Chapter 1

163 14 0
                                    

"Hoy, Jillian! Kinasal ka lang, hindi ka na sumasama sa mga lakad namin." Umirap si Clarissa sakin.


Umupo na ako sa tapat niya at pinatong ang bag ko. I'm out with my friends right now. Okay lang naman dahil wala naman akong gagawin.


Wala naman akong trabaho. My dad won't let me work. Hindi naman sa hindi ko raw kaya, hindi ko na raw kailangang magtrabaho. Ha! Love my life.


"True yan. Text ako nang text sayo two weeks ago pero hindi mo naman ako nirereplyan. Tampo ako." Ngumuso si Camille.


"Yeah, I'm sorry. I was very busy after the wedding," Nandidiri kong sabi. "don't worry, babawi ako ngayon. I'll pay for our food."


"Aba'y dapat lang!" Singit ni Jacob.


Inis ko siyang nilingon. "Bat ka nga nandito?"


Ngumuso si Jacob. "I'm Clarissa's boyfriend, hello? Baka—.."


"Hindi naman kailangang magkasama kayo palagi eh." Sabi ko.


"Uy, ang bitter, ha? As if walang asawa." Pang-aasar sakin ni Clarissa.


"Nako, sumama lang yan para makilibre." Tumawa si Camille.


"Bat di mo sinama yung asawa mo, Jill?" Ngumisi si Jacob.


"Tigilan mo ako, ha. Isasampal ko talaga tong bag ko sayo."


"Sige lang, Hermes naman yan eh." Humalakhak si Jacob.


Napakawalang kwenta talagang kausap tong si Jacob. Bakit nga ba na in love si Clarissa dito?


"Dun ka pa rin ba sa bahay niyo tumitira o dun na sa bahay niyo ni Chris?" Tanong ni Camille.


"Dun pa rin ako sa bahay namin pero yung unggoy ay nasa bahay na namin." Sabi ko.


"Awts! Ang lonely niya dun, Jill. Samahan mo naman." Sabi ni Clarissa with matching pang-aasar smile.


"Tumahimik ka, Clar. Nahahawa ka na sa boyfriend mo."


"That's a good thing." Singit naman ni Jacob.


"Sige na, mag-order na tayo. Gutom na ako." Sabi ko nalang.


So since libre ko, halos yung mga mahal na pagkain ang in-order ng mga patay gutom na ito. Hindi naman sa hindi ko kayang bayaran, ang kakapal lang talaga ng mga mukha.


Habang kumakain kami ay tumunog ang cellphone ko. Ayoko sanang sagutin dahil kumakain ako. Storbo!


Nung huminto na ito ay pinagpatuloy ko ang pagfocus sa pagkain ko kaso tumunog ito ulit pero nawala rin. Pero tumunog ulit nang tumunog.

Purely BusinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon