KINAUMAGAHAN ay nagising si Jaja na litong-lito. Sa kaunting kilos niya ay nakaramdam siya ng kirot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Saka niya natanto ang nangyari nang nakaraang gabi.
Naroon siya sa sarili niyang silid. Sa kanyang kama. Doon siya nagpaangkin kay Ben.
Napalunok siya at hinanap ang lalaki. Kinabahan siya nang may maulinigang ingay sa labas. Boses iyon ng Tito Samboy niya. Parang galit na galit ito. Sinalakay siya ng kaba. Nagmamadali siyang bumangon kipkip sa dibdib ang kumot. Nakita niya ang sariling saplot sa sahig. Pinagdadampot niya iyon at nagmamadaling isinuot, saka lumabas ng silid.
Nadatnan niya ang tiyuhin na akmang uundayan ng suntok si Ben.
“Tito, huwag!” sigaw niya at nagmamadaling tumakbo para humarang sa dalawa.
“Diyos na mahabagin, Jaja! Hindi ka man lang ba nag-iisip?” Diyata't alam na nito ang nangyari. Sa anyo nito ay tila gusto siya nitong sugurin at saktan. Frustrated na frustrated ang anyo nito. Dismayadong-dismayado sa kanya.
Napayuko siya. Hindi niya matagalan ang nanunumbat na tingin ng tiyuhin na tumayo nang ama sa kanya at nagsakripisyo ng sarili nitong kaligayahan alang-alang sa kanya.
“Walang kasalanan si Jaja, Samboy. I... I seduced her,” paliwanag ni Ben sa mahinahong tinig.
“Tito, magpapaliwanag din ako.”
“Ano pa ang ipapaliwanag mo, Janita? Na nagpadalos-dalos ka?”
“Samboy, wala na tayong magagawa riyan. May nangyari na sa kanila,” pamamagitan ni Tita Sandra na namumula ang mga mata na halatang galing sa pag-iyak. Sa hitsura nito ay tila gusto nitong sabunutan ang sarili. “Kasalanan ko 'to... Kung hindi ako nag-inom kagabi...”
“Hindi ikaw ang may kasalanan, Ate! Itong gunggong na 'to!” Sinugod ni Tito Samboy si Ben, na hindi na nakaiwas ng undayan ito ng suntok sa panga ng una. “Dude, kailangan kong ilabas 'yan. Pasensiya ka na,” sarkastikong sabi nito.
“Okay lang, I deserve it,” sagot ni Ben.
“Iyong kabila naman,” sabi ni Tito Samboy at napatili sila ni Tita Sandra nang muli nitong bigyan ng upper cut si Ben. Saka lang na-pacify ang lalaki at naupo sa sofa habang napasadsad sa pader si Ben, sapo ang mga panga.
“Diyos ko naman...” daing ni Tita Sandra. “Ang mabuti pa ay mag-almusal na muna tayo at doon natin pag-usapan nang mahinahon ang dapat mangyari ngayon. Ben, umaasa kaming paninindigan mo ang ginawa mo sa pamangkin namin.”
Umungol si Tito Samboy. “Pinagsamantalahan ng ugok na 'yan ang kahinaan ni Jaja. Por que alam na patay na patay sa kanya.”
“Tito! Hindi ako patay na patay sa kanya!” angal ni Jaja na masama ang tingin sa tiyuhin. Nang saglit niyang sulyapan si Ben ay nakita niya na tumaas ang sulok ng mga labi nito na tila nagpipigil ng pagngiti. “Isa ka pa! Totoong pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko! Pero hindi totoong patay na patay ako sa 'yo!”
Itinikom na lang ni Ben ang mga labi at itinaas ang magkabilang kamay, tila sinasabing 'Hindi ako lalaban.'
Inirapan lang niya ito bago muling binalingan ang tiyuhin. “Tito, malaki na ako. Alam ko na ang ginagawa ko. In case you've forgotten, twenty na ako. Hindi two.”
Umungol lang ang tiyuhin niya at sumusukong tumingala pasandal sa backrest ng sofa. Tila humihingi ito ng patience mula sa Diyos sa hitsura nito.
“Kung ganoon, sinasabi mo bang ginahasa ka ng lalaking iyan?” Si Tita Sandra naman ang tila handang mambugbog kay Ben ngayon.
“Tita...” Nagpakawala si Jaja ng marahas na paghinga at nilapitan ang tiyahin. “Doon tayo sa room mag-usap, please.” Ayaw niyang marinig ni Ben ang sasabihin niya dahil baka lumaki lang ang ulo nito. Ngunit bago iniwan ang dalawang lalaki sa sala ay nagbilin pa siya sa tito niya. “Huwag mo siyang bubugbugin, babalik kami agad.”
BINABASA MO ANG
"Wait For You" by Kumi Kahlo ✔✔
RomanceJaja has loved Ben as a teenager. He broke her heart twice, without him even knowing he did so. Ang ikalawang beses ay traumatic pa nga, dahil na-corrupt ang innocence niya sa kahalayang nasaksihan dito at sa then-girlfriend nito. Five years later...