Neth's POV:
Takot at kaba, yan ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Nakatayo sa harapan ko si Maria Kurenai, sa tabi ng gate. Nakakatakot ang hawak niyang mahabang bolo na maaari niyang pangpatay din sakin.
Kailangan kong matakasan si Maria Kurenai sa mga sandaling ito, kung hindi ako makakaisip ng paraan para matakasan siya baka tuluyan na niya akong mapatay katulad nina Riza at Tita Lynne.
Desperado na kong matakasan si Maria Kurenai kaya naglakas loob na ko, inagaw ko sa kanya ang bolo na hawak niya, kaso sobrang lakas niya kaya ang ginawa ko pinilit kong itulak siya para matumba. At natumba ko naman siya. Pagkatumba ko sa kanya, nagmadali akong lumabas ng gate ng bahay at tumakbo palayo.
Habang tumatakbo ako palayo sa bahay nila Riza biglang may naka bangga ako. Hindi ko inaasahan na ang mababangga ko pala ay si Bryle.
"O, anong nangyari sayo Neth? Ba't parang hingal na hingal ka at mukhang natatakot."
"Tulungan mo ko Bryle, nandiyan na si Maria Kurenai! Napatay na niya si Riza, at ngayon gusto niya akong isunod!"
"Ano! Tara, dala ko ang auto ko. Pinark ko lang dun sa may tapat ng mini stop."
Pumunta na sila Neth dun sa naka park na auto ni Bryle sa tapat ng mini stop. Pagsakay nila ng auto, minadaling pinaandar agad ni Bryle ang auto niya. Nagmaneho si Bryle sa direksyon na walang kasiguraduhan kung saan papatungo.
"Bryle, san ba tayo papunta? Kanina ka pa nagmamaneho."
"Hindi ko din alam, basta kailangan natin makalayo para hindi ka masundan ni Maria Kurenai. Pero teka lang. Diba patay na siya? Isa siyang kaluluwa? Kung kaluluwa na lang siya, malamang kahit saan ka magtago masusundan ka niya." Biglang napaisip si Bryle.
"Hindi siya patay."
"Ano, hindi kita maintindihan. Paanong hindi patay?"
"Hindi siya si Maria Kurenai. Dahil kung siya si Maria Kurenai, bakit kailangan pa niya magtago sa isang nakakatakot na puting maskara. Malakas ang pakiramdam ko na may gumagamit lang sa pangalan ni Maria Kurenai para pagtakpan ang totoo niyang pagkatao."
"Kung totoo man ang sinasabi mo, sino siya?"
"Hindi ko alam. Basta magmaneho ka na lang. Ah, alam ko na Bryle. Sa school. Sa Liberty University dun na lang tayo."
At minaneho na ni Bryle ang auto niya papunta sa Liberty University.
Pagdating sa Liberty University, Minungkahi ni Bryle na dun sila sa old library magpunta at magpalipas oras muna.
"Bryle, sure ka ba na dito tayo sa old library magpapalipas ng oras muna para maka iwas dun sa Maria Kurenai na yun?"
"Oo naman. Dito tahimik, walang makakaalam na nandito tayo, at higit sa lahat..."
Nang biglang may tumapat na isang malaking bilog na spot light kay Neth, na sumilaw sa kanyang paningin sa sobrang liwanag nito. Nang biglang may narinig si Neth parang gumulong sa sahig, na kung anong bilog na bagay na tumama sa kanyang mga paa.
Tiningnan niya ang bilog na bagay na to. Laking gulat ni Neth nung nakita niya kung ano ang bilog na bagay na to. Nakita niya na ang gumulong pala sa paa niya ay ang pugot na ulo ng pinsan niyang si Maris.
"Oh my God! Is this serious! Totooo ba tong nakikita ko ngayon?" Nang biglang may nagsalitang isang boses ng isang babae.
"Oo totoo yan Neth. Ulo nga yan ni Maris!"
Tumingin si Neth sa hindi sa kalayuan sa kanya, at nakita niya ang boses ng babae na narinig niyang nagsalita.
"Huh, ikaw po ba yan, M---M---M---Ms...."
BINABASA MO ANG
Maria (Short Story Completed)
HorrorIsang kuwento ng estudyante na nag ngangalan na Maria. Sino siya? Ano and misteryo na bumabalot sa kanyang pangalan at ang thesis na nakakabit sa kanyang pangalan? Si Neth isang normal na college student. Umaasa na makapasa sa kanyang thesis defens...