Chapter 21

2.5K 128 10
                                    


     January 2012

       "Luckily, the bartender remembered you that night. And kilala din niya ang mga nakasunod sa'yo that night. They were regular costumers at that bar. Pero hindi tayo sigurado kung ang grupo ba ng kalalakihang iyon ang dumukot at gumahasa sa'yo that night."

    Pagpapaliwanag ni Conrad. Ang investigator na kinuha ni Daddy para sa pagkakatrace ng mga taong gumahasa sakin. Kailangan kong malaman kung sino ang nag-utos  sa kanila na gahasain ako. My stare was on his aging face at para bang naiintimadate din siya sa pinapakita kong pagkagalit.

      "I am sure that they came out of the bar at sinundan nila ako. May nag-utos sa kanila na gawin sakin ang lahat ng 'yun. Someone payed them. At yun ang dapat kong malaman." mariin kong saad sa matanda na napatango naman sa aking mga sinabi.

   May ilinabas siyang isang envelope mula sa kanyang coat at inilatag niya ito sa mesa. Agad ko namang dinampot ito at agad ko itong binuksan.

    Isa-isa kong binunot ang mga larawan at pawang mga kaedaran ko or a littel bit older than me ang mukhang lumalabas dun. May mga stolen shots pa ng kanilang mga ginagawa nang magkakasama sila at mga larawang mag-isa lamang sila.

   Agad kong tiningnan ng mabuti ang mga mukha nila.

   "Denver Alejo, Simon Gaitan, Lucio Francisco at Horace Magnapat."

      Napatingin ako kay Detective Conrad at para bang inaasahan ko na ang mga susunod niyang sasabihin.

     "Those were the guys na nakita ng bartender na sumunod sa'yo nang lumabas ka ng bar that night. At wala nang ibang grupo pang sumunod bukod sa kanila. So it narrowed down to these four men."

    Pinagmasdan ko ng mabuti ang mga mukha nila at wala sa kanila ang kilala ko. Wala sa kanilang may tumatawag ng pangalan nila nung hinahalay nila ako. Lahat sila ay malalaki at good-looking guys. Hindi ko akalain na ang mga tulad nila ang gagawa sakin ng kahayupan na 'yun.

    Sinusuri ko ang bawat detalye ng mukha nila at para bang automatic na prinoseso ng utak ko ang lahat ng ito at hindi na sila mawala sa isipan ko. Nangingibabaw nanaman ang galit ko at ang pagkamuhi ko sa mga taong nagwasak sa buhay ko.

    "I want to know more kung sino sila. Alamin niyo kung sino ang mga pamilya nila at alamin mo rin kung may kinalaman sila sa mga Ravasi o sa mga Eclesia."

    Utos ko kay Detective Conrad at napatango naman ito.

    "I will do what I can. And please, don't do any actions na maaring ikapahamak mo pa lalo. Kaibigan ko ang Daddy mo at ginagawa ko rin ito para sa'yo. Para makuha natin ang hustisyang nararapat para sa'yo Zenon." may pag-aalala sa