Chapter 8 ~ Dyalalay anels

30 1 2
                                    

Chapter 8 ~ Dyalalay anels

Mitz's POV

Pigilan niyo ako, talagang isusubsob ko ang pagmumukha niyang Rosy na yan!

Paano ba naman, daig pang makalapit ang mga libag kay Clarence my loves! Isa pa, hindi naman niya ginagampanan ang maging isang manager. Tanging ginagampanan niya, pagiging suluhot ni Clarence my loves.

"Mich, pengeng tubig.. sa iyo na lang daw ako humingi sabi ni Rosy.." sabi ng isang player nanagkakamot pa ng ulo niya. Nahiya siguro nung nireject siya ni Rosy.. Gwapo rin, pero mas gwapo si Clarence my loves.

Iniabot ko naman yung bottled water na binili ko kanina. Syempre, from basketball team's food budget galing yung pera. Pinahawak na sa akin ni Coach Renzo. Ano kayo? Ako manlilibre? Siguro minsan, pero madami ang mga ito at araw-araw pa, di kaya ng 100 pesos kong allowance for a day.

"Pakuha rin ng towel ko." sabi naman ng isa pang player sabay turo dun sa towel sa gilid. Umupo siya at saka nagpahinga doon sa bleacher. Iniabot ko naman yung towel

"Pwedeng pabili ng snacks? Or kahit gatorade man lang.." sabi naman ng isa pa.

Arrgh! Ok lang naman maging utusan eh, para naman ito kay Clarence my loves, pero bakit ako na lang ang gumagawa ng mga ito? Si Rosy, ayun, cheer lang ng cheer kay Clarence. Gusto ko ring magcheer eh.. (T__T) pangarap ko yun..

"Ah, sige bibili na lang ako  ng gatorade.. may ipapabili pa ba kayo?" tanong ko ulit sa mga iba pang players. Syempre, di naman ako katalinuhan sa pagmememorize kaya naman may handy dandy notebook ako :D

Inilista ko na lahat yung mga pinapabili nila. May mga ilang chichirya at karamihan gatorade. Ano bang meron sa gatorade?

Pero bago ako umalis..

"Hoy, Rosy libag.." tawag ko sa kanya sabay lapit sa malditang ito.

"Huh? What did you call me? Libag? Unbelieavable." mahina niyang sabi. At nagcross arms. Ayun nanaman ang right eyebrow niya, nakataas. Ahitin ko kaya ang isang iyan.

"Yeah, you're so libag..(kapit ng kapit at umaaligid sa Clarence ko..) Anyways, may pinapabili ang team. Samahan mo ako." sabay pakita ko ng mga listahan ng bibilhin.

"Ayoko nga, ang layo ng lalakadin natin papuntang seven eleven. Ikaw na lang kung gusto mo."

"Eh, tatawid lang naman. Tapat lang naman ng school natin ang seven eleven."

"Yun na nga, ayokong mapagod. Mas ok ng nandito ako para may magcheer sa kanila habang ikaw, gumagawa ng mga gawaing pang manager talaga. I'm here to cheer up Clarence. Yun lang, hindi ko pinangarap maging utusan. I have many maids in our home. Ako ang naguutos at hindi inuutusan. Gets mo?"

Ah.. RK.. Rich kid din naman ako ah.. Di nga lang sanay umutos ng iba.

"Gets ko.. diyan ka na nga. Nasasayang lang ang oras ko. Kung bumili na lang sana ako.." sabi ko sabay alis.

Asan kasi si Besty.. Nilingon-lingon ko yung paligid. Ayun, nasa may gilid pala ng bench.

"Hi, kanina ka pa?"

"Malamang. I'm ssssoooo bbbbooorrrred! Alam mo bang binibilang ko na lang yung shinoshoot nilang mga bola sa court? Pwede na ba akong umuwi? Magfafive thirty na.."

"Eii! Samahan mo muna ako. Meron kasi silang pinapabili sa akin."

"Fine. After nun, aalis rin ako."

I'll bet (Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon