TBDV 39

4.6K 185 17
                                    

Shakia's POV

Mabibigat ang bawat hakbang ko nang tahakin ko ang kaunting distansya patungo sa pintuan ng bahay namin.

It was a hellish day.

At least I have Leyrei, and... I guess I can also say I have Agustav now. Kahit na ang mismong pagtingin sa kanya ay sapat na para maalala ko ang lahat ng sakit at pait ng pag-iwan nila sa amin.

"Yo, Nie, kumain na ba kayo?" Agad kong tawag pagkapasok sa loob.

Nagulat ako nang hindi ko marinig ang nakasanayan kong matinis na sagot ni Annie.

"Yo-"

Napatigil ako nang biglang lumabas mula sa kusina si Nienie at agad akong sinalubong ng yakap. Humihikbi ito.

I worriedly got on both knees to level my face with hers. "Hey. Hey. What's wrong? Why is my baby girl crying?"

She was sobbing so hard that she could hardly speak. She continued clinging to me, her small fingers curling tightly on my shirt. Naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko.

'Please. Not now', pipi kong panalangin. I need to keep myself together for them.

Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman kong lumabas na din ng silid si Kreyo. Tatanungin ko na sana siya kung ano ang nangyari kay Nienie nang mapansin kong mugto ang mga mata nito.

My brother hardly cries. Madalas itong nagloloko o 'di kaya'y sobrang seryoso. But he never really cries.

"Anong nangyari sa inyo?" Hindi pa man din ito sumasagot ay nagkarera na ang mga luha sa pisngi ko.

"Alam na namin, ate." Kreyo's voice sounded hoarse. "May hindi pa ba kami nalalaman ni Nienie? Sabihin mo naman na o, hindi 'yung sa internet pa namin unang malalaman ang nangyayari sa kapatid namin."

Tuluyan na akong napahikbi.

"Ang hirap eh. Tayo tayo na nga lang dapat ang nagdadamayan dito pero bakit mo sinosolo? Ate andito kami." Saglit itong nag-iwas ng tingin at mabilis na nagpahid ng luha. "Pagkatiwalaan mo naman sana na matatag din kaming gaya mo. Please, just tell us what's happening."

I stood up and smiled brightly, tasting salty tears. "Okay. Gan'to. Tara sa sala. Kwentuhan tayo."

They both went with me. Hindi ako handa. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang alam ko lang, wala akong dapat ipag-alala dahil alam kong itong dalawang taong 'to ang hinding hindi manghuhusga sakin.

I know they're strong.

And I made a mistake of underestimating their strength. Of course, they would be strong, mana sa ate eh.

I told them about my real job, but I left out the details. About why I did it.

"...And I would do it again without any doubt if it's for you two..."

Alam kong hindi pa gaanong naiintindihan ni Nienie, but that's okay. When she's older, she'll remember and she'll understand.

"Tapos, alam niyo ba..." pilit akong ngumiti, "nakita ko si.. si m-mommy."

I looked away from their shocked expressions. "Hindi ko siya gaanong nakausap kasi... kasi nagagalit ako sa kanya. Kasi diba? Iniwan niya tayo? Tapos 'di niya tayo hinanap."

Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata. 'Yung batang Shakia na puno ng katanungan. Litong lito. Naghahanap ng sagot. Pero minsan takot din masagot. Kasi masakit harapin ang katotohanan.

Nagpatuloy ako. "Tapos... nakita ko din si Kuya Gusto, he... he grow up well."

Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa pag-iyak pero pinilit kong magpatuloy. I need this, as much as my siblings need this.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now