DIARRHEA NG GAGSTER. SHE'S DATING THE PANGET
Samantala, in the parallel universe which doesn’t exists, bwisit na bwisit si Reya sa Gagster na nang-prank sa kanya. Halos masipa na lahat ng bato pati aspalto sa pagka-imbyerna.
At dahil destined nga na magkita ang Gagster at si Reya, biglang lilipad ang isang tipak ng sidewalk na kanyang sinisipa, at may tatamaan siya. Kanino pa, eh di sa Gagster na kinabubwisitan niya!
Isang malakas na impit ng aray ang kanyang narinig. Siya naman ay natakot at nanginig. Nakapatay ba siya? Ang tagalog ng water ay tubig.
Ang kaawa-awang biktima’y agad niyang nilapitan. Ngunit nang makita kung sino’y, ito ang mga salitang kanyang nabitawan.
REYA: Ikaw na naman?!
Ito nga ang Gagster na kanyang kinaiinisan. Nagdalawang-isip tuloy siya kung ito’y kanyang tutulungan.
GAGSTER: Maawa ka. Tulungan mo ako. Help me. I can’t breath. Hindi ako makahinga. Masakit. Ouch. Tulong. Tulong. Help. Help.
Pagmamakaawa kay Reya ng Gagster. Hindi naman niya ito pinansin dahil pagkaimbyerna’y over over. Kahit pa ang hitsura nito’y parang biktima ng Maguindanao Massacre.
GAGSTER: Hahayaan mo na lang ba akong matulad sa mga naging biktima ng political killings? Hahayaan mo na lang ba akong mamatay ng walang nakakamit na hustisya? O kung may ganoon ngang bagay, baka abutin naman ito ng taon o dekada. Dahil mas pinagtutuunan pa nila ang mga kaso ng mga artista na kung hindi nabugbog dahil pumunta sa condo at nagtaksil, eh yung mga mag-asawa naman na nagdedemandahan. Hahayaan mo na lang ba akong matulad sa kanila? Kung wala ka talagang pakialam sa akin, pakisabi na alang sa pamilya ko na mahal na mahal ko sila, at hindi… ko… sil--- sila… mak--- makaka--- makakalimu…
At tuluyan na ngang pumikit ang kahabag-habag na Gagster. Ang damdamin naman ni Reya’y agad na nalubag. Pagmamatigas ng kanyang kalooban ay natibag. Agad niya itong nilapitan at sumalampak sa lapag.
REYA: Uy! Gumising ka! Gumising ka!
Hindi na siya mapakali.
Kinokensensya niya ang kanyang sarili. Bakait nga ba ito nangyari? Wala na siyang iba pang masambit kundi, “Sorry.”
Pinipilit niya itong gumising habang ang kanyang kamay ay sa mukha ng Gagster ay idinampi-dampi. Di na rin niya namalayang may dumadalo ng luha sa kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
DIARRHEA NG GAGSTER: SHE'S DATING THE PANGET
UmorismoPaano kung sa DIARRHEA NG GAGSTER, SHE'S DATING THE PANGET?! at THROWBACK AND YOU'RE DEAD?! Gusto niyong malaman? Aba! Alamin niyo! I mean... basahin niyo ang istoryang ito!