-irita sa kanya. Hays.

"Edi tawagan mo sila Alison, tanungin mo kung kamusta na si Peachy."

"Hmm..." napatingin ako sa telepono ko. "Mm.. Sige sige."

Nagdial ako, niring ko ang landline namin, tutal, andun din naman sila and sigurado namang wala syang load pang-tawag.

I growled.

"Walang sumasagot sa tawag ko."

"Oh kalma lang, wag muna mag-wild. Mamaya na." pang-aasar nito sa'kin.

"Yuck, ang libog mo noh." binilugan ko ng mata ang binata, natawa lang ito.

"Ikaw yung naka-isip, sabi ko wag lang wild. Libog agad inisip mo, nako. Tsk tsk." sabi nito't kumuha ng damit.

"Wag mona kong inisin... Nag-aalala lang ako sa baby Peachy ko baka kung ano na nangyari don, huhuhu."

"Ewan ko sayo, para kang bata."

--""--

Nagpalakadlakad kami sa may tabing dagat, ang tahimik, parang bumalik kami sa dati... Ang awkward.

Napapatibgin na lamang ako sa dagat, ang ganda, ang ilaw mula sa lumulubog na araw ay nagbibigay na tila mapula at madilaw na liwanag mula sa kung saan man, nag-reflect pa ito sa tubig.

Napangiti ako.

"Ang ganda talaga..." mahinang sabi ko.

"Oo... Ang ganda nga..." napatingin ako kay Ethan na kanina pa palang nakatitig sa akin. Nagkasulubong ang aming mga mata. Hinanap ng mga asul na mata nya ang mga tsokolate at maamo kong mga mata.

Nagtitigan lamang kami noon, tila bang bumagal ang mundo ko nang mga oras na iyon. His face was so handsome, agh, I can't hold it in anymore.

Dahan dahan na lumapit si Ethan sa mukha ko o baka bumagal lang tlga ang mundo sa isipan ko. Ano ba 'to. Ang bilis ng tibok ng puso ko, ano bang nangyayari, hahalikan bako nito?! Napapikit ako.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Ang gulo ng buhok mo." narinig ko ang tinig ni Ethan habang inaayos niya ang buhok ko. Napadilat ako.

Haiisstt napakatanga mo Hope.

"Eh--Mahangin kasi, kaya ganyan. Tsk." nakakunot-noong sabi ko. Napataas-kilay lamang ang binata sa sinabi ko.

"Were you expecting something...?" napangisi ito.

"H-huh?? H-hindi ah! Bakit naman ako mage-expect ng kung ano? Pfft! Parang may something naman satin deba, ang weird mo no--" nanlaki ang mga mata ko.

--Alison's P.O.V.--

"Peachy, asan ka na ba!? Grr!" natatarantang sabi ko habang naglilibot sa subdivision. Hindi naman ata makakalayo yung asong iyon, napakalaki ng subdivision na ito at napaka-onti ng lugar na mapupuntahan.

"Saan naman pupunta yung tuta na yon? Wala naman matatantong kung ano yun dito, puro kalsada lang naman to. Tapos wala pang mga sasakyan na dumadaan. Baka naman wala siya dito sa labas." sambit ni Kris.

"Alam mo, kasalanan mo to eh."

"Oh, ako nanaman nakita mo." binilugan ako ng mata ng binata.

"Ikaw kasi tong nangingialam ng gamit ng may gamit, wala kabang magawa sa buhay mo!?" galit na galit na tugon ko.

"Alison naman eh, alam kong mali yung ginawa ko, pero don't you see? All this time, those two were lying to us! That enggagement... It was fake all along!" sagot nito sa akin. Lalo lang akong nainis. Tama nga siya, nagsinungaling nga sila Hope sa amin, pero hindi rin naman tama na pagpiestahan ni Kris ang mga gamit ng dalawa habang wala ang mga ito. Napaka walang galang naman non.

"Kung hindi mo sana pinakialamanan yung mga gamit niya, hindi sana ako nadistract. Hindi sana nawawala yung tuta ni Hope ngayon! Haist! Peste ka!" napasigaw ako ng malakas.

"Gusto kolang naman kasing malaman yung totoo, di ba't gusto mo ren naman malaman kung--"

"Kung may gusto ka pa kay Hope!" nanlaki ang mata ni Kris. "Oo may gusto akong malaman... Pero hindi iyon tungkol sa relasyon ni Ethan at ni Hope! Ang gusto kong malaman ay kung may gusto ka pa ba kay Hope! Simple lang naman yung gusto kong marinig sa'yo... Pero di mo naman masabi sa'kin..."

Natahimik siya sa narinig niya. Gulat na gulat ito nung sinabi ko iyon. Pero totoo naman eh... Totoo naman na gusto kong marinig sa kanya yung totoong nararamdaman niya kay Hope... Siya lang tong nagpipigil magsabi... Na para bang ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo...

"Alison--"

"Sabihin mona..." I interrupted. "Sabihin mona na may gusto ka pa kay Hope, sabihin mona nang matapos na tong nararamdaman ko!" tumulo ang luha ko. Nanginginig na ang mga paa't kamay ko pero hindi ko iyon pinansin. Napatigil lamang ang binata sa mga sinabi ko't napatitig lang ito sa akin.

Wala na siya nagawa. Alam niya kailangan niyang sabihin ang totoo.... Pero kung ang totoohanang iyon ay ang inaakala ko... Hindi na ako magdadalawang isip...

"Okay sige... Oo na... May gusto pa ako kay Hope! Masaya ka na?" tinignan ko siya at malungkot na ngumiti. Nakita kong nag-iba ang ekspresyon niya nung nakita ang ngiting ipinakita ko.

"Oo... Masaya nako..." sabi ko habang patuloy na umaagos ang mga luha ko't halata nang nanginginig ang tinig ng boses ko. "Hanapin na natin si Peachy..." dumeredtso ako sa isang direksyon at iniwang nakatayo ang lalaking si Kris.

Wala na akong magagawa... Naguho na ang mundo ko... Hindi na dapat ako nag-expect sa'yo, Kris... Napakatanga ko... Ang tanga tanga ko! Bakit pa ako nagpakatanga sa'yo...? Heto nanaman tayo, Alison... Heto nanaman ang mga maling desisyon mo... Haiisstt....

--Hope's P.O.V.-

Nanlaki ang mga mata ko, nang inilapit ako ni Ethan sakanya. Tinitigan niya ang mga mata ko't halos magdikit na ang mukha naming dalawa.

"Ito ba yung ineexpect mo..?" sabi nito sakin ng mahina.

"A-alin...?" nahihiyang tanong ko.

Ikaw Na PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon