IV. Reya and the Gagster

80 2 0
                                    

IV. REYA AND THE GAGSTER

Sa The Noice na nga siya nag-go at bumirit na siya ng todow-todow!

REYA: Listeeen! I am alone at a crossroads. Awooo! I'm not at home in my own home. Awooo! Kraaa! Kraaa! Kraaa!

Si Reya, sa The Noice ay todo ang birit, kaya ang mga coaches ay sukdulan ang pagkabwisit. Inokray siya ng pagkalupit-lupit, ang sigaw nila'y, "Finish it! Finish it!"

Natapos na nga ang pagwawala, este, pagkanta ni Reya, ngunit walang chair na nagturn around every now and then sa kanya that's why she was a little bit lonely.

Hahagulgol na sana ng iyak si Reya. Ngunit to the rescue naman ang fairy godmudra niya.

WALEYFICENT: Well... Well... Ganyan talaga ang buhay. Dapat ka nang masanay. Wala ring mangyayari kung laging nakikibagay. Wag ka ngang magdrama diyan. ‘Di mo bagay! Umayon ka nang naaayon sa hitsura. Hala! Sige! Ayun, subukan mong mag-audition sa Pilipinas Not Talent!

Dahil sa sinabi ni Waleyficent sa kanya, nadagdagan ng 2.561% ang kompidens niya.

Hinanda na niya ang kanyang sarili sa mga posibleng pang-aapi. Ang tagalog ng tuta ay puppy.

KRIS ANINO: Oh! Hello, there! What are you gonna do for us?

AI AI DELAS ALAS JACK QUEEN KING: Oo nga! Siguraduhin mong may maibubuga ka ha?!

REYA: Maibubuga po ba? Meron! Waaaaah! Ulk! Uuulk! Uwoook. Joke! Ito na po talaga!

Bigla siyang nagpose ng seryoso, at ang tagalog ng bear ay oso. Naglabas siya ng isang case ng Empe Lights at ipinukpok sa kanyang ulo. At ang mga bubog ay pinulot, sinubo niya, at nginuya ang mga ito.

Naglabas ng sandamakmak na uling at sinindihan. Nang umapoy at nagbaga'y, saka niya iyo inapakan!

Nagsayaw pa ito ng Harlem Shake, para daw pampadagdag ng karisma. Naglabas din siya ng mga espada at itinarak sa kanyang ngala-ngala.

Ngunit, hindi pa rito nagtatapos ang pagpapasikat ni Reya! Tumulay pa siya sa sinulid habang umiinom ng kumukulong asupre, umihi at tenen! Ito'y naging kape!

CUCO MARTIN: Math yummy!

At para tapusin ang agaw-buhay niyang performance, ikinuwento niya ang kanyang buhay habang lumulobo ang sipon at umiiyak. Dahil naniniwala siyang pag nagpaawa siya sa mga judges, ipinamukha niyang lugmok sila sa kahirapan, at hindi pa nakikita ang totoong magulang, makukuha niya ang simpatya ng taong bayan, iboboto siya at boom.

Mananalo siya.

Tried and tested na yan sa halos lahat ng reality show. Kaya nga ito'y kanyang ginawa, break it down yow!

Maluha-luhang ang mga judges na nag-standing ovation. Ang mga audience naman ay manghang-mangha ang reaction!

AI AI DELAS ALAS JACK QUEEN KING: Binuhay mo ang katawang lupa ko! Napakaling mo! Sure GG na mga kalaban mo nito!  Wala kang katulad! Napakahusay! Napakahusay! Bravo! Bravooo! Bingo! Sky flakes!

KRIS ANINO: You're so galing! You're very brilliant! You're a fantastic performer! World class is the word! You know what? I’ve been so selfish… with my fruity asim sinigang. 'Di ba Darla? It’s a no. Better luck next time!

Kaya pala! May isang elemento siyang nakalimutan bukod sa pagdadrama. At ito ang tone-toneladang fan base sa Facebook account, Twitter account, Instagram account, Youtube account, at bank account! Dahil ito ay ang main ingredient para sure win ka!

Parang pinagsukluban ng langit at lupa ang kanyang mukha (Well, that’s given.) dahil sa kanyang narinig. “Bakit? Bakit? Bakit?” Kanyang bukambibig.

Umiiyak ang kanyang puso’t sumisigaw. Nang bigla siya may narinig na humihiyaw.

TAONG HUMIHIYAW: Tabi! Tabi!

Pag tingin niya’y may isang lupon ng mga nagi-skate board ang paparating. May bandana pa sa noo, mga pacute, at pagwaping.

Nakaiwas siya sa ilan, ngunit may isa siyang hindi napansin. Ang humaharurot na skate boarder sa kanya’y papalapit, kaya wala na siyang nagawa kundi ang mapapikit.

Inaantay na lang niyang, siya ay banggain. Ngunit tiktok, tiktok, ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin.

Dumilat siya at saka nakita, ang lalaking babangga sana sa kanya, nakatigil at pinipigilan ang tawa.

LALAKING BABANGGA SANA SA KANYA: Hindi naman kita babanggain eh. Yari kaaa! Hahahahaha!

At saka ito umalis habang tumatawa kasama pa ang ibang albularyo, este shaman, este barkada niya.

Si Reya’y bwisit na bwist naman ng over, at napasigaw na lang siya ng “GAGSTER!”

~

DIARRHEA NG GAGSTER: SHE'S DATING THE PANGETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon