Chapter 1 ~ Meeting my Besty!

87 2 0
                                    

Chapter 1 ~ Meeting my Besty!

Patricia Rina Yu's POV a.k.a Pat

Inhale! Exhale! Woooh! Kaya mo ito Pat! Kering-keri ito!

"Class, let us welcome our new student, Patricia Rina Yu."

"ha-hi!"

Yes, start ng school year ko ngayon bakit pa kasi naisipan na pag-paaralin pa ako rito sa Pilipinas! Ni wala nga akong kakilalang ibang tao rito! Nakakainis! At naisipan pa nilang August ako sa month na ito pa-enrollin ng parents ko!

Like hell! What's wrong living in Canada! Okay naman ako dun. Okay naman kami ng family ko. We don't have any financial problems. In fact, this is all business. Porket nandito ang business partners ng family ko, dito na rin nila ako ibinagsak!

"Wow! Hi miss! Ang cute mo!"

"Miss, dito ka ng umupo oh!"

"Miss, imported ka ba?"

"Wooh! Pick-up line mo! Hahaha!"

Sabay tawanan nilang lahat. I hate this.. I hate being left out. Buti pa sila, nakaadjust na sila sa isa't isa. Me, newbie.

"Class, silence. Miss Patricia, just feel at home. Sa tabi ka na lang ni Miss Lee umupo."

Huh, sure, feel at home. I'm freaking miss my real home not this.

"Miss Lee? Asan si Miss Lee?"

"Ma'am hindi na kayo nasanay sa kanya, late naman palagi yung isang iyon eh!"

Sabay tawanan nila ulit.

"Hay, mauubos ang puting buhok ko sa kanya. Sinabihan ko na siyang wag magpapalate. Mabuti at nakakahabol pa yung batang iyon sa lessons. Miss Yu, pasensya ka na, mukhang wala pa yung seatmate mo. Dun ka na lang.."

Sabay turo niya ng seat ko. Like I care kung sino mang Miss Lee na iyon. She's tardy. She doesn't know the word responsibility. Hindi pa siya pumapasok sa tamang oras? Anong klaseng estudyante siya?

Nagstart ng magcheck ang teacher namin ng attendance.

"Miss Lee?"

"PRE-PRESENT!!"

Nabigla na lang ako nasa tabi ko na yung Miss Lee. Humihingal pa ito. Halatang nagtatakbo para hindi lang malate.

"Lumusot ka nanaman ba dun sa gate?"

"Ma'am at least hindi po nahuli sa roll call ninyo!"

Sabay tawa nanaman nilang lahat. What's with this girl? Bakit napapatawa niya ang buong klase? Is she the class clown? Like I care..

"Ok class, blah blah blah.." my teacher started to teach the lesson. But I merly listen. Bakit? Because I already know what's she's teaching.

"Hey. New student? Hi! I'm Michelle Lee. You can call me Mitz or Mitzy para mas cute! ^__^v"

I didn't even budge to take her handshake. I don't want to involve myself sa kanila. Ayaw ko sa kanila, lalo na sa isang ito.

"Ay.. wait, oh.."

Sabay abot niya sa akin ng.. What's that? Empanada?!

"Hehe, binake ko yan kanina. Masarap yan. May Pineapple tibits at sauce sa loob. Nilagyan ko rin ng honey. Sige na try mo."

I'll bet (Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon