Shakia's POV
Hindi ko alam kung ilang pares ng mata ang tumutok samin nang lakadin namin ni Evankhell ang red carpet. Some students turn to their side to whisper. Yung iba ay tahasang pinapakita ang kuryusidad. I understand how weird it must be to see us together.
But the onlookers are the least of my concern now. Mahirap ituon sa iba ang atensyon kung isang Evankhell Hanford ang escort mo.
He looked at ease, impassive and clearly comfortable. Bagay na bagay dito ang suot nitong itim na tux. Para itong batang CEO, minus the unkempt hair. Mukhang hinayaan nito iyon sa natural nitong estado. Soft and looking effortlessly windblown.
Muntik na akong mapasinghap nang masagi ng braso kong nakaangkla sa kanya ang tela ng damit niya. Hindi ako komportable na ganito ako kalapit sa kanya. Para akong nalulunod na nakikiliti na ewan.
This is really bad for my mental health.
Pinilit kong ibaling ang atensyon sa paligid. The student council's effort really paid off. Maganda ang pagkakaayos ng malawak na function hall. The atmosphere exudes warmth; from the lights down to the decor and music.
Everyone also looked glamorous. Naglabasan ang mga magagarang damit at aksesorya. This is truly Hanford University students at their best.
"You're the only lady in red."
Sinulyapan ko ang biglang nagsalitang si Evankhell. Napakarandom ng sinabi niya. At tingin ko'y 'di ko kailangan magkomento.
We started making our way through the crowd. Or should I say the crowd made way for us? Kada madaanan namin ay tumatabi at tumititig sa'min. Girls stopped to stare or glare and boys turned to either glare at Van or look me up and down.
Gee, I'm flattered, I thought sarcastically.
The entrance of another pair earned glances from a couple of students. Naitirik ko ang mga mata ko nang makita sina Nancy at Agustav.
Tingin ko'y mahihiya pati hangin na dumaan sa pagitan nilang dalawa dahil sa pagkakakuyampit ni Nancy sa boyfriend niya.
She looked beautiful, tho. Sana nga lang kasing ganda ng panlabas niya ang kaloob-looban niya.
Sa maikling panahon na nakakasalamuha ko si Agustav ay napapatanong talaga ako kung bakit kay Nancy siya bumagsak.
Pigil na pigil ko ang pagtikyas ng isang kilay nang lumapit ang mga ito sa direksyon namin.
"Van, where have you been hiding?" May ngiti sa labi ni Agustav nang itanong 'yun. Sinulyapan niya din ako at nginitian na mukhang hindi nakaligtas sa mapanuring tingin ni Nancy. Naningkit ang mga mata nito. Mukhang inis na.
"I hardly see you around," Agustav continued.
"Probably for the best." Was Evankhell's lazy answer.
"C'mon, brother." Si Nancy ang nagsalita. Marahan pa nitong tinampal ang braso ng katabi ko na agad nagsalubong ang mga kilay. "You're so harsh. And by the way..." Nancy gave me a once over, "interesting date."
Inignora ko ang makahulugang banatan ni Nancy tungkol sakin dahil inokupa na ng isip ko ang isa niya pang sinabi. She had called Evankhell brother. Ngunit sigurado akong 'di sila magkapatid.
Could it be...
"That's ample nonsense for this night. Excuse us." Iginiya ako ni Evankhell palayo sa dalawa. Di ko mapigilan ang sarili kong lingunin si Agustav.
I caught him looking after us. Ngumiti ito nang mapansin na nakatingin ako. Pero halata ang lungkot sa anyo nito. At hindi ko maintindihan kung bakit mabigat sa pakiramdam na nakikita siyang ganoon.
YOU ARE READING
That Bitch Dancer is a Virgin
Romance[ COMPLETED AND UNEDITED ] Shakia Melendez was a model student, a model sister, and a fighter. Her world revolves around her two siblings, the only remaining family she has, she would give up everything just for them. She didn't care if she have t...