Flashback: September 29,2012
"Napaka sama ninyong lahat sa akin! Ano ba ang ginawa kong masama at kailangan ninyong gawin sa akin ito! Palabasin ninyo ako sa library na ito! Maawa kayo sa akin! Maris tulungan mo ko diba mag best friend tayo." -Maria Kurenai
"I'm sorry Maria pero sa oras na buksan ko ang pintuan ng old library na to ng Liberty University baka ako naman ang malagot kanila Stella at Grace." -Maris Ocampo
"Maawa ka Maris sige na buksan mo na ang pintuan dahil baka hindi ako umabot sa deadline ng defense para sa thesis ng mga panelista. At baka hindi ko na mabawi pa ang ninakaw na thesis ko nila Stella." -Maria Kurenai
"Oh, come on girl don't tell me maaawa ka sa ugly freaky nerd na Maria Kurenai na yan." -Stella Lopez
"Kailangan pa ba natin talaga siyang ikulong sa old library na to Stella at Grace?" -Maris Ocampo
"Don't be so silly Maris! Once na pinakawalan natin ang panget na yan baka magsumbong pa yan sa dean natin at kapag nangyari yun baka masuspend pa tayo at worst matanggal tayong tatlo sa pep squad. Saka baka walang ma-present na thesis ang bestfriend kong si Stella sa mga panelista sa defense!" -Grace Aguas
"Ano pababayaan mo na lang ako rito Maris at makikinig sa mga bago mong mga kaibigan na sila Stella at Grace samantalang ako since first year sa college sa LU mag bestfriend na tayo? Akala ko totoong bestfriend kita pero katulad ka lang din pala ng ibang classmates at schoolmates natin na hinuhusgahan at umaayaw sa akin." -Maria Kurenai
"I'm really sorry, but I can't help you Maria. kapag ginawa ko yun tatanggalin ako nila Stella sa pep squad ng Liberty University. Alam mo naman na pangarap ko ang mapabilang sa pep squad diba ng univeristy natin lalo na't defending champion ang pep squad ng LU sa cheer dance competition last year. I'm really sorry talaga Maria." -Maris Ocampo
BINABASA MO ANG
Maria (Short Story Completed)
TerrorIsang kuwento ng estudyante na nag ngangalan na Maria. Sino siya? Ano and misteryo na bumabalot sa kanyang pangalan at ang thesis na nakakabit sa kanyang pangalan? Si Neth isang normal na college student. Umaasa na makapasa sa kanyang thesis defens...