Chapter 6
Ella's POV
Tama ba ang hinala ko??
Niyakap ko ngayon si Francis?
Oh no! ~~
Nakakahiya. >______>
Nakita pa kasi ng barkada niya at nung friends ko..
Nagulat ako kaya tiniklod ko si Francis.
"Bakit ka nandito?!" dagdag ko pa
"Teka. Bakit parang galit ka sakin?" sabi niya
"Bitawan mo nga ako." sabi ko, hinawakan niya pa kasi ako sa braso..
"Bakit ang sungit mo? Ikaw pa nga tong naka libreng yakap sakin ikaw pa may ganang magsungit...
swerte mo nga nakayakap ka sakin eh..." sabi niya
"Haaa? Anong swerte dun? Ew." sabi ko. Asa naman siyang magugustuhan ko yun...
"Marami kayang gusto yumakap sakin.."
At may gana pa talaga siyang magbiro sa sitwasyon ko..
At ako naman sobrang nahihiya na sa nangyari.
"As if naman gusto ko. Ano ba kasi...
Bakit ka nandito??" sabi ko..
"Maghihingi lang sana ako ng permiso..
.... pupunta kasi, kami ng bar ng barkada ko. kung ok lang? " sabi niya
"Ano?! Diba ang sabi ko.. Wag ka pupunta doon? " sabi ko sa kanya na galit. ewan ko ba kung bakit galit na galit ako sa kanya nung mga oras na yun. basta yan na lang ang lumabas sa bibig ko..
"Teka. Ba't parang galit na galit ka sakin? Ano ba problema mo?" hinawakan niya yung kamay ko
"Ha??
... Wala.. Sige ma una na ako." sabi ko tapos patakbong umalis papuntang carpark.
"Gabrielle!" sigaw ni Kim. Iniwan ko lang kasi siya doon.
Aaargh!
Naiinis ako sa sarili ko.
Gusto ko siyang awayin..
Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.
Pero hindi pwede..
Hindi pwede...
Alam ko sa sarili ko na hindi pwede...
Hindi pwede na
mahulog ako sa kanya.. </3 </3
Pumunta ako ng carpark pero wala si Mang Harold.
Kay napaupo na lang ako sa bench...
Inisip ko talaga ang nangyari kanina..
Pero wala akong magawa kundi tumulo na lang ang luha ko..
Naabutan ako ni Francis kaya napaupo siya sa tabi ko..
Francis' POV
Sinundan ko si Ella papunta ng carpark. Iniwan ko ang mga barkada ko.
Mas importante kasi si Ella.
Ano ba kasi nangyari dun? Bakit bigla na lang siya nag kaganun??
Siguro..
Kasi imbes na dapat si Paul ang yayakapin niya eh ako pa..
o baka naman
Natakot talaga siya?
baka naman nagalit siya sakin kasi baka pupunta ako ng bar?? Eh, hihingi nga ako ng pahintulot sa kanya eh.. ><
Aiiiii. >____________<
Ano ba problema nun? Ba't biglaan na lang siya magagalit sakin?
Sinundan ko si Ella.
Papunta siya ng carpark.
Nakita ko siya.
Umupo siya sa bench. Wala pa kasi si Mang Harold.
"Ella.." sabi ko
Hindi niya ako pinansin..
"Uyy... Hindi mo lang ba ako papansinin?"
"Pwede ba? Bad mood ako.." sabi niya
"Hindi naman ako pupunta ng bar eh... Ano ba ang kinakaBADMOOD mo diyan?"
"Teka. Umiiyak kaba?" nakita ko kasi na may tumulo sa kanyang mga mata.
"WALA! Alam mo! Umalis kana nga! Baka ma upakan pa kita diyan eh! "
"Hindi ako aalis dito.. Upakan mo ko kung gusto mo.. "
"Tss."
Ella's POV
Ang tagal ni Mang Harold.
Gusto ko na talaga umuwi..
Pero bago man lahat yun nangyari
nagulat ako ng, nilagay ni Francis ang ulo niya sa balikat ko.
(Gaya nung sa picture sa Multimedia)
"....Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nakita kitang umiyak.. " mga salitang sinabi ni Francis
Wala akong ginawa kundi ang tignan siya..
"...Tama na nga yan... Lalo kang pumapangit pag umiiyak ka eh..
.....Mukha ka na ngang unggoy tapos iiyak kapa! GROW UP!" sabi niya sakin
Ang sarap talagang upakan tong Francis na'to...
"GROW UP! GROW UP ka diyan! Hindi nga ako umiiyak! Bahala ka na nga diyan!" pumunta na ako sa sasakyan, tamang tama kasi ang pagdating ni Manong Harold, tapos na ang teleserye.
