pt. 10

5.7K 174 2
                                    

DAHIL sa nangyari ay iniwasan na ni Jaja si Ben. Nang mga sumunod na araw ay halos hindi siya naglalagi sa bahay. Panay ang puslit niya papunta kina Geline. Noong una ay nakaiwas pa siya sa tito at tita niya, pero hindi na noong December 30.

“Mamamalengke kami ng Tito Samboy mo kaya dumito ka na muna sa bahay, Jaja, please? Tama na muna ang kakalakwatsa mo,” pakiusap ni Tita Sandra.

“Sasama na lang ako, Tita,” sabi niya.

“Hindi puwedeng walang maiiwan dito sa bahay. Layas ka nang layas kaya wala kang kaalam-alam na may gumagala nang akyat-bahay dito sa Tibig at pati na sa mga karatig-barangay,” sabad ng Tito Samboy niya na matalim ang tingin sa kanya. “Hanggang sa Tangway ay may napasok daw na bahay.”

Pasimpleng hinanap ng mga mata niya si Ben sa buong bahay pero wala ni anino ng lalaki. “Kayong tatlo talaga ang aalis?” tanong niya.

“Maiiwan si Ben. Nag-uusap sila ni Lolo Bido ngayon tungkol sa lupa. Susunod ako do'n kaya babalik din kami agad.”

“Sasama na lang ako kung gano'n, Tito.”

“Bakit parang kating-kati kang umalis ng  bahay, Jaja?”

“Tito, wala,” depensa kaagad niya. “Sinusulit ko lang ang mga araw na walang pasok.”

Mataman siyang tinitigan ng tiyuhin. “Kung gano'n, dito mo na lang gugulin ang mga natitirang araw na wala kang pasok. Sa a-tres ay babalik na rin naman kami ng Maynila. Nandiyan lang naman ang mga kaibigan mo at puwede kayong magkita anytime.”

Kaysa lumawig pa ang usapan ay hindi na lang nagreklamo si Jaja, pero balak niyang umalis pagkarating ng dalawa mamaya.

Ang siste, inabot na ng hapon ay wala pa rin ang magkapatid. Saka naalala ni Jaja na kailangan niyang ihanda ang damit na isusuot sa pagsisimba sa susunod na araw. Sasamantalahin na niya ang pagkakataon na wala si Ben.

Pero hindi pa siya nagtatagal sa kuwarto ay  hayun na ang lalaki! Ayaw sana niya itong pagbuksan kung hindi lang nito sinabing may importante itong kukunin sa loob.

“I-lock mo ang pinto pag-alis mo,” sabi niya, sabay talikod.

“Jaja, sandali,” sabi nito, sabay hagip ng braso niya. Papasok na sana siya sa kuwarto ni Tita Sandra.

“Ano ba?” singhal niya na pilit na binabawi ang braso.

“Mag-usap nga tayo,” maawtoridad nitong sabi, dahilan para mapalunok siya at mapaatras.

Nabigla siya sa tono ni Ben.

“Alam kong may problema ka sa akin. Ni hindi mo nga binuksan 'yong regalo ko sa 'yo.”

“Nakalimutan ko lang. Palagi kasi akong umaalis,” paiwas niyang tugon.

“Kaya talagang may problema ka sa akin. Kung dahil ito doon sa nakita ko noong unang dating ko rito, I'm sorry. I apologize. Please, forgive me. Hindi ko sinasadyang makita iyon. I wouldn't say kakalimutan ko na lang iyon because I know I'd be lying. Hindi madaling kalimutan ang ganoong bagay.”

Umismid siya. I feel for you, sarkastikong sagot niya ngunit sinarili na lamang iyon. Lalo siya nawala sa mood sa naalalang eksena na talagang mahirap ding kalimutan. Limang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin iyon sa alaala niya.

“Ang ganoon kagandang bagay,” pagtatama ni Ben sa huling sinabi, sabay ngiti nang matamis.

He was flirting with her. Naiinis siya sa ideya, but at the same ay kinikilig din at lumalaki ang tainga. Kung nangyari iyon five years ago, she'd have been the happiest girl in the world. But then, he would have been a cradle snatcher at ayaw naman yata niya sa ganoong lalaki.

"Wait For You" by Kumi Kahlo ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon