☾
“'Eto ang pansamantalang kwarto mo dito sa kaharian Aché,” sabi ni Saero habang pinapakita ang magiging silid ng dalaga sa pananatili sa kastilyo.
Gawa sa koral ang kabuuan ng kwarto. Hugis kabibe ito sa labas na mas malaki kaysa sa ordinaryong kabibe. Napapalamutian naman ng iba't-ibang perlas ang loob ng kwarto na nagpapaganda dito tuwing natatamaan ng sinag ng araw.
“Salamat Saero. Ngayong nandito na tayo sa kaharian ninyo at sa Hacienda namin,” huminga muna siya ng malalim bago ipinagpatuloy ang pagsasalita, “..siguro bukas ay maari na akong bumalik sa itaas.”
Mababanaag ang pagkalungkot sa mukha ng binatilyo. After their little travel above the ocean floor, it finally came to an end. Dito na nga ba kami magtatapos? Ay, wala palang kami.
“S-sasamahan kita bukas.”
Natigilan ang dalaga. “Ha? Sigurado ka?”
Gamit ang kapangyarihan ay ipinakita ni Saero ang DSLR na nakapaloob sa isang malaking bula.
“Hala oo nga! Isa pa 'yan!”
“Yeah. They're probably finding us above now. Lalo na't alam nilang isa akong sireno.”
Nagkatinginan silang dalawa at kapwa kinabahan sa mga susunod na mangyayari.
***
“Master, nahanap na po namin kung saan ang lokasyon ng dalaga kasama na 'yung lalaking sireno.”
Napayukom ng kamao ang lalaking nakaupo sa pilak na trono. Madilim ang paligid ng silid. Tanging pulang ilaw mula sa emergency light ang nagbibigay ng liwanag dito. May dalawang tao namang nakatayo sa gilid niya na kapwa may hawak na baril.
“Ihanda ang lahat ng mga gamit, may huhulihin tayong sireno at tagapagmana.” Malamig ang bawat salita na lumalabas sa bibig nito. Malalim, nakakatakot.
“Bilis!” Agad na gumalaw ang kanyang mga alagad sa kanyang utos. Muli siyang napaupo sa trono at hinawakan ang kulay gintong singsing sa kanang kamay. Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ito.
Akalain mo 'yon? Muli pala tayong pagtatagpuin ng tadhana, Aczeth.
***
“Magandang umaga binibining Aché!” Bumungad sa kanya ang ngiti ng tatlong dolphin na naging kaibigan niya kahapon.
“Magandang araw din sa inyo, Emerald, Topaz, at Ruby!” bati ni Aché dito.
“Nasaan ang prinsipe?”
Saglit na natigil ang tatlong dolphin at tiningnan siya ng kakaiba. “Umagang-umaga pa lang po pero hinahanap niyo na agad ang prinsipe, ayon po siya oh!” Tinuro ni Ruby ang kanang bahagi ng karagatan ngunit walang Saero na nandoon.
Nagtawanan naman ang tatlo nang makitang nadala sa ginawang pang-aasar ni Ruby si Aché. “Napaghahalataan ka, binibini.”
“H-ha? Anong sinasabi mo? Halina kayo dito.”
“Hahaha.”
Nagtungo silang apat sa silid kainan ng kaharian. Naroon sa hapag sina Saero at ang Reyna, naroon din ang tatlong naga-gwapuhang mga sireno na kapwa napatingin nang dumating si Aché.
BINABASA MO ANG
He's the Man with a Tail
FantasyAché Serin's life turned upside-down when she met a merman named Saero. Ang normal niyang buhay ay nasira at kailangan niya pang tulungang makabalik sa kanilang kaharian ang sireno. Ngunit paano kung sa kalagitnaan ng kanilang paglalayag, unti-untin...
