Chapter 7
Ella's POV
Nasa kwarto na ako. Nakabihis na ng pantulog.
Nagawa ko na rin mga assignments ko. At nag aral na.
Pero.. Parati pa ring nag *fa-flashback* ang mga pangyayari kanina..
Aiiiish. Ella, umayos ka nga. Aksidente lang yun..
Atsaka, NO BIG DEAL. Bestfriends naman kami. ^______________^
Pero first time kung i-hug siya..
Oo. First time nga.
Never ko pa kasi siyang nayayakap. As in, WALA. NEVER.
Kahit nung mga bata kami. Hindi ko pa siya nayayakap..
First time ko talaga yun. ><
*Ring.Ring*
Nagulat ako kasi bigla na lang nag ring yung phone ko..
Si Francis ang tumatawag..
Pinabayaan ko lang. Kunwari natutulog ako.
Makalipas ng ilang oras nakatulog na rin ako...
Francis' POV
Iniisip ko pa rin si Ella.
Hindi ako makatulog..
Parang may nangyaring hindi dapat...
Aiii... Ella! Ano ba?! Ba't ikaw ang iniisip ko??
Tinawagan ko siya.
Pero hindi naman siya sumagot..
Haay. Bakit ba si Ella iniisip ko?
Marami pa kasi akong dapat gagawin eh..
Matapos ang maraming oras
natapos ko na rin ang mga gawain ko.
Nakatulog na rin ako. Maaga pa kasi ako bukas.
Maghahanda pa ako ng almusal namin ni Ella..
Kinaumagahan.
"Gisingin mo na si Ella" sabi ni mommy.. Natapos ko na kasing ihanda ang pagkain namin..
"Sige po mommy." sinunod ko si mommy.
Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Ella.
Tapos pumasok..
Tulog pa siya...
"Ella. Gising na."
Mahimbing yata tulog niya..
"Uyy. Gumising kana." sabi ko at pinitik ko yung ilong niya
"Araaaaaaaaay! Ano ba!?"
"Kakain na tayo."
"Ayoko."
"Tumayo ka na nga!"
"Wala namang klase eh..Ano ba!? Umalis ka na nga. Matutulog ako."
"Birthday kaya ni Kuya Alfred ngayon..."
"Mamaya na."
"Ayaw mo ha?" sabi ko tapos hinila ko yung blanket niya
Naka shorts lang si Ella..
Nalunok ko tuloy ang laway ko. x"|
"Ano ba?" sabi niya
"Kumain na tayo sabi ni mommy" sabi ko na parang nahihiya
"AYOKO."
"Tumayo ka na nga." hinila ko yung kamay niya.
"Ayoko nga! Wag mo nga akong pilitin."
Tsk. Napipikon na ako.
Kaya, no choice.
Binuhat ko siya. (gaya ng sa multimedia na pic. >___<)
"Ibaba mo ako!"
"Tumahimik ka nga.
.... Ang bigat mo."
"Sinabi ko bang buhatin mo ko? Ibaba mo nga ako."
Binuhat ko siya hanggang sa dinning table.
Kumain na rin kami at nagbihis.
Pupunta na kami sa birthday ng Kuya ko. \m/
![](https://img.wattpad.com/cover/2033107-288-k787732.jpg)