3

162 44 1
                                    




"Babalik ka na sa villa?"



"Yes!" Nagpupunas pa rin siya ng sarili niya gamit ang tuwalya. Bwisit na bwisit talaga siya. Gusto ko pa siya asarin kaso baka sambunutan na niya ako sa inis.



"Sige, surfing lang ako ah," paalam ko. "Balik ako bago mag 6pm."



"Whatever! Do what you want!" Tinalikuran niya ako at umalis na.



Hindi ko na siya pinansin at binitbit ang surfboard. Nabitin ako sa paddleboarding, walang thrill. Tama si Lorenzo, mahilig ako sa mga bagay na puno ng adrenalina. Hindi kasi ako 'yung tao na kontento lang sa panonood ng mga bagay mula sa malayo; gusto kong maranasan at maramdaman ito mismo.



Para kasing hinahanap na rin ng katawan ko 'yung mga kakaibang gawain at hamunin ang sarili ko. Kahit pa mga delikado, ginagawa ko e. Adventurous talaga ako.



Nakailang rides ako sa mga alon at nakipagtropahan pa sa ibang surfers bago ako nagpasya na tumigil na. Pagod at basang-basa ako nang umupo ako sa may bench. Pinupunasan ko ang sarili ko nang kunin ko ang phone ko at makita ang text ni Lorenzo.



Impaktang Lorenzo:
I'm going to town to buy something.



Ilang minuto nang nakalipas ang text niya kaya siguro nakaalis na siya at nasa bayan na. Bumalik ako sa villa at tumungo sa kwarto namin. Binuksan ko ang kabinet at kinuha ang tuwalya.



Nakasalpak ang earphones sa dalawang tenga ko, nakikinig ako ng rock song. Nagsimula akong maghubad, una ang rash guard, pagkatapos ang swimwear na suot ko. Lagkit na lagkit na ako sa sarili ko. Gusto ko na maligo.



Wala lang naman sa akin kung nakahubad ako. Wala naman si Lorenzo at kung nakabalik naman siya, malalaman ko naman. May kalayaan talaga akong maglakad-lakad dito na walang saplot.



Hawak ko na ang tuwalya at papasok na sana ako sa banyo nang pagharap ko, may nakabangga akong matangkad at matigas na bagay.



Bago pa man ako makareact, natumba ako at napaibabaw sa bagay na 'yon. Nang mag angat ako ng tingin at tignan kung kanino ako natumba, nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lorenzo na nakakunot ang noo at nakahiga.



Nang magtama ang paningin namin at makita niya ang hitsura ko ay namilog ang mga mata niya sa gulat.



"What the fuck, Eris!" Sigaw niya. "Why are you naked!"



"Punyeta, bakit ka nandito?!" Sigaw ko rin pabalik.



Natataranta akong umalis sa ibabaw niya, hindi ko alam kung paano tatakpan ang sarili ko. Mabilis naman siyang tumayo at tumalikod.



"Wag kang titingin, tutusukin ko 'yang mga mata mo!" Banta ko habang inaabot ang tuwalya sa gilid.



"I don't understand!" Nanatili siyang nakatalikod sa akin. "Why are you naked?!"



Binalot ko ang katawan ko ng tuwalya at niyakap ang sarili ko. Naramdaman ko ang mukha ko na namumula. Gusto ko maglaho sa kahihiyan!



"Magpaliwanag kang bakla ka ah! Bakit ka nandito agad! Kakatext mo lang kanina!" Duro ko sa kaniya.



Nilingon niya ako pero mabilis din siyang umiwas ng tingin. "That was 30 minutes ago! Of course, I'll be back!"



"Bakit ang bilis mo! Ang layo ng bayan! At saka kakaakyat ko lang!" Asik ko.



Eclipsed HeartsWhere stories live. Discover now