☾
Kanina pa naglalakad ng pabalik-balik si Aché sa loob ng bahay niya. Bumalik na sa pagiging tao si Saero ngunit hindi rin ito makapagsalita dahil sa nangyari.
“Panaginip lang ‘to, gising Aché, gising!” She slapped her face and moaned in pain. Hindi nga ito panaginip. Muli siyang napatingin kay Saero. This guy is a merman? Kaya pala ganoon na lamang ka misteryoso nito. Maski mga simpleng bagay na ginagamit ng tao ay hindi alam. Napasabunot siya sa buhok niya. Bakit sa lahat ng tao, siya pa?
“Anong kailangan mo sa akin? Bakit ka nandito sa bahay ko?” tanong niya. Umupo siya sa harapan ni Saero habang nakatingin dito ng seryoso.
“T-tumakas ako mula sa kaharian namin. Malapit lang bahay mo sa dalampasigan kaya ito ang nalapitan ko. Gustuhin ko mang bumalik ngunit hindi ko alam ang daan. N-nawawala ako.” Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid. Should I believe him? Tanong ni Aché sa kanyang sarili.
“At oo, isa akong sireno. Prinsipe ng mga sireno.” Napasinghap si Aché sa nalaman niya. A sudden scene flashed in her mind. Parang may naaalala siya ngunit 'di niya alam kung ano.
“Ano bang kailangan mo sa akin?”
“Help me go back to my home. Hindi ko man alam ang daan sa pamamagitan ng dagat, alam ko kung nasaang dagat ang kaharian namin,” sabi ni Saero ng seryoso. Saan naman?
“Where?”
“Sa karagatan kung nasaan ang Hacienda Serin.”
Nanlaki ang mga mata ni Aché. Hacienda nila ang tinutukoy ni Saero. Kung ganoon, marami pang katulad niya sa lugar kung saan siya ipinanganak?
Saero even managed to speak in English. “Paano ka nakakapagsalita ng English?”
“Tinuruan kaming magsalita ng salitang banyaga sa aming kaharian. Hindi lang English ang alam ko.”
Ay, sosyal. Ganoon rin naman siya. Bata pa lamang ay tinuruan na siyang magsalita gamit ang iba't-ibang lengwahe. Balak nga rin niyang matuto ng lengwahe ng mga pusa.
“Tutulungan mo ba ako?” Nabalik siya sa ulirat nang makita ang gwapong mukha ni Saero sa kanyang harapan. Pinipigilan niya ang sarili na halikan este titigan ang binata. Malandi. May tinatagong landi.
Napahilot na lamang siya sa kanyang sentido. “Sige, tutulungan kita.”
Napatigil sila sa pag-uusap nang biglang bumukas ang front door at lumabas ang dalawang lalaki na nakabonet at may takip ang mukha. Kapwa ito may dalang baril at pinaulanan sila ng bala. Everything moved in slow motion. Hinawakan siya ni Saero at itinago sa likuran nito. Samantalang itinaas naman ni Saero ang kanyang palad. May umikot na parang tubig dito at naging panangga nilang dalawa.
“Omygash!” Huli na ang sigaw ni Aché dahil napigilan ni Saero ang nga baril gamit ang kapangyarihan nito. Ramdam niya ang paglamig ng paligid. Sira na din ang ilan niyang mga gamit dahil tanging sa direksyon lamang nila ang pinigilan ni Saero.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Saero. She nodded ngunit napahawak sa laylayan ng damit nito.
“Anong kailangan niyo sa akin?!” sigaw ni Aché habang nagtatago sa likuran ni Saero.
“‘Yung camera mo! At itong sireno na 'to!” Muli silang pinaulanan ng bala kaya isang malaking alon ang ginawa ni Saero para sa kanila. Tinangay nito palabas ang dalawang lalaki at hinigit niya sa kamay ang dalaga.
Nadala pa ni Aché ang camera na isa sa mga pakay ng umatake sa kanila bago sila tumakbo palabas ng nasira niyang apartment. Mahigit limang minuto din ang ginawa nilang takbo upang masigurong hindi sila masusundan ng mga lalaki kanina.
Napatampal na lamang sa noo si Aché nang ma-realize ang nangyari. “Oh my gosh! ‘Yung apartment ko sira na! Pati mga gamit ko! Dahil sa bala at patubig-tubig effect mo diyan! Leche ka!” Inosenteng tumingin sa kanya si Saero.
Namula na lamang ang buo niyang mukha sa inis at napapadyak sa semento. “Bakit kasi bahay ko ‘yong pinasok mo? P’ede namang ako de joke,” sabi niya ngunit pabulong ang huli. Tingnan mo, nagawa pang lumandi eh wala na ngang bahay.
“Iuuwi talaga kita sa inyo. Masakit ka sa ulo!”
“Wala naman akong ginawa sa ulo mo ah? Paano ako magiging masakit sa ulo?” tanong ni Saero. Napapikit na lamang siya.
“Isang tanong pa papalanguyin talaga kita sa Pacific Ocean sige.” Natahimik na lamang si Saero kahit 'di niya alam kung ano ang Pacific Ocean. Baka pagkain.
Pinagpatuloy nilang dalawa ang paglalakad hanggang sa marating nilang dalawa ang bus loading area. Nagpapasalamat na lamang si Aché sa may kapal dahil kahit papaano'y dala niya sa kanyang bulsa ang cellphone at ilang credit cards. Ngunit hindi siya ligtas sa paghawak ni Saero sa kamay niya.
“Bitiwan mo na kasi,” reklamo niya. Umiling si Saero. “Ayoko nga.”
“Bahala ka diyan. Namamawis 'yong kamay ko.”
“Kaya ko namang balewalain ang pawis.”
“Oo na blah blah.” Napatitig na lamang si Saero sa kanya. Ang ganda naman, tinititigan pa.
Dahil sa pagod ay hindi nila napansin ang putik sa paanan nila at pagdaan ng matulin na sasakyan kaya napapikit na lamang si Aché at hinintay ang paglapat ng putik sa kanyang balat.
Hala. Ba’t wala?
Bumungad sa kanya ang mukha ni Saero na ilang dangkal na lamang ang layo mula sa kanya. Pabalik-balik ang tingin nito mula sa kanyang mata pababa sa kanyang mga labi. Biglang may nagtulak sa binata mula sa likuran nito kaya hindi sinasadyang naglapat ang kanilang mga labi.
“Mga kabataan talaga ngayon, kahit saang lugar walang pinipili,” untag ng matanda na napadaan at ang bumunggo sa likuran ni Saero.
Nanlaki ang mga mata ni Aché at agad na tinulak si Saero. Lumayo naman ang binata habang namumula ang buong mukha at hawak ang labi.
OH MY GOSH ACHÉ! MAGPASALAMAT KA KAY LOLA!
***Short update ohryt. HAHSHSHS. Kumusta na kayoooo? May nagbabasa ba? HAHAH.
Please do vote and comment for Aché and Saero! ♥
; butterrrr_
![](https://img.wattpad.com/cover/178114359-288-k563293.jpg)
BINABASA MO ANG
He's the Man with a Tail
FantasíaAché Serin's life turned upside-down when she met a merman named Saero. Ang normal niyang buhay ay nasira at kailangan niya pang tulungang makabalik sa kanilang kaharian ang sireno. Ngunit paano kung sa kalagitnaan ng kanilang paglalayag, unti-untin...