Chapter 11.1 ~ Curiousity kills the cat

28 1 1
                                    

Chapter 11.1 ~ Curiousity kills the cat

Pat's POV

"wwwooooh ang hangin mo. Ako may gusto sa iyo? Agad-agad?"

"Haha I'm just asking a question. It's not a statement na sinasabi ko na gusto mo ako.."

Yeah yeah yeah.. blah blah blah.. I couldn't handle his ugali. Not later, he was nice. Not later, he was the same gentleman I've met noong nakaraang araw. Pero ngayon.. tsk. tsk..

"Bumalik na nga lang tayo. Mas may sense pang kausap ang besty ko kung sa kaweirdahan lang pala ang genre ng topic. (=__=)"

'"Hahaha, pikon agad?"

Iniwan ko doon si Zander at tumuloy na lang sa loob ng quarters lobby diretso sa locker room. Pilit kong binubuksan yung pintuan pero nakasarado.Nakasarado? Ano nanamang trip meron si besty? Sinolo si Clarence ganun? Ang wild talaga ng babaeng yun..

Kumatok ako at agad namang bumukas yung locker room. Nakita kong lumabas si Clarence na nakasuot na ng jersey.

"You've got some pervert bestfriend." tsaka siya umalis.

Ano daw?

"Clarence, di ka na maglilinis?" sabi ni Zander. Nakahabol pa pala ang loko..

"Nah.. Nasa mood akong magpractice ngayon.. geh.."

Ang weird ng lalaking iyon.. Kanina ang sungit, ngayon makangisi, wagas!

Pumasok ako sa loob ng locker room. Kita ko doon si besty tulog na nakaupo?

"Hoy, baba-- teka.. besty! Dugo ba yan? Besty? Buhay ka pa? Zands, may dugo ang bestfriend ko!" nagpapanic na ako rito. Eww, ayaw ko pa namang nakakakita ng dugo!

"Dugo? Syempre tao yan kaya may dugo.." ang pambabara ni Zander at saka premeng lumapit sa amin ni besty.

Niyugyog ko siya pero hindi parin siya nagigising..

"I mean, dinudugo yung ilong niya.. Dahil kaya sa tindi ng init?"

"Di ko rin alam.. Bukas naman ang aircon rito sa loob."

"Mnn... absss..." nakangiting nananaginip ang bestfriend ko.

"Ano raw abs?" ang sabi ko.

"Ah, gets.. hahaha, loko talaga yung Clarence na iyon." saka umalis si Zander at nagmop na lang ulit.

"Ha? Care to share?" cross arms kong sabi.

"Nah, huwag na.."

"Care to share or care to change your face with a pug?" pagbabanta ko sa kanya.

"Fine fine.. saglit lang ang epekto nung abs ni Clarence sa ibang mga babae, pero sa tingin ko, lakas tama kay Mich eh.. tumba.. hahahaha XD"

Aww.. bestfriend, nasa heaven na siguro siya ngayon..

Mitz's POV

Galit ako! *abs imagination*

Di na ako galit... hahahahha XD

Di ko magawang magalit ng tuluyan kay Clarence my loves. Pwe.. let me rephrase that, kahit kelan di ko magagawang magalit kay Clarence my loves..

"Hoy! Lutang nanaman yung imagination mo."

"Besty naman eh, bakit mo naman inalis yung imagination ko.. :/"

"Huwag ka nga, I know naman na you will replay that event in your dreams ng paulit-ulit. Or more so, pamhabang buhay na rin siguro." sarcastic na sabi ni besty.

"Clarence, here towel.."

"Thanks.."

Sus, ano pa nga ba, andito nanaman kasi si Rosy. Tsk, abot dito ng twalya at tubig kay Clarence ang peg niya.. nakakabad trip! >_<

"Hey, thanks for cleaning the locker room. Parang nakahinga ako nung malinis yung mga dumi." sabay upo sa bleacher ni Craig.

"Oo nga, first time na nakita kong di uminit ang ulo ni Craig dahil sa locker room! May pagka clean freak kasi yan.. Certified pwede ka ng ipasa namin bilang maid of honor.. hahaha! XD" sabi naman ni Zach.

"Hahaha, syempre ako pa! Basta sabihin niyo na lang kung anong ipapagawa or kung may problema kayo. Dito lang ako.. (^_^)"

"Wow, so, hindi ka lang pala namin maid of honor, guidance counselor pa?"

"Naman! All around ako. Multi-function ako noh.."

Medyo ka close ko na silang dalawa. Si Craig kasi yung type na tahi-tahimik minsan kapag pagod or sobrang naiinis na. Pero madaldal rin minsan kung trip niyang makipagdaldalan.. Habang kabaliktaran naman niya si Zach. Si Zach kasi, palaging tumatawa at nagjojoke kaya mas kavibes ko rin siya sa group.

Parehas na nagtratry out rin sila katulad nina Zander at Clarence my loves. Sana nga makapasok silang lahat.

Narinig ko namang pumito si coach at nagsabi na break-time muna.

"Ah saglit lang guys.." nagpaalam muna ako sa kanila at kinuha ko yung basket ko.

"Ano yan? Magbebenta ka ng balot? Wala pang alas-sais ah.."

*boggsh!*

"Aray!"

"Hindi ako magbebenta ng balot Zach. Tubig ang laman neto oh.."

"Oh, eh bakit kailangan may batok ako?"

"Wala lang, trip ko eh.. :P" umalis na lang ako doon at pumunta sa mga alaga ko. hahaha! Alaga talaga?

"Oh, tubig, tubig kayo diyan.." sigaw ko.. Parang tuloy nagbebenta ako ng mineral water.. hahaha! Not bad..

Narinig ko namang nagtha-thank you sa akin lahat ng players.Kaso, umeksena naman si Rosy.

"Guys, meron rin akong prinepare na snacks. Macaroni salad."

At ayun po, kung nasaan ang pagkain, doon lumalapit ang mga taong gutom.

Bukas nga, magbake ako ng cookies? Hehehe, para naman may makain sila kasabay ng tubig nila. Hindi yung puro chichirya at luto (luto nga ba?) ng babaeng pato na ito.

Yupz, tinatawag ko na siyang red lips pato. Paano ba naman, naiiwan ang pwet kapag naglalakad.. hahahha! I'm so bad.. XD

"Hello?Ha?! Ano?!"

Napatingin naman ako sa may likod ko. Makasigaw? Daig pa ang loud speaker ng phone.

Napansin ko ring agad-agad na umalis yung lalaki. Teka, may practice pa ah. At saka hindi na siya nakapagpaalam kay coach or sa kahit na kanino pa mang kasama sa team. May emergency kaya?

"Besty, hoy.."

"Besty, ikaw muna proxy ko for today.." ang sabi ko kay Pat at ibinigay yung basket ko with water bottles. Nag-aalala lang kasi ako. Ewan ko ba, may pagkahighest level kasi ng insticts ko eh.

"Teka lang hoy!" hindi na ako lumingon pa sa besty ko.

"Ah, so ikaw pala ang water girl namin.." narinig kong sabi ni Zander.

Hindi ko na pinakailaman yung LQ nilang dalawa. Umuna na ako at kinuha yung wallet ko. Kailangan kong maabutan yung lalaking iyon. Responsibilidad ko pa naman siya..

I'll bet (Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon