Shakia's POVTwenty minutes nalang at mag aalasingko na, pauwi na rin naman ako para kunin ang mga gamit na kakailanganin ko sa pag ooperation alipin ko sa dimunyung 'yun. Talagang balak kong dumating doon ng sakto sa oras dahil baka tubuan na ng sungay at buntot si Evankhell doon.
Come to think of it, I never saw him in school pati na rin ang tatlo niyang alipores. May sarili siguro silang hideout tsk. Do they even attend their classes? Prebilihiyo din ba ng pagiging tagapagmana niya ng eskwelahan ang pag iskip sa mga klase niya?
Ano bang pakialam ko? Wala siyempre.
Biglang sumagi sa isip ko si Arkien, although he looks outgoing, super fun and open to the world, the guy is still a mystery. Wala akong alam tungkol sa kanya, samantalang siya ay alam na ang sekreto ko.
Though, I have a feeling I will be seeing a lot of him these coming days. Naalala ko ang katangahang ginawa ko kanina at tahimik nalang akong naglitanya ng mga walang kwentang salita.
"Kuya para po!" Dagli kong sigaw ng mapansin kong lumagpas na ako sa bahay namin. Ayan kasi, tatanga tanga ka. Really Shakia? Hindi ka pa ba nakuntento sa katangahan mo kanina? Trip mong umanga anga ngayong araw na 'to?
Nag abot na ako ng barya kay manong drayber at umibis na sa motorcab bago ko pa tuluyang pagalitan ang sarili ko. Saka ko binaybay ang daan pabalik sa bahay namin kasi nga lumagpas ako diba?
Saglit akong nakiramdam sa pintuan ng bahay namin, I wonder if they are already home. Dammit, sana di nila ako mahagilap ngayon. I could almost imagine Annie clinging to me and begging me not to go as if I would never come back again. Yeah. She might really do that.
My chest constricted upon that thought and for a moment I considered going to the devil's den without my things.
Kaso bigla ko namang naalala ang sinabi ng dimunyu sakin, "Plano mo bang serbisyoan ako sa bahay na nakahubad?"
Hiyeep. I'm going in and I'm getting my things. Pinihit ko pabukas ang pintuan matapos itong mai unlock at bumungad sa akin ang tahimik na kabahayan.
I walked towards my room wondering if they were still at school. I guess not, I thought when I saw their school stuff dumped in the sofa.
Kreyo ikaw bata ka, ba't napaka burara mo?! Buti nalang wala siya dito kundi baka nasermunan ko na siya. Bahagya akong natawa nang maalala kong wala pala akong karapatan manermon ngayon kasi galit sila sakin. Napangiwi ako, this sucks.
Alam kong nasa labas 'yun ngayon kasi wala dito ang pang basketball niyang sapatos, malamang isinama niya rin si Annie doon. Ibig sabihin 'pag binilisan ko lang ang kilos ko ay maaari kong maiwasan na magkaharap kami.
Hindi halata pero nakakatakot si Kreyo pag masama ang loob, nagmumukha siyang kapre grabe.
I hurriedly put the necessary things in my bag, hindi naman kalakihan kasi hindi naman ako maglalayas. Uniform. T-shirts. Jogging pants. Hygiene stuff. Ayan gora na!
Wala naman na akong nakalimutan diba? Ay shit! napatampal ako sa noo ko. Panty Shakia! Panty chaka bra!Jusko ka!
Plano mo bang serbisyuan ang dimunyung 'yun ng walang suot na pang ilalim?!
Pero sabagay kahit naman siguro lantad na ang kaluluwa ko ay hindi parin ako pagnanasaan ng lalaking 'yun, diring diri nga sakin diba?
Teka... ano ba 'tong iniisip ko?
Then a chill ran down my spine when I remembered the tragedy that almost befall on me. I laughed without humor, ganoon na ba ako kapabaya sa sarili ko na muntik ko ng makalimutan na pinagtangkaan na akong gahasain ng dalawang beses? O talagang ganoon ako kagaling sa paglimot ng mga bagay na nararapat lang mabaon sa nakaraan.
Dali dali kong pinasok sa bag ang mga nakalimutan ko, hindi kasama d'on ang mga ala ala ko ah. Hutek na bra at panty 'yan,kung saan saan pa tuloy napunta ang takbo ng isip ko.
Pipihitin ko na sana pabukas ang pintuan para makaalis na ako nang may mauna sakin.
