The Most Ewan Prologue Ever!

492 10 2
                                    

DIARRHEA NG GAGSTER - SHE’S DATING THE PANGET

All rights reserved.

© kneelfatrake

The Most Ewan Prologue Ever!

All characters and entities used in this story are purely fictitious. Any resemblance or similarities to any person, whether living or dead, places and events, are purely coincidental. In short, ‘pag may katulad... eh di katulad! Problema ba 'yon?! Juice colored, ang daming problema ng Pilipinas, maghugas ka muna ng pinggan!

Ehem. Ehem.

[A/N: Basahin ng malumanay. Yung tipong hindi kumain ng three years and eight months. Pero kailangang may tono, ‘yung parang si Sarah Geronimo.]

Ito ay para sa umibig at laging dehado. Wag magpapatalo, ikot-ikot lang.

Charaught!

[A/N: Ayan, pwede nang basahin with normal speed.]

Narito na! Ang istoryang kukurot sa inyong mga damdamin, kikintal sa inyong gunam-gunam, at babagabag ng inyong mga isipan!

Charaught ulit!

Narito na talaga! Promise!

Ang istoryang kapupulutan ng…

Basura!

Narito na ang istoryang hindi ko lang alam kung mapapatawa ka!

Ito na ang kwentong hindi mawawala ang tiyahing bungangera, ang supladong lalaking bida, ang bestfriend na mabait na, mayaman pa, at si Dora ay lakwatserang negra!

Isama na rin ang nakakaimbyernang kontrabida! Dahil sa bawat fairytale, may witch, at sa bawat cliché love story ay may bitch!

Pahuhuli ba diyan ang martir na babae, at may bandana sa noong lalake?

Ngunit, subalit, datapwat… Paano kung ang dalawang magkabilang mundo, magkalayong agwat, at magkaibang casts ay biglang magtagpo sa di-inaasahang pagkakataon? Paano kung magkapalit-palit sila ng buhay at pagkatao? Ano nang mangyayari sa minahal nating kwento?!

Paano kung ang Gagster na maangas ay masalinan ng isang sumpa mula sa Panget ang tambayan ay CR? At paano kung ang nagchicheer na girlfriend kuno ay maging julalay ng lalaking pilipit ang dila? At paano nga kaya kung dahil sa isang throwback picture ay uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas? Paano nga kaya? Paano? Paanooo?!

Inihahandog ng…

Inihahandog ng…

Basta inihahandog ko! Ang cliché na love-horror-drama-suspense-thriller-documentary-powerpoint presentation story na in na in ngayon. At maligayang Pasko at manigong Bagong Taon!

Ang...

(Drum roll, please.)

Ten-te-ne-nen!

DIARRHEA NG GANGSTER – SHE’S DATING THE PANGET!

Ayun na nga! Mag-uumpisa na!

So, sit back, relax and enjoy!

Ang istoryang ito ay hatid ng Mister Donut! Nahulog na, kinain mo pa!

Put on your 3D glasses, the story is about to start.

Ano pang hinihintay niyo? Tara!

Tara! Tara! Sumama ka sa 'kin! Hawakan ang aking kamay. Sabi ni Ron Henley.

Tun-tun-tun.

[A/N: Yung tunog iyan sa elevator.]

COMMERCIAL.

Opinyonada? That's what they call me. Can you whip it? Coz I did. Darla, let’s dance zumba!

Commercial ulit ng mga produktong paniniwalaing kailangan mo sila kahit hindi naman. Mga commercials na mamanipulahin ang iyong utu-utong isipan.

COMMERCIAL.

COMMERCIAL.

COMMERCIAL.

*May isang TV viewer na kukuha ng ballpen at papel para maglista ng grocery list.

~

DIARRHEA NG GAGSTER: SHE'S DATING THE PANGETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon