ISANG hapon ay matamlay si Jaja nang umuwi mula sa school. Natapos na ang kanilang presentation. Hindi na siya sumama sa mga kaibigan sa paglabas. Nauunawaan naman nina Mai-mai at Gelie ang pinagdaraanan niya. Wala na siyang inililihim sa mga ito ngayon.
Pagdating sa bahay ay naghihintay ang tiyahin sa kanya. Nakabihis ito.
“Magbihis ka ng panlakad, Jaja. May pupuntahan tayo.”
“Huh? Saan, Tita?”
“Sa isang resort pagkalagpas ng Padre Garcia. Inimbita ako ni Via, iyong best friend kong may asawang Dutch. Doon tayo mag-o-overnight.”
“Talaga, Tita? Sige. Pero, paano 'tong bahay?”
“Ibinilin ko na sa mga kapit-bahay. Mula nang mauso ang akyat-bahay noong magpa-Pasko at Bagong Taon, nagroronda na nang madalas ang mga barangay tanod, lalo na pagsapit ng dilim. So far wala nang nababalitang nanakawan.”
“Okay, Tita. Magbibihis lang ako,” sabi ni Jaja at dali-dali nang tumalima.
Isang maikling summer dress ang napili niyang isuot dahil medyo maalinsangan ang panahon. Eksaktong paglabas niya ay may humintong silver na SUV na Mazda. Sa kaibigan daw ni Tita Sandra iyon. Doon sila sumakay.
After thirty minutes ay narating nila ang pakay na resort. Iniwan si Jaja ng tiyahin sa labas ng isang cottage at sinabihan siyang magpahinga muna siya. Parang nagmamadali ito. Sabik sigurong chumika sa best friend. Hindi na siya nagreklamo. Puwede naman siyang lumibot sa resort kahit nag-iisa mamaya. Papalapit na siya sa cottage nang mapansing may mga petals na nakakalat sa mga baitang ng hagdang kawayan. Sinundan niya ng tingin iyon at may trail nga hanggang sa pintuan ng kubo. Hula niya ay hanggang sa loob ay may hinimay na mga talulot ng bulaklak.
Napaisip siya. Hindi kaya nagkamali ang tita niya ng pinag-iwanan sa kanyang cottage?
Tinawagan niya ito sa phone.
“Iyan nga ang cottage mo, Jaja. Pumasok ka na,” sabi lang nito at pinutol na ang linya.
Weird, naisaloob niya.
Napilitan siyang umakyat nga. Nanghihinayang man ay wala siyang choice kundi apakan ang mga petals. Nang buksan niya ang pinto, bumungad sa kanya ang bouquet ng red roses sa ibabaw ng kama. Nilapitan niya iyon at dinampot. Wala siyang nakitang tarheta nang inspeksiyunin niya iyon.
“I hope you like red roses or my efforts will go to waste.” Mula sa likuran ay narinig niya ang boses ni Ben.
Mabilis niya itong hinarap. Naglakad na ito palapit sa kanya.
“Hindi ko kayang tiisin na hindi ka makita kahit pa called off na ang wedding natin.”
Napasinghap si Jaja. Called off? Called off na pala ang kasal niya? Bakit hindi niya alam? Ang akala niya ay postponed lang!
Sumama ang loob niya na hindi mawari. Bakit palagi na lang ganoon? Na-engage siya nang wala siyang nasabi ni gaputok. At ngayon, nakansela pala iyon nang hindi niya nalalaman.
Namaywang siya sa lalaki. “Idea mo 'to at kinasapakat mo pa si Tita? O silang dalawa ni Tito Samboy ang nakaisip nito? Pinupuwersa ka ba nilang panagutan ako, Benedict?”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “You know what? Spoken by you, I really like the sound of my name.”
“Shut up,” tumirik ang mga matang sabi niya.
Tumawa ito at nagpatuloy sa paghakbang palapit sa kanya. “You're so darn hot when you're feisty like that.”
Umiling-iling lang siya. Hindi siya magpapadala sa mapupungay nitong mata... sa mapanghibong tinig...
BINABASA MO ANG
"Wait For You" by Kumi Kahlo ✔✔
RomanceJaja has loved Ben as a teenager. He broke her heart twice, without him even knowing he did so. Ang ikalawang beses ay traumatic pa nga, dahil na-corrupt ang innocence niya sa kahalayang nasaksihan dito at sa then-girlfriend nito. Five years later...