Chapter 1

137 13 8
                                    

Diana's POV

I came home from school and saw my sister crying. They were pointing at our mom's dead body. The floor was full of blood. Nanginginig mga paa ko at hindi ako makagalaw sa aking kinatayuan, I want to cry, but I can't because I want to show my sisters that it's okay and I want to be brave for themI came back to my senses and pina akyat ko muna ang aking mga kapatid. Hinanap ko si Dad pero wala siya. Sumigaw ako

Daddy, Nasaan ka! mommy needs your help??

Pero kahit anong sigaw ko, wala pa rin, Dad is nowhere to be found, iniwan niya ba kami? Bakit naman niya kami iiwan? Wala akong magawa hindi ko man lang natulongan si Mommy. 

Ako ang panganay wala man lang akong nagawa..
-----------------------------------------------------------
"Hindi ka pa ba gigising?"

Minulat ko ang aking mata at na kita ko si Cassie na nagdala ng pagkain sa akin. Cassie is my sister, siya ay pangalawa sa amin. Her eyes are brown. She is very beautiful. She got her beautiful face  from our mom. She's very tall and she's also smart. 

Ako naman, I am the oldest. My eyes are black just like our dad's. I'm also smart and I'm tall, but Cassie is taller than me. 

"Nanaginip na naman ako"

"Lagi mo nayan napapaginipan, mag move on kana" pabiro nya habang inilapag niya ang pagkain dala niya para sa akin. "Ito oh pagkain, kumain kana baka mapanu ka, hindi ka kasi kumain kagabi"

Tumango lang akong sa kanya  "Nandito na si Tita Milda?" Sabi ko

"Hindi pa" sabi ni Cassie "Ah tsaka, nakahanap na ako ng paaralan na walang bayad, pwede tayong mag aral don"

Naghahanap kasi kami ng paaralan na walang bayad o paaralan na hindi gaaano ka mahal ang tuition fee kasi pinatigil kami sa pag aaral ni Tita Milda kasi dagdag sa gastusin niya. Gusto ko nagmakatapos kami ng pagaaral ng kapatid ko.

"Talaga anong school yun?" Sabi ko naman sa kanya

"Southern University" sabi ni Cassie

Pagkadinig ko sa paaralan nayon, bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit pero sumikip dibdib ko. 

"Saan yun??"

"Basta..." Umalis siya sa kwarto namin at pumunta sa sala.

Southern University?? Parang kakaiba yung paaralan na yun. May kutob ako na iyong paaralan na iyon ang babago sa aming buhay.

Makalipas ng ilang oras dumating na si Tita Milda. Simula nang namatay si Mom at pagkawala ni Dad, Si Tita Milda ang kumupkop sa amin. She's my mom's sister. Lahat ng ari-arian ni Mom nasa kanya, since mga bata pa kami nuon. Binenta lahat ni Tita Milda mga ari-arian ni Mom para maka bayad sa mga utang niya at ngayon na ubos niya ang pera. Pinatapos naman kami nang High school, pero utusan lang kami dito.  She gambles all the time, lahat ng mga kita namin sa mga part time namin napunta sa kanyang pagsusugal.

Pumasok si Tita Milda sa kwarto namin

"hoy mga walang kwenta, bakit wala pang pagkain ha?" sabi niya habang sumisigaw "kayo pa pinatira ko dito kayo pa walang kwenta, mag luto na kayo!" 

"Tita aalis napo kami, at hindi na kami babalik pa" sabi ni Cassie habang inampaki ang mga gamit namin.

"Ha?, Cassie saan tayo titira?" Sabi ni belle

"Basta" sabi ni Cassie 

Tumawa bigla si Tita Milda "Saan naman kayo pupunta ha?" sabi niya habang tumatawa parin "Wala nga kayong pera at walang magkukupkop sa inyo dahil wala kayong kwenta"

"Bakit ano bang pake ninyo sa amin tita Milda?" sabi ni Cassie habang tinitignan si Tita Milda sa kanyang mga mata "Alam mo ba hindi ka mabubuhay kapag umalis kami dito kasi ikaw lang yung walang kwenta sa amin"

Biglang nagalit si Tita Milda at sinabutan si Cassie "Ano?! sumasagot kana sa akin?" sabi ni Tita Milda "Ako ang nag alaga sa inyo simula nang namatay Mommy ninyo! kayo pa ang may kayang sabihin niyan na wala akong kwenta?"

"Alaga ba tita Milda? pwes salamat sa pagalaga sa amin" sabi ni Cassie, 

"Sige umalis kayo, I don't care, kapag bumalik kayo dito hindi ko na kayo tatanggapin! " Sabi ni Tita Milda

Umalis na kami, dala dala namin ang mga gamit nila mama, Saan kana Pa?
Naglakad kami kasi wla kaming pera papunta sa paaralan na yun, Tama ba ang ginawa namin.

Makalipas ng ilang oras ng paglalakad...

"Hindi pa ba kayo napapagod?" sabi ni Belle

"Hindi pa Belle" sabi ni Cassie

"Ako kasi pagod na" sabi ni Belle habang inilapag niya mga gamit namin

"Sige magpahinga muna tayo" sabi ko

"Wag na malapit na kasi tayo" sabi ni Cassie

"Talaga ba? Cassie" sabi ko

Binitbit nanamin ang mga gamit naming bag tag dadalawang bag kami, hindi naman gaano karami ang mga gamit namin, halos lahat ng dala namin mga gamit nila mama at papa na naiwan. Pumasok kami sa kakahuyan, nagtataka ako kung bakit may paaralan na nasa gubat, Pero atleast walang bayad, Naglakad ng naglakad kami walang pahinga kasi daw malapit  na, gusto ko na makita ang paaralan nayon para makapagpahinga kami sa paglalakad, ito kasi si Cassie ayaw kaming pagpahingahin.

Makalipas ng isang oras...

Naglakad kami sa matarok at makitid na daan, maraming puno at nang dumaan kami sa isang bridge na kita ko yung paaralan na sinasabi ni Cassie, Napakalaki ng paaralan na yun, may malaking gate na may wire sa ibabaw ng gate na yun, Kulay itim, nakasirado ang gate, May isang babae na nakasalubong sa amin.

"Kayo yung nag enroll dito diba?" sabi ng babae

"Oo kami nga" sabi ko

"Welcome to Southern University"

Southern University (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon