III. Si Reya? Mag-aartista?!

125 4 0
                                    

III. SI REYA? MAG-AARTISTA?!

CHAD: Hi! I'm Chad!

REYA: Chad, what?

CHAD: Chad Chadabarkads!

REYA: Chad Chadabarkads? Kaanu-ano mo si Ryzza? Nanonood ka ba ng Eat Bulaga? Eh amoy ulam na ba kayo?

Tanong ni Reya kay Chad habang todo sa paghataw ng Cha-cha, i-take note pa ang projection niyang nakakasuka.

CHAD CHADABARKADS: Actually, 'yang si Ryzza... Kapitbahay yan ng ninuno ng kabarangay ng kalaro sa bingo ng kaklase ng manikurista ni Kokey na kainuman ng pinsan na aktibista na ex ng mayor na inutangan ng ate ng jaywalker na katabi sa LRT ng abogado ni Napoles na may hadhad sa pilikmata. In short, hindi kami related.

REYA: Ay, ganerns? So anong role mo sa kwentong 'to?

Pagkatanong ni Reya, si Chad, parang nakahithit ng  patis na nagpose na lang bigla! Winarak ang damit at nagwala. On cue naman ang smoke machines, at ang paglakas ng ihip ng hangin.

CHAD CHADABARKADS: Ako lang naman ang...

Sabay hagod niya sa buhok niyang pinagpyestahan ng wax... Wax na Star Wax! Yan ang Star Wax! Waterproof na, di amoy gaas. Kintab to the max, siguradong ikaw ang star! Kintab to the max, Star Wax!

CHAD CHADABARKADS: Ako ang iyong magiging bestfriend AKA taga-abot ng toilet paper sa tuwing inaatake ka ng diarrhea. At tatawagin kitang, Peppy, dahil...

Hindi pa man natatapos ni Chad ang sasabihin nang biglang may nilabas si Reya sa bag niyang kulay gray, isang lata na may nakasulat na "Pepper Spray."

REYA: Huwag kang lalapit! Sinasabi ko sayo! Sisigaw ako ng rape!

CHAD CHADABARKADS: Anong rape?! Lalapit lang, rape agad?!

REYA: Ikaw naman! Di na mabiro eh. Suggestion lang naman. Malay ko ba? Spray-an kita ng pepper spray eh!

CHAD CHADABARKADS: Oh ayan! Kaya kita tinawag na Peppy dahil sa pepper spray mo na muntik mo nang ipakilala sa mukha ko.

DIARRHEA NG GAGSTER: SHE'S DATING THE PANGETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon