pt. 1

8.8K 222 5
                                    

HINDI na maalala ni Janita Quintos, aka Jaja, kung kailan siya nagsimulang ma-in love kay Benedict Ganzon, also known as her Kuya Ben, ang colleague at best friend ng tito niyang si Samuel o Samboy. Basta ang alam niya, kinse anyos pa lang siya ay sigurado na siya na si Ben ang gusto niyang mapangasawa balang-araw.

Hindi lang gustong mapangasawa. Sa batang puso niya ay alam niya na ito talaga ang mapapangasawa niya kapag twenty-five years old na siya. Naririnig kasi niya noon na iyon tamang edad para mag-asawa. Kapag twenty-five na siya, thirty-three years old si Ben. Ten years na lang at bagay na silang dalawa.

Very vocal siya sa pagkakagusto rito. Wala siyang inililihim sa Tita Sandra niya, ang nagsisilbing nanay niya dahil ang hindi na niya nagisnan ang tunay niyang ina na kapatid nito. Pati nga sa kanyang Tito Samboy ay open siya tungkol doon. Mas matanda ng ilang taon ang tito niya kay Ben. Parehong engineer ang dalawa at magkatrabaho sa isang engineering firm sa Taguig City.

Minsan, nag-bake sila ni Tita Sandra ng brownies cake. Nagtira siya ng tatlong slices para kay Ben. Inilagay niya iyon sa refrigerator. Ang siste, kinain ni Tito Samboy ang mga iyon nang wala man lang paalam. Ganoon na lang ang pagsusumpong niya dahil doon.

“Hay, naku, Janita! Tigil-tigilan mo na 'yang pagsinta mo kay Benedicto, ha? Hindi ka mahihintay n'on at mag-aasawa na 'yon bago ka magdalaga.”

“Hindi totoo 'yan!” sagot ni Jaja. “Hihintayin ako ni Kuya Ben!”

“Ows? Talaga?” nang-aasar na sabi ni Tito Samboy. “Bakit, sinabi niya sa 'yo 'yon?”

“Hindi, pero alam ko,” smug niyang tugon.

“Asus! Feeling mo mai-in love siya sa 'yo dahil sa brownies na b-in-ake mo? Ang tigas-tigas.”

“Recipe kaya ng brownies ng KFC 'yon,” ingos niya. “Itanong mo pa kay Tita.”

“Maski na.”

“Eh, di huwag mong ubusin, akina 'yang isa,” sabi niya na tinangkang agawin ang isang slice.

Tumatawang inilayo nito ang kamay sa kanya, sabay shoot niyon sa bibig nito at ngingisi-ngising iniwan siya.

“Tito talaga!”

"Wait For You" by Kumi Kahlo ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon