Chapter 1: Unexpected Guest

992 33 14
                                    

He's the Man with a Tailwritten by: butterrrr_

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

He's the Man with a Tail
written by: butterrrr_

Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

Warning: This story is unedited. Expect grammatical and typographical errors ahead. Thank you!


[This chapter is dedicated to michsoshi.]

Aché Serin

"THIS is called the Merman's scale. Dates back 100 years ago."

Isang pindot ang ginawa ko sa dalang DSLR bago lumapit sa tinutukoy ng tour guide. Merman's scale daw. Kaliskis ng sireno. Lihim akong napairap. Kung p'wede ko lang isigaw na peke ang mga ito ay ginawa ko na. Ngunit mga bata ang kasama ko rito kaya hinayaan ko na lang silang mamangha sa bagay na hindi naman totoo.

Nang umalis na ang mga bata, saka ko pa lang natingnan ng maayos ang kaliskis. Nakalagay ito sa isang cotton cloth. Makinang. Kulay na nagsisimula sa asul tapos biglang magiging berde. Hm, interesting.

Paano kaya nila ginawa 'to? 3D printing? Tss.

May kaunting description pang nakalagay sa ibaba para mas maging kapani-paniwala. Mga tao talaga, basta pera lahat gagawin.

Tuluyan na akong umalis ng museum at sumakay ng jeep pauwi. May mga pictures pa akong kailangang i-print galing sa photoshoot kanina. I'm under a digital company in photos. Dahil nakahiligan ko ang photography ay pinursue ko ito matapos ang college. Kahit Business Management ang kinuha kong kurso. Galing. Matapang. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa maliit na apartment na tinitirhan ko.

Maliit. Ako ang lang naman mag-isa. I decided to have an independent life pagkatapos ko ng High School. Ewan, parang gusto ko lang umalis ng bahay. Hindi dahil may problema, basta I want new environment. May college naman sa lugar namin pero gusto ko ng bago. Gusto ko sa malayong parte. Relate ka?

Malapit sa may dagat ang kinuha kong apartment kasi gusto kong marinig ang paghampas ng alon araw-araw. Kahit na hindi friendly sa akin yung dagat dahil hindi niya ako tinuturuang lumangoy, gusto ko parin siya. Ang sarap lang sa pakiramdam. Good thing may kamag-anak kami rito kaya hindi ako nahirapan na makahanap ng apartment na malapit sa dagat.

Saka ko lang naalala na hindi pa ako nakakapasok sa loob. Ang dami niyo kasing pinapa-explain.

Nilapag ko sa bedside table ang camera at kinuha ang SD card. Inilagay sa laptop at hinanap ang mga pictures. Nakatawag ng pansin sa akin ang kinuha kong litrato kanina sa museo. Hindi ko alam kung anong meron pero winallpaper ko ang kaliskis. Ang weird.

He's the Man with a TailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon