Chapter 6 ~ Coach

32 2 2
                                    

Chapter 6 ~ Coach

Mitzy's POV

"Pat, dali! Ayun sa source ko, dito natin makikita yung coach ng basketball team!!"

"Huh? Sino naman ang source mo?"

"Edi si Zander. Dali na ah.."

Patakbo kaming pumunta sa likod ulit ng faculty room. Sabi kasi ni Zander, may tambayan daw ang coach nila dun. May mini basketball rin kasi. Minsan, nandun daw yung coach nila naglalaro.

"Ayun!!"

"Besty, hinay-hinay.."

I hurried up para pumunta sa coach nila.

"Coach! Coach!!"

Napatigil siya sa attempt na pagshoot niya ng bola at tumingin sa direksyon ko.

"Gusto ko pong sumama sa team."

"Well, babae ka.."

"Yun na nga po! Gusto ko pong maging manager ng basketball team!"

"Manager?"

Nilapitan ko si coach kahit na hinihingal pa ako. Ang mukha niya, sobrang bata pa. Matangkad at maputi. Ang gwapo rin niya! Totoong lahat ng mga gwapo sa school, nasa basketball team!

"Coach! Please naman po oh, mag-open kayo ng managerial spot sa basketball team. Nagready pa nga ako ng resume ko. May 2x2 picture pa diyan. Pati application letter meron ako." Iniabot ko naman yung mga dala ko sa kanya.

Tinanggap naman niya neto yung mga papeles ko. At saka binasa.

"Hmm, Michelle Lee.. ang totoo niyan, kailangan ko nga din ng—"

Hindi ko na siya pinatapos pa magsalita.

"Oh, eh, kailangan niyo pala coach. Sige na.. tanggapin niyo na ako. Masipag po ako, di pasaway! Sige na po."

"Pero kasi.. may isa ring nag-apply sa akin.. Nagtataka na nga ako kung bakit nagkakaroon ng balita na naghahanap kami ng manager.."

"Po?! Kelan po? Sino po yung nag-aapply? Babae po ba?"

"Um, yeah.. babae rin. Hay, hassle ito kapag hindi pa kami nakahanap ng manager. For sure, dadami ang mag-aapply. Sasakit nanaman ang ulo ko sa mga babaeng iyon. Michelle, mamaya sa practice, pumunta ka.."

"Sige po! Anong oras?"

"Mga 5. Kakausapin ko kayong dalawa."

"Besty.. hay, hiningal ako! Bakit mo ba ako iniwan!"

And that gave me  bright idea!

"Coach, kasama rin po siya!" sabay hila ko kay Patricia na hingal kabayo.

"HUH?!" sabay nilang sabi.

"Mag-aapply po kaming dalawa! :D"

Napabuntong hininga naman siya. Bakit, hindi naman madami ang tatlong nag-aapply ah..

"Fine, be there at 5."

"Sige! Nice meeting you po pala Coach.." hindi ko maituloy kasi naman, tanga po ako. Mag-aaply ako ng di ko alam ang pangalan ng coach ng basketball team!

"Renzo.. Renzo Zafra."

"Ah, nice meeting you po coach Renzo (^__^)."


I'll bet (Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon