"Kapalan na ang mukha, Eris."
Nasa tapat ako ng opisina ng CEO ng kumpanya, hawak ang mga dokukento. Ang kabilang kamay ko ay nasa bulsa ng pantalon ko. Napansin kong hindi naka lock ang pinto kaya binuksan ko at umingit ito nang bahagya.
Natigilan at nagulat ako sa nakita ko, hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob. Nakaupo ang CEO sa kandungan ng boyfriend niya habang naghahalikan sila. Parang sabik na sabik sila sa isa't isa at gulo na ang mga suot. Maririnig din ang mahihina nilang ungol.
Hindi ko alam ano gagawin, naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nang mahimasmasan ako, tumikhim ako nang malakas para makuha ang atensyon nila.
Napatigil ang CEO at lumingon sa akin. Agad siyang lumayo sa boyfriend niya, namumula ang pisngi sa gulat at pinunasan ang labi. Nagulat din ang boyfriend niya at agad na tumayo at inayos ang sarili.
"Pasensya na kung naistorbo ko kayo," kamot ulo kong sabi. "May pag uusapan lang kami ni Lorenzo."
Inayos ni Lorenzo ang shirt niya, nagbobotones bago inayos din ang neck tie. 'Yung boyfriend naman niya, kumuha ng tissue at pinunasan ang labi. Pinanood ko lang silang ayusin ang mga sarili pagkatapos ko silang mahuli.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako na pareho silang hiyang-hiya sa akin. Wala lang naman sa akin 'yon, hindi lang naman ito ang unang beses na nahuli ko si Lorenzo at boyfriend niya.
"Eris, I-I'm sorry. I didn't realize you were here." Usal ni Lorenzo pagkatapos mag ayos.
Umiling ako. "Ayos lang. Medyo wrong timing ako pero kailangan din kasi kita makausap kaya pinuntahan kita."
Tumango si Lorenzo, na halatang nakukunsensya, bago lumapit sa boyfriend niya at binulungan ito. Ngumiti sa akin si Topher bago siya nagpaalam na aalis. Nang makalabas siya, tumungo kami ni Lorenzo sa mahabang lamesa.
Umupo ako sa silya habang ngumunguya ng bubble gum at pinagmamasdan ang office ni Lorenzo. Malaki at glass window kasi kaya tanaw ang view sa labas ng building.
Sa kabilang dulo ng lamesa, si Lorenzo Feline Carreon III, nakasuot ng specs at mukhang elegante na ulit sa suot niyang mamahalin na itim na suit. Kung titignan, mukha talaga siyang lalaki dahil likas na guwapo, karismatiko, at makamandag ang hitsura't tindig, matangkad, matipuno ang pangangatawan, at higit sa lahat, mayaman.
"I simply cannot believe this is the only way, Eris," matinis na boses niyang sabi. "You're asking me to sign my life away for a contract I never agreed to. It's preposterous!"
Matalim ko siyang tinignan. "Renzo, alam mo naman ang kalagayan ng tatay ko diba? Ang kasal na ito ang tanging paraan para mailigtas siya at para sa pera na kailangan niya sa paggamot. Wala akong oras sa drama, kailangan na kailangan ko ito."
Nanlaki ang mga mata niya. "Drama? Eris, this is my life we're talking about! You think it's easy for me to accept this? I have my own obligations, my own desires. I have a boyfriend! I didn't sign up for this kind of arrangement!"
Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko hinihingi sa 'yo na magustuhan ito. Alam ko namang may boyfriend ka at wala akong plano na ahasin ka. Hinihiling ko lang na intidihin mo na ito lang ang tanging option natin sa ngayon. Ang buhay ng tatay ko ang nakataya dito. Matagal na tayong magkakilala, Lorenzo, mula pa noong bata pa tayo kaya please, kailangan kita ngayon."
Tumayo siya at naglakad-lakad sa silid, frustrated. "You're asking me to sacrifice my happiness for yours! How is that fair? I'm not just an accessory to your problems. I have a right to my own choices!"
YOU ARE READING
Eclipsed Hearts
RomanceSocietal expectations and financial pressures lead to a forced marriage between Eris Jace Salazar, a tomboyish and fiercely independent woman, and Lorenzo Feline Carreon III, the heir of Carreon Estate, who is secretly a gay. Started writing: Septem...