"Masyado ka naman yatang nagmamadali ate," Kreyo said seriously. Beads of sweat trickled on his forehead and a ball is secured on his side by his left hand. Annie was also by his side, staring wide eyed at me.
Holy mother of shitkins, ang gandang timing eh.
Why do I feel like a thief caught in the act of stealing?
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya yumuko lang ako at hinigpitan ang hawak sa bag na nakasukbit sa balikat ko. What?Should I say a cheerful hello? Baka bangasan ako ni Kreyo 'pag nagkataon.
"Hoy ate, bilinan mo naman kami ng allowance bago ka umalis. Plano mo ba kaming gutumin ha?"
My head jerked up in surprise especially after seeing Kreyo's wide smile and Annie's hesitant one.
"H-Hindi ka na galit?" Argh! Ba't ako nauutal? Bunso sakin 'tong kausap ko hindi ko 'to principal langya!
Tinaasan ako ni Kreyo ng isang kilay, " Syempre hindi. At isa pa, kung ano man 'yang ginagawa mo ngayon alam kong para rin samin yan ni Annie. Basta pengeng baon muna para peace tayo."
"Oo na, basta budgetin mo 'yan ah!" Gee pagbibigyan ko muna 'tong gunggung na 'to ngayon.
Si Annie naman ang hinarap ko, bahagya akong yumuko para magtapat ang mga mukha namin.
"Nienie, hindi mo ba pipigilan umalis si ate?"
"Nah -ah," she said and shook her head.
Sumimangot ako, seryoso masama ang loob ko. Wala ba siyang pakialam kahit di na niya ako makasama? Wengya umiyak ka naman onti oh. Kaway kaway sa babaeng ayaw makitang umiyak ang mga kapatid niya takte. Para akong engot.
"Talaga? Baka 'di na ako bumalik gee ka," I said pouting.
"Pato."
Napairap ako nang marinig ang bulong na iyon ni Kreyo. Bulag ang kapatid ko diba? Paano magiging pato ang mukhang pagmamay ari ko? Tsk tsk.
Annie smiled, an innocent trusting smile. "I know you'll be back ate. I know you'll never leave us."
You'll never leave us like mom did. That was the unspoken words she's trying to say. And my heart prided in the trust she have in me. It's the kind of trust I will never betray, unlike what mom did.
"Hoy Kreyo alagaan mo si Annie ng mabuti ah?" bilin ko ng nasa tabi na ako ng kalsada at nakatanaw naman sakin ang dalawa kong kapatid mula sa tarangkahan.
"Huwag mo siyang iwan iwan mag isa, tsaka 'wag kang gagala kundi patay ka sakin. Pakainin mo ng mabuti si Nienie, tulungan mo din sa mga assignments niya okey? Huwag mo siyang pababayaan kundi nakuuu," pinanlakihan ko siya ng mata para iparating na seryoso ako sa banta kong papatayin ko talaga siya. Charot lang syempre.
"Ate, kailan mo kaya ibibilin na 'Annie, alagaan mo si Kreyo ah? Huwag mo siyang pababayaan, pakainin mo siyang mabuti, alaga-aw!"
Nasapo niya ang tagiliran ng tamaan ng maliit na sangang nagawa kong baliin mula sa bulaklak habang rumaratsada ang bibig niya.
"Yoyo, tandaan mo ako ang may hawak ng allowance mo," seryoso kong sabi sa kanya. Gusto kong pagpawisan siya ng malamig at maramdaman niya na ang bait kong ate.
"Uuwi ako 'pag linggo kaya ayusin n'yo ang buhay n'yo at ang bahay natin ah? Hasta luego," sabi ko at kumaway. Dalawa ang purpose ng pagkaway ko, para sabihing aalis na ako at para pumara ng motorcab na sakto namang napadaan.
This is what killing two birds with one hand feel huh.
"Hasta luego ate!" sabay naman nilang sabi.
Hasta luego a spanish term for until we meet again, because I will never want to say goodbye to those two angels. Never.
*
Vomments are very much appreciated.♡
YOU ARE READING
That Bitch Dancer is a Virgin
Romance[ COMPLETED AND UNEDITED ] Shakia Melendez was a model student, a model sister, and a fighter. Her world revolves around her two siblings, the only remaining family she has, she would give up everything just for them. She didn't care if she have t...