NAIWANG mag-isa si Jaja sa sala nang maalala niya ang ginagawa sa silid niya. Ini-lock lang niya ang main door at bumalik sa kuwarto. Hindi na niya naisuot ang kuwintas. Minsan pa niya iyong itinaas para pagmasdan bago sana itago sa kahita nang dumating si Ben.
“Ako na ang magsusuot, puwede?” malumanay nitong turan.
Hindi na siya tumanggi. Lumapit ang lalaki at kinuha ang kuwintas. Tumalikod naman siya at hinawi ang buhok sa batok. Isinuot nito iyon sa kanya nang walang kahirap-hirap. Nalaman na lamang niyang tapos na ito nang yumuko ito at hinalikan ang na-expose niyang leeg.
Nagulat si Jaja sa ginawa ng lalaki at nanlaki ang mga mata habang nasa harap sila ng salamin. Ngunit may kung anong puwersang bumalot sa kanya at naparalisa siya. Hanggang sa pumalibot na sa baywang niya ang mga braso ni Ben at muli siyang hinalikan sa leeg.
“K-Kuya Ben...” Halos hindi lumabas sa bibig niya ang pangalan nito.
Kunot-noong ipihit siya ng lalaki paharap dito. “Anong 'Kuya Ben'? Tigilan mo na 'yang kaka-'Kuya' sa akin at masagwa.”
“Ano'ng masagwa ro'n?” Kinunutan din niya ito ng noo.
“Huwag mo akong tawaging 'Kuya' dahil mahalay. I'm fucking you in my head, 'tapos tatawagin mo akong 'Kuya'? Incestuous. Karima-rimarim.” Nginitian siya nito pagkabigkas sa salitang 'karima-rimarim.'
Napanganga siya sa pagkakatingala rito. Ano ang sinabi nito? He was fucking her in... Natutop niya ang bibig sa natanto, sabay tampal sa dibdib nito. “Bastos ka!”
Tumawa ito at kinabig siya sa kamay, sabay lapat niyon sa crotch nito. “Look what you do to me,” anas nito na napapikit pa nang dumikit ang kamay niya sa erection nito.
“G-God, bastos ka talaga,” natensiyong wika niya habang pilit na binabawi ang kamay, ngunit ayaw nitong pakawalan iyon.
“You drive me crazy, Jaja,” tila daing nito, nakapikit pa rin. Nang dumilat ay binitawan na nito ang kamay niya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi upang pagdikitin ang mga noo nila. “Noong una pa lang kitang makita in your birthday suit, hindi mo na ako pinatulog. Gigil na gigil ako sa 'yo, 'kala mo.” At gigil ngang ikiniskis nito ang noo sa noo niya.
Sinalubong niya ang mga mata nito. Nakita niyang nagniningning nga ang mga iyon sa pagnanasa na tila tumutupok naman sa kamalayan niya at tumatagos sa kaibuturan niya. Nang higitin nito ang puwit niya palapit dito, parang tumigil ang kanyang paghinga. Ramdam niya sa tapat ng pusod niya ang nagpupumiglas na pagkalalaki nito.
Nag-init nang husto ang pakiramdam niya. Naalala niya ang eksena nito noon kasama si Kimmy. Kung gaano ito ka-hot, the sexy devil... kung gaano ito ka-virile habang inaangkin ang babae...
Shit. Napapikit si Jaja. Gaya ng nangyari sa kanya noon, hindi niya magawang ikilos ang katawan niya ngayon.
“May naisip akong song, it keeps playing in my head,” biglang sabi nito, sabay kanta: “I won't hesitate no more... no more... It cannot wait, I'm yours...” At bumaba ang tingin nito sa bahagyang nakaawang niyang mga labi.
At sa isang iglap, naramdaman niya ang pagdampi ng bibig nito sa mga labi niya. Hanggang sa naging malalim ang halik. Naging mapang-angkin. At ang dila nito ay nanghimasok sa kanyang bibig. Ginalugad ang bawat sulok niyon.
Kusang tumugon si Jaja sa halik na iyon ng lalaki, hanggang sa hindi niya namalayan na basta na lang bumagsak sa sahig ang kanyang bestida, kasunod ng kanyang mga panloob.
Malayang pinaglakbay ni Ben ang mga mata sa katawan niya. “God... so beautiful,” bulong nito. “So fucking perfect...”
Nakaramdam siya ng hiya at tinakpan ang sarili. Lumapit ang lalaki at kinuha ang kamay niya, saka hinila siya patungo sa kama at pinahiga roon.
BINABASA MO ANG
"Wait For You" by Kumi Kahlo ✔✔
RomanceJaja has loved Ben as a teenager. He broke her heart twice, without him even knowing he did so. Ang ikalawang beses ay traumatic pa nga, dahil na-corrupt ang innocence niya sa kahalayang nasaksihan dito at sa then-girlfriend nito. Five years later...