Nandito ako ngayon sa living room. Nanonood ng Music Video ng Kpop. Ito lang kasi ang nagpapasaya sakin. Gwapoooo nila!
"Who are they?"-singit ni Sander then umupo sa tabi ko.
Inabot niya sakin yung wine na dala niya. Kumuha naman ako ng bote ang started drinking it.
"EXO. Singers and dancers. KPOP group sila."
"Uh, I see. Koreans huh."
"Yep! They're so gorgeous!"
"Ang hilig niyong mga babae sa ganyan. Ano bang napapala niyo dyan? Hindi naman maintindihan ang lyrics. Tsss. Nakakasaar pakinggan."
"Tseh. ang gwa-gwapo nga eh. Lalo na si Suho, Kai, Luhan at Tao. Ayun sila oh. Yung Suho yung leader ng EXO-K tapos si Luhan naman yung brown yung buhok na gwapong yun oh. Tapos si Tao yung black ang hair tapos strong yung gaze. lastly, si Kai yung lead dancer na laging nasa gitna!! Look!! nakakainlove siyang sumayaw!!! Ang hot nila noh?"
"Tsss...mukang bakla yung Suho.... mukang babae naman yung Luhan.... tapos mukang killer yung Tao... di naman ma-appeal yung Kai... Anong gwapo dyan? Mas gwapo pa ko dyan eh."
"Weh? Asa ka naman."
"Eh totoo naman eh. Tsss. Kahit papuntahin mo pa yang mga yan dito. Pa-gwapuhan pa kami."
"Tss. Feeler ka din eh noh? wag ka na ngang umextra jan."
"Oo na. teka nga, san ba galing yang videos na yan? Wala akong natatandaang ganyang kawalang kwentang video."
"WHAT DID YOU SAY?! WALANG KWENTA?! GRRRR!!!"
Bigla ko siyang kinurot sa tagiliran then sinabunutan ko yung hair niya.
"Wala kang karapatang siraan ang EXO! Sa harapan ko pa! Naghahamon ka ng gulo ah!! UHMM!!!"
"Aray....awwww.....sakit!! tama na Audrey! ..... awww! Suko na ko!"
Natawa nalang ako saka piningot yung tenga niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at kinulong sa palad niya.
"I'm glad I can make you laugh. Sana ganyan nalang palagi."
Napatigil ako. Oo nga noh. Para kaming mga bata tapos ang close na namin kaagad. Napansin ko lang na nakahawak pa pala ako sa kanya kaya bumitaw ako. I need to change the topic.
"Hmm.. ikaw gwapo?? Baka nakakalimutan mong Koreano ka din? Kaya ka gwapo! Bleeeeh! Madaya ka! unfair yun!"
Naghabulan kami ulit sa living room.
"At least ako, marunong mag-tagalog! Eh yang mga yan, asa pa! Hirap nga mag-English yang mga yan eh. Tss. Wag ka ng tumakbo! Baka atakihin ka!"
![](https://img.wattpad.com/cover/22739504-288-k488157.jpg)
BINABASA MO ANG
The Villainess (COMPLETED)
Fiksi Remaja"Here's the thing. I'm a nice person. So if I'm a bitch to you, you need to ask yourself why. I used to be a people person but people ruined that for me. I have no time for me. I have no time for your negative bullshit. If people are trying to bring...