Chapter 12.1 ~ Rumble

19 1 0
                                    

Author's Note:

Hi! Advance Merry X-mas! (^_^) Kamusta na kayo? Ako? Eto buhay pa naman. Pasensya na at ngayon ko naharap ang pag-uupdate. Ang dami kasing mga nangyari. Anyways, tapos ko na po ang book 2 ng I'll bet. Gustihin ko po sanang tapusin na rin ang I'll bet, di ko magawa dahil ang mga drafts na ginawa ko ay nasa iPad mini ko na nawala (or ninakaw) di ko alam kung anyare na dun. Kaya naman nagbrarbainstorming muna ako kung anong mga magiging takbo ng mga story ko.

Again, thanks for bearing with me guys..

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~  ~ ~

Chapter 12.1 ~ Rumble

Mitz's POV

"Manager.."

"Shh.. huwag kang maingay. Baka mamaya niyan, mahanap tayo."

Meooww...

"Oreo, mamaya ka na ring magmeow meow.." sabay himas ko doon sa pusa. Ang lambot :3

"Ano ng gagawin natin manager? Lagot tayo pagnahuli nila tayo! Baka mamaya gawin tayong taga linis ng gym nila!"

"Huwag ka ngang nagpapanic! Nagpapanic na rin ako! Di ko rin alam ang gagawin ko!!" ako habang pinapaypayan ang mukha ko. Feeling ko kasi mangingisay ako ng di oras!

Ano ba aketch ang napasukan ko at anong kaluluwang ligaw ang sumanib sa akin at bigla kong sinuntok yung leader nila?!

"Hanapin ninyo dun! Parang may narinig ako. Hanapin niyong mabuti. Hindi pa nakakalayo yung mga lampang iyon!"

"Uy, Filip, usog.."

At dahil nakita kong paparating talaga sila sa direction namin, bigla kong inusod sa gilid si Filip at si Oreo sa iskinita.

Napansin ko namang namula si Filip.

"Manager, ang lapit ninyo."

"Hoy! Huwag ka nga, di tayo talo."

"Pero kasi manager, ang sikip rito. Ang lapit niyo pa."

"Ano ka ba! Di nga tayo talo! Feeling neto! Taken na aketch noh. Hihiwalay rin naman ako pag-umalis na yung mga weirdos na humahabol sa atin. Tiis tiis muna ok?"

Buti nga at nakasama mo ang isang Michelle Lee eh.. hahaha ang hangin ko talaga poreber..

Pero napaisip ako.. Hindi pa naman katapusan di ba?! Hindi pa nga ako nagfafinal message kay Clarence my loves. Ni hindi pa nga kami nagdedate eh! Hindi pupwedeng di ako makakasurvive sa situation na ito! >_<

Napilitan kaming magtago rito sa may iskinita. Mabuti na lang kamo at sexy ako at nagkasya kami rito. Mga limang minuto na rin kaming di makaalis sa pwesto rito. Hanep! Wala pa bang taga rescue ang mag-aalok ng tulong sa amin? Naglalaro lang naman kami ng tago-taguan eh..

"Hoy, Filip.. May number ka man lang ba ng isa sa mga team members natin?"

"Ay Manager, meron po. Yung kay Kuya Chad."

"Oh, naman pala! Kailangan natin ng rescue!"

"Akala ko po ba, kaya niyo na yung mga ugok na iyon?"

"Bakit? Ikaw nga na kalalaki mong tao, di mo kinaya.. Ako pa kaya? Haler, may utak to. Ayaw ko kaya mabugbog at the young age. Marami pang future ang facelalu ko. Ayoko pang iparetoke ang maganda kong face! Por pa bor Senior.."

I'll bet (Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon