SINEGUELAS STREET.
Bull's-eye! sabi ni Jaja sa isip nang mabasa ang lumang street sign sa nilukuan niyang kanto. Iyon na ang kalye nina Ben.
Kinaray niya ang kaibigan niyang beki na si Gagay--'Gregory' sa ID--at game naman itong pumayag. Nagsimula silang hanapin ang 413 na house number at hindi naman sila nahirapan. Simpleng bungalow ang bahay nina Ben, medyo luma--circa '80s siguro nang maitayo ang bahay--at nababakbak na ang pintura ng wrought-iron gates. Malawak ang solar at nakita niya na may dalawang sasakyan doon. Kilala niya ang isa--ang itim na Toyota Corolla ni Ben--pero iyong sobrang kintab na pulang Rav-4 ay hindi.
“Nandito siya,” sabi ni Jaja kay Gagay. “Kotse niya 'yan.”
“Baka maysakit siya? Tara, katok tayo.”
“'Wag! Ayokong makita niya ako. Baka isumbong ako n'on kay Tito, ang alam nila ni Tita Sandra, eh, may group project tayo kaya ako umalis ng bahay.”
“Eh, paano tayo, ganito lang tayo? Baka naman wala si Prince Charming mo diyan. Tara na, gora muna tayo sa The Fort.”
Sasagot pa sana siya nang may marinig silang tawa mula sa loob ng bahay. Tawa ng isang babae.
Nagkatinginan silang magkaibigan.
“May gurlash si Prince Charming sa loob mg valer!” bulalas ni Gagay.
“Baka naman kapatid niya,” sabi ni Jaja, pero natanto niya na wala nga palang kapatid si Ben. In fact, solo na sa buhay ang binata. Ang ina nito ay maagang pumanaw at ang ama naman ay nasa Canada, may iba nang pamilya roon.
Nasundan ang pagtawa. Ngayon ay dalawa na ang tumatawa--boses ng lalaki ang isa. Positive, si Ben ang lalaking tumatawa.
“Tara, silipin natin!” yakag ni Gagay sa kanya. “Nakaawang 'yong pedestrian gate, o.”
“'Wag! I mean, ako na lang. Dito ka na lang at ikaw ang lookout.”
“Sige. Bilisan mo lang at ang init ditey.” Sumilong ito sa mababang puno ng aratiles na nasa pagitan ng bahay ni Ben at ng katabi.
Maingat na pumasok siya sa loob ng bakuran. Nakabukas din ang pinto sa sala kaya nasilip niya iyon. Wala roon si Ben at ang katawanan nito.
Dumeretso si Jaja sa loob ng bahay. Wala ring tao sa kusina. Nakita niyang may pinto roon kaya pinihit niya iyon at binuksan, saka sumilip. Wala rin.
Kinutuban na siya noon. Nasa kuwarto ang mga tao. At ano naman ang gagawin nila sa kuwaro maliban sa...
Umiling siya at itinaboy ang isipin mula sa kanyang utak. Aalis na sana siya ngunit narinig niyang muli ang tila kasiyahan, kasunod ay biglang tumahimik at napalitan ng ungol ang tawanan. Hinila siya ng mga paa niya patungo sa pinagmumulan ng mga tunog. May tatlong pinto siyang nakita, lahat ay nakaawang. Dahan-dahan siyang humakbang at hindi pa siya tuluyang nakakalapit ay nakita na niya si Ben.
Nanlaki ang mga mata niya. Nakahubad ang lalaki, ganoon din ang babaeng nakahiga sa kama. Nakaluhod si Ben sa pagitan ng mga balakang ng babae at ang isang binti naman ng malanding iyon ay nakapatong sa balikat ng lalaki!
Juice ko! Natutop niya ang kanyang bibig.
“Ready?” sabi pa ni Ben, ngiting-ngiti.
Napamata si Jaja. Hawak ng isang kamay ni Ben ang ari nito--at shocked siya sa size niyon!--habang sa kabilang kamay ay ang hita naman ng babae ang hawak.
“Kanina pa!” hagikgik ng babae.
Tuluyan nang naparalisa si Jaja. Kitang-kita niya nang itutok ni Ben ang pagkalalaki nito sa naghihintay na 'flower' ng bruha, saka mapuwersang ipinasok doon. Umulos ang lalaki, sunod-sunod, habang panay ang halinghing ng kaniig nito.
Juice ko, juice ko... Hindi malaman ni Jaja ang gagawin. Gusto niyang umalis sa kinatatayuan pero animo naka-Mighty Bond sa sahig ang suwelas ng sneakers niya. Hindi niya maiangat-angat ang mga paa.
“God, Benedict, you're... Oohh!”
Gusto rin niyang pumikit o takpan ng palad ang mga mata pero talagang naparalisa na yata ang buong katawan niya.
“Shit, Kimmy! Fuck!” Bumilis ang pag-ulos ni Ben, pagkatapos ay biglang lumayo at tumayo, saka magaspang na binaliktad ang tinawag na Kimmy at pinatuwad sa kama.
May ilalaki pa pala ang mga mata ni Jaja. Halos lumuwa na tuloy ang mga iyon nang makita niya ang turol na turol na pagkalalaki ni Ben. Juice ko, Lord...
Nagbukas ito ng drawer at may kinuhang foil--condom, nahulaan niya--at saka binuksan iyon at isinuot. Pagkatapos ay muli itong pumuwesto sa paanan ng kama habang nakatuwad si Kimmy at hinahawakan ang sariling kaselanan. Muling umulos si Ben pero nang matanto kung saan nito ipinasok ang ari, doon na tuluyang hindi kinaya ng powers niya ang nakikita.
Saka pa lang nakisama ang katawan niya. Nagawa niyang humakbang palayo sa may pintuan. Pakiramdam niya ay nakalutang ang mga paa niya nang tuluyan siyang makalabas ng gate. Hindi niya matandaan kung paano siya napunta sa kinaroroonan ni Gagay sa ilalim ng puno ng aratiles.
“H-halika na, bilis!” pag-aapura niya sa kaibigan.
“Ha? Teka!” Magpapagpag pa sana ng puwit ang baklita dahil sa gutter ito nakaupo kanina pero hinila na niya palayo sa lugar na iyon. “Teka, bru! Baka mangalas ako sa pagkaladkad mo! Ano ba'ng nangyari?”
“Mamaya na ako magkukuwento. Baka gusto mong buhatin pa kita? Dalian mo na!”
BINABASA MO ANG
"Wait For You" by Kumi Kahlo ✔✔
RomanceJaja has loved Ben as a teenager. He broke her heart twice, without him even knowing he did so. Ang ikalawang beses ay traumatic pa nga, dahil na-corrupt ang innocence niya sa kahalayang nasaksihan dito at sa then-girlfriend nito. Five years later...