Chapter 11

2.9K 130 2
                                    


     Zenon

     Present Time

        I can't stop staring at the dark sky full of sparkling fireworks. New Year has come and everything is working well.

      Matapos mailagay ni Sentorio ang bug sa system ng Itivata during the times na nakikipagmeet kami sa office ni Levi ay unti-unti ding nagiging magaan ang kanilang loob samin. Not knowing what really lies ahead of them.

     Nakangiti ako ng mapait as I drink the vodka on the glass I was holding. Every moment na nakikita at nakakasama ko si Levi ay nagbibigay sakin sa halo-halong emosyon. He always look at me and observe me. Eversince we known each other, ganun na siya tumingin sakin. Inoobserbahan niya bawat kilos ko which is making my job harder.

    The fact that it was torture seeing the man I once loved so much, just stare at me and act like he never did anything wrong. Kahit kailan, hindi ko makakalimutan ang pang iiwan niya sakin noon. The way we planned our lives and then he just jumps off the ship.

   My phone suddenly vibrated at nakita ko agad kung sino ang nasa screen.

    "Hey Dad.. Happy New Years!" masaya kong bati sa taong nasa kabilang linya.

     "Happy New Years Z! I wish you were here with us. Its not the same without you here." sagot ni Dad sakin. Alam kong hindi siya sanay na ganito ako kalayo sa kanya.

   Kahit noong nasa US pa ako, hindi ako lumayo ng aking tirahan sa bahay ni Daddy at Tito Robin, ang asawa niya.

      "Dad.. You know how much I wanted to be with you. Pero mas importante ang misyon na'to. And to just move on and live my life again." tangi kong nasabi sa aking ama.

       "But it is not the mission that you are after. I know its about vengeance and I never raised you to be a hateful person, Zenon." may kunting galit sa boses ni Dad na hindi ko na pinansin.

        "I was raped, Dad. And you know it was one of them who let that horrifying thing happen to me! Ilang taon din akong nakulong sa takot at kahihiyan."

       Isang buntong hininga lang ang narinig ko sa kabilang linya. Alam kong pilit akong nilalayo ni Dad sa galit na aking nararamdaman pero hindi na ito mawawala pa. Hangga't hindi nagbabayad ang lahat ng gumawa sakin ng kababuyang hanggang ngayon ay sumasakop parin sa pagkatao ko.

      "You don't know if it was them. Malakas na kalaban ang binabangga mo Zenon. You are a CIA agent at kapag nalaman ng Federal Government na ginagamit mo lang ang posisyon mo para maghiganti, I can't imagine what they will do to you. I want you to know that."

    Napatiim bagang nalang ako sa sinabi ni Dad. Alam ko ang pinasok ko at handa ko nang panindigan yun. Magbabayad ang dapat magbayad. And not even my father can stop me from doing that.

     "I have to go Dad. May importante pa akong gagawin. I love you." sabi ko nalamang bago ko putulin ang tawag at nagpatuloy ako sa pagmamasid sa nangniningning na langit.

      Ngayong napasok ko na ang kampo ng aking kalaban, wala nang atrasan. I have to make them pay. Kapag nasira ang kanilang kompanya, masisira din ang lahat ng pinaghirapan nila. And that's the time Zenon will come and dig their graves.

   December 2011

         I can't believe that in a few months, matutupad ko narin ang pangarap ko na makapasok sa CIA Academy. Alam kong isang napakalaking ambisyon ang pasukin ang mundo ng military intellegence. Pero ito ang gusto kong gawin sa buhay ko. It is a fulfillment I've always wanted.

Ambitious Series: Zenon (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon