Chapter 1
Ella's POV
OMG. First day of school. Eto naman talaga yung nakakainisan ko eh. Yung' "INTORODUCE YOURSELF" Haay.
Wala pa yung teacher ko. Ang tagal gusto ko na umuwi.
"Hi?" sabi nung katabi ko. Lalaki. Ano naman kaya toh? -_____-
So far wala pa naman akong nakikilala dito kasi puro lahat new students. Kaya para hindi bastos nakipag-hi rin ako.
"Hi?" Mukhang nahihiya na naiinis na sagot ko.
"I'm Paul." sabi niya ng biglang dumating ang teacher.
"Okay class, I'm Miss Lourdes..." sabi ng teacher nagkwento siya about sa kanya, sa past schools na tinuruan niya tapos.. "O kayo naman, Introduce yourselves"
Ay. Eto talaga kinaiinisan ko eh. Introduce yourself? Tsk. At yung worst part is, sa gitna ka pa mag iintoduce ng sarili mo. Ano naman kayang trip ng teacher na'to? .>__________<
"Okay let's start ..." sabi ng teacher sabay turo-turo kung sino gusto niyang unahin..
*Sana hindi ako.... Sana hindi ako*
Tama nga, pag minamalas ka naman talaga. Eh, ako pa ang naturu-an. -____-
Tumayo ako. Medyo nahihiya. Parang gusto kong suntukin yung teacher namin.. Bakit sa dinami dami? Eh ako pa?
"Ahm... Classmates... Ako nga pala si Gabriella Annjane Cruz" sabi ko.
Tapos may nagmu-muring... Ewan ko kung ano pinag-uusapan nila.. -______________-
"Ang ganda niya" "Ang cute niya, bro." eto lang ang ilan sa mga narinig ko sa mga pinagsasabi nila.. ///>_________<///
Nahiya naman ako. Maganda raw? Haha! xD
Francis' POV
Gulong-Gulo ang classroom namin. Hiyawan doon Hiyawan dito. Kwento doon Kwento dito. Miss na miss rin nila siguro ang bawat isa lalo na't kakatapos lang ng bakasyon tapos back-to-school na kaagad.
Wala pa yung teacher namin. Tagaal. Gusto ko na umuwi.
"Hi Francis." sabi ni Melissa. Crush ko to nung 1st year, maganda, matangakad, maputi , model, pero hindi na ngayon. Maarte kasi. Nakakairita.
"Oh ano?" naiinis kong sagot sa kanya..
"Ang aga aga sinusungitan mo kaagad ako.. hmmp!" sabi niya. Ay nako. Nagpapalambing naman yata to. Psh.
Hindi ko siya pinansin. Nakakainis eh. Akala niya siguro may gusto pa ako sa kanya. Haay.
Sa wakas dumating na rin ang teacher namin. Matapos ang ilang oras. Natapos na rin ang klase namin.
Chapter 2
Ella's POV
Yes! Natapos rin ang klase. Excited na ako umuwi. ^___________^
Papunta na ako sa section ni Francis. Para sabay kami pumunta sa sasakyan. May nakita akong lalaking. Patakbo papunta sakin.
"Hi Gabriella." Sabi ni Paul. Remember niyo pa siya? Basta siya yung katabi ko sa klase.
Ano naman kaya ang kailangan nito? =_________=
"Oh bakit?" Mahinang sinagot ko sa kanya..
"Sabay na tayo." Sabi niya.
"Ha? Ah. Eh. May kasama kasi ako. " sabi ko sa kanya. Ayoko kaya sumabay sa kanya.
Gwapo naman si Paul eh. Matangkad. Maputi. Eh baka issue-han kami. Marami kasing may crush sa kanya. Tapos baka sabihing nakikipagflirt ako eh kabago bago ko pa lang dito. Kaya, I'm not into him.
"Sino kasama mo?" sabi niya sakin. Ay, Usisero?
"Ha? Ah. Bestfriend ko." sabi ko. Lumakad na ako at baka ano pang itanong sakin ng Paul na to.
"Ah ganun ba. Samahan na kita papunta sa classroom nila." sabi niya. Ay ayaw paawat talaga.
"Hindi na. Okay lang." sabi ko sa kanya..
"Ella!"
Si Francis siguro yun. Siya lang naman ang tumatawag sakin ng Ella eh.
Tumalikod ako para alamin kung sino yun..
Si Francis nga. -________________--
Napangiti ako. Sa wakas naman. Maiiwan ko na tong Paul na to. Tumakbo ako papunta kay Francis. At iniwan ko si Paul. Haha. Bahala siya. >:D
"Kuyaaa! Hahaha. " tumawa ako. Sabay hampas ng libro sa ulo niya.
"Aray. Ano ba!? Teka. Sino ba yung lalaki na yun?" saby turo kay Paul.
"Wala. Classmate ko yun." sagot ko. "Tara. pumunta na tayo sa sasakyan!" sabi ko sabay hila ng braso niya papuntang carpark..
Pumasok na kami sa sasakyan.
Kumakanta kami kasama si manong driver. Yung driver namin si Manong Harold. Mag iilang years na siyang driver namin, simula yata nung bata kami.
"Panalangin ko sa habang buhay.. Makapiling ka. Makasama ka.. Yan ang panalangin ko oh!"
"Oy! Ella. Tama na nga yan. Ang sakit sa tenga eh." pang aasar ni Francis sakin. At tumawa pa siya ha. Akala niya okay. Kanina nga nung siya nga kumanta kahit sintunado di man lang ako nag react tapos pag' ako. Maka React wagas. >:(
"Ikaw nga kanina eh. Parang basag na baso." sabi ko.
"Oh. Baka mag away na naman kayo" sabi ni Manong Harold.
"Eh nakakainis siya manong eh!" sabi ko.
"Hala. Ako pa? Nakakahiya naman sayo." sabi niya, at tumatawa pa. Inaasar niya talaga ako. >:(
Hinampas ko siya ng bag ko.
"Araaay. Bakit mo ko sinaktan? " sabi niya. Medyo masakit naman talaga yung pagkakahampas ko.. Haha..
"Ang hina hina ng pagkakahampas ko sa'yo.. Masakit agad? Tss. *Bakla* sinabi ko sa mahinang boses" sabi ko sa kanya
" Tsk! Konting asar mananakit agad. Masakit kaya!" sabi niya habang hawak hawak ang ulo niya. Eh hindi nga ako gumamit ng power hampasin siya eh. >.<
"Ay sorry. Masakit ba talaga?' nagsorry ako. mukhang galit siya eh.
"Tsk." sagot niya sakin. Hala. Galit na talaga siya kaya nilambing ko baka tuluyan na magalit eh.
(Nakita niyo ba yung picture sa right ? Parang ganun na yung itsura niya.)
"Oi. Sorry na." Hindi parin kasi niya ako pinansin.. "Oyy. Francis!!!. " Naiinis na ako eh. Hindi parin niya ako pinapansin. "UYYYYYYYYYYYYYY.... Hindi na mauulit." Sabi ko. Parang tutulo na luha ko. Bwiset kasi eh.
"HAHAHAHAHAHAH." yan yung sinagot niya sakin. "HAHAHAHAHHA. Para kang bata, hahaha. nakakatawa ka." dagdag pa niya..
Ah. Nakakatawa pala ha.
"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY."
Eh kasi sinipa ko siya. HAHA.. >:D
Nakarating na kami sa bahay. Nasa kabila yung bahay nila. Mala-Hacienda kasi yung bahay namin. Yung puro puno at hardin. Governor kasi si papa. At Mayor naman ang papa ni Francis. Kaya ayon. :D
