Pag uwi ni Neth sa bahay, dumiretso agad siya sa kwarto niya para humiga na sa kama at mag pahinga. Habang naka higa sa kama napapa isip siya dun sa video na napanood nila Riza at Anne. Naguguluhan siya sa ilang bagay bagay, nang biglang naalala ni Neth ang diary ni Maria Kurenai na hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin.
Bumangon sa kama si Neth para kuhanin sa loob ng bag niya ang diary ni Maria Kurenai. Nang nakuha na niya to, hindi niya alam kung bubuksan ba niya ito para bulatlatin, para tingnan ang ibang pahina o huwag na lang. Pero may kung anong pakiramdam si Neth na nagsasabi sa kanyang sarili na buksan niya ito.
Naisip din ni Neth na buksan na ang diary. Bumungad muli sa kanya ang bahid ng dugo na nakita niya dati nung unang beses niya ito nakita, ngunit may isang bagay na nakapag pagulantang sa kanya. Nagtataka si Neth kung bakit may mga langgam sa unang pahina kung saan nandun ang bahid ng dugo. Nilipat pa ni Neth sa ibang pahina ng diary at nakita niyang ang daming langgam. Nilapit ni Anne ang pahina ng diary sa kanyang ilong at inamoy to. Napagtanto niya na hindi dugo ng isang tao ang kulay pulang likido na inaakala niyang bahid ng dugo, kundi amoy ng isang ketchup ang naamoy niya dito. Bigla siyang napaisip sa hawak hawak na diary.
"Ang weird, paanong dugo ito ng isang tao kung ang amoy nito ay ketchup. Hmmn, hindi kaya... hindi naman talaga to diary ni Maria Kurenai at gawa gawa lamang to ng isang tao na gustong manakot sa mga estudyante ng LU na kumukuha ng thesis. Pero pano naman yung nangyayaring patayan, patayan na iniisip ng iba na ang kaluluwa ni Maria Kurenai ang may kagagawan? Isang bagay na lamang ang naiisip ko ngayon. Hindi kaya, hindi naman talagang totoo ang sumpa ni Maria Kurenai, at may isang masamang loob lang na ginagamit siya upang takutin ang mga graduating students ngayon na kumukuha ng thesis, at... at... at... baka ang talagang pumapatay ay hindi si Maria Kurenai, kundi ibang tao? Huh, ibang tao? Pero bakit naman siya papatay ng mg estudyante? At saka kung si Maria Kurenai nga ang totoong pumapatay, dun sa napanood namin na video nila Riza at Anne, bakit kailangan pa niya gumamit ng isang maskara para takpan lang ang kanyang mukha? Kasi kung siya nga si Maria Kurenai wala na siyang dapat pang katakutan kasi patay na siya, isa na lamang siyang kaluluwa, at ang isang kaluluwa na katulad niya ay imposibleng maaresto pa ng mga pulis." Ito ngayon ang mga bagay bagay na sumasagi sa isipan ni Neth.
Talaga nga ba na may sumpa? Sumpang binitawan ni Maria Kurenai, o isa na lamang ito na parte ng isang malagim na nakaraan ng Liberty Univeristy? Kung ganun nga, at hindi si Maria Kurenai ang iniisip na pumapatay ngayon sa mga students na pumapasa sa thesis defense, sino ang totoong responsable sa nangyayaring patayan?
Anne's POV:
Kahit malayo na ako sa LU kasi pauwi na ko, at alam kong malayo na ko kay Maria Kurenai hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang matakot, matakot na baka ako na ang sumunod kanila Daniella, Josh, at Anthony na mapapatay. Pero bakit nga ba ako matatakot, wala pa naman nilalabas na result o isang message sa text na mula sa dean's secretary na si Ms. Mamaru Alvarez na nakapasa ako. Baka napaparanoid lang talaga ako. Pero ewan ko ba, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Feeling ko kahit anong oras pwede na ko mamatay.
Nang biglang nag beep ang cellphone ni Anne.
*******************---------********************
Sender: Ms. Alavarez,
Gud evening Ms. Dela Peña I would like to inform and congratulate you because you had just passed the thesis defense this morning. Hope to see you soon at the graduation day after your ojt on the next semester!
*******************---------********************Totoo ba tong nabasa ko? Nakapasa ako? Wow! Pagkatapos ng paghihirap ko na matapos ang thesis ko, naka pasa na din at may assurance na ko na makakasama sa graduation day! Pero teka, kung nakapasa ako, may posibilidad na ako na ang susunod na papatayin ni Maria Kurenai.
HINDI! Hindi ako makakapayag! Okay, chill ka lang Anne, huwag ka magpanic. Basta maglakad ka lang ngayon sa kalye papunta sa bahay mo na walang inaalala na kung anu ano, magiging okay ka din. Hindi ka papatayin ni Maria Kurenai, takot niya lang sa ganda ko noh!
BINABASA MO ANG
Maria (Short Story Completed)
HorrorIsang kuwento ng estudyante na nag ngangalan na Maria. Sino siya? Ano and misteryo na bumabalot sa kanyang pangalan at ang thesis na nakakabit sa kanyang pangalan? Si Neth isang normal na college student. Umaasa na makapasa sa kanyang thesis defens...