EPILOGUE*
(Kung Epilogue mang matatawag ito.)
Halakhak tagumpay si Waleyficent habang pabalik sa kanyang opisina. Ganoon pala talaga siya. Pinaglalaruan ang mga constituents niya kapag siya'y bored na bored na. Bored na bored sa pag-iisip ng mga pekeng NGO's na paglalagakan ng pork barrel niya.
Bigla namang may kakatok sa kanyang door. Papasok ang boyfriend niyang nakasuot ng Dior. Ang boyfriend niya'y isang poging-poging artista. Na kanyang ginamit noong siya ay nangangampanya. Ang artistang wala naman talagang talent, dinaan lang sa hitsura.
BOYFRIEND NI WALEYFICENT: Babe Sweetheart Honeypie Bukopie! May mga pulis sa labas. They have arrest warrant for you!
WALEYFICENT: Well... Well... Babe Sweetheart Honeypie Bukopie naman! 'Di ba, ang sabi ko sayo, huwag mo akong tatawagin ng ganyan kapag may readers? Ang corny kaya! Pero, teka. Pulis? Warrant of arrest?
BOYFRIEND NI WALEYFICENT: Oo! They're looking for you. So... What are we gonna do?
WALEYFICENT: Well... Well... Let's do the rub-a-da-bango?
BOYFRIEND NI WALEYFICENT: Huh?
WALEYFICENT: Well... Well... Ah, wala. Never mind. Waley yung punchline eh.
Magugulat na lang sila sa biglang pag-eksena ng mga pulis. Mga pulis na naliligo na sa malagkit na pawis. Wala kasing aircon sa kanilang opisina, dahil ang bugdet para dito'y kanilang ibinulsa.
WALEYFICENT: Well... Well... Bakit nandito na agad kayong mga pulis? 'Di ba, dadating lang kayo kapag tapos na lahat ng kaguluhan at kung kailan nagapi na ng superhero ang mga kalaban?!
SPO1: Pasensya na po, Madam. Masyado na nga po kaming late eh. Hindi po ba, kanina niyo pa napatay ang mga main characters?
SPO2: Oo nga po. May concerned citizen po kasi na napadaan sa presinto at nai-tsismis 'yung nangyari. Kaya nga po nandito kami upang kayo'y hulihin.
WALEYFICENT: Well... Well... Teka, masyado yata kayong magalang. 'Di ba, dapat, mayabang ang dating niyo dahil kayo ang batas?
BINABASA MO ANG
DIARRHEA NG GAGSTER: SHE'S DATING THE PANGET
HumorPaano kung sa DIARRHEA NG GAGSTER, SHE'S DATING THE PANGET?! at THROWBACK AND YOU'RE DEAD?! Gusto niyong malaman? Aba! Alamin niyo! I mean... basahin niyo ang istoryang ito!