Pagdating nina Bryle at Neth sa tapat ng pintuan ng old library, pinakiusapan ni Neth si Bryle kung pwedeng siya na ang magbukas nito, kasi natatakot siya.
Nang bubuksan na ni Bryle ang pintuan ng old library, biglang nag ring ang cellphone ni Bryle kung kaya ay nag excuse muna siya saglit kay Neth para sagutin ang tawag. Pagkatapos sagutin ni Bryle ang tawag ay bumalik na siya kay Neth.
"Hey Neth, I think I can't accompany you to get inside the old library. Tumawag kasi ang Mom ko. Sinugod kasi sa hospital ang lola ko. Gusto niya akong pumunta na ngayon sa hospital. Sige I got to go na, bye!" Biglang sabi ni Bryle kay Neth.
Nang narinig ni Neth yun mula kay Bryle ay bigla siyang napa nganga, hindi niya ineexpect na maiiwan siyang mag isa sa tapat ng pintuan ng old library. Nag dadalawang isip na siya kung itutuloy pa ba niya ang balak niya na balikan ang cellphone niya, o sa ibang araw na lang.
Ngunit mas inaalala niya kung anong sasabihin sa kanya ng pinsan niyang si Maris, na nagregalo sa kanya ng cellphone niya kapag nalaman nito na nawawala ito sa kanya. Kaya kahit natatakot siyang pasukin ang old library ay nilakas na lang niya ang loob niya.
"Sighs, ito na naman ako ulit. Ba't kasi sa dinami dami ko naman pwedeng maiwan sa loob ng library yung cellphone ko pa na bigay ni Maris, tss. Sige kaya mo yan Neth! Girl power!"
At dahan-dahan na rin niyang binuksan ang pintuan ng old library. Binuksan niya ang screen ng luma niyang cellphone para pang ilaw sa dilim ng loob ng old library, na pinangpalit naman niya pansamantala habang hindi pa niya nakukuha sa loob ng old library ang cellphone niya na naiwan.
Nang nakapasok na si Neth sa loob ng old library, bigla siyang nanlamig at kinilabutan sa kakaibang aura na bumabalot sa buong lugar. Nang biglang may natapakan siyang bahagya na isang matigas na bagay sa sahig. Inilawan niya ito, laking gulat niya ng nakita niya na ang bagay na bahagya niyang natapakan, ay ang cellphone niya na naiwan. Dinampot niya ito. Pagkadampot ni Neth sa cellphone niya, biglang narinig niyang sumara at kumalampag ng malakas ang pintuan ng old library.
Pagkatapos nun, meron siyang narinig na foot steps na papalapit sa likuran niya. Ayaw niyang lumingon kasi natatakot siya. Maya-maya pa ay may parang naramdaman siyang kamay na humawak sa kanyang balikat pataas ng kanyang mukha, pagkatapos ay naramdaman niyang gumagapang ang kamay sa kanyang pisngi, nang may narinig siyang bumulong sa kanyang kanang tenga, "Wala ka ng kawala Neth, dahil akin ka na."
Nang narinig ni Neth ang boses na bumulong sa kanya, bigla siyang napasigaw sa takot, nang biglang may narinig siyang nag salita muli sa likuran niya ng, "JOKE LANG!" Bigla siyang napa lingon sa kanyang likuran at nakita niyang si Anne pala yun. At pagkatapos, bigla naman lumitaw din si Riza na may hawak-hawak na night vision video-cam na kanina pa niyang ginagamit na pang video kay Neth habang tinatakot siya ni Anne.
"Langhiya! Kayo lang pala yan! Akala ko talagang may multo na sa likuran ko!" Biglang sabi ni Neth na naiinis.
"Hay naku grabe Neth kung mapapanood mo lang ang sarili mo sa night vision video-cam ko, sobrang nakaka tawa ang expression nung mukha mo habang tinatakot ka ni Anne sa likuran mo." Sabi naman ni Anne habang pigil sa pag tawa niya kay Neth.
"Teka nga lang muna, akala ko ba namatay ang Tita mo sa Bicol Riza, kaya nga sabi mo kagabi sa landline ninyo nung tumawag ako kagabi hindi mo ako masasamahan, kasi uuwi ka sa Bicol para maki lamay?" Tanong ni Neth kay Riza habang naka taas ang kilay.
"Oo namatay nga ang Tita ko, pero hindi ako sumama kanila Mama para maki lamay. Kasi nga meron kaming maitim na balak sayo ni Anne haha!"
"Hay naku! Bestfriends ko nga kayo! Eh, ikaw Anne diba may defense ka pa? Ba't nandito ka?" Tanong naman ni Neth kay Anne.
BINABASA MO ANG
Maria (Short Story Completed)
TerrorIsang kuwento ng estudyante na nag ngangalan na Maria. Sino siya? Ano and misteryo na bumabalot sa kanyang pangalan at ang thesis na nakakabit sa kanyang pangalan? Si Neth isang normal na college student. Umaasa na makapasa sa kanyang thesis defens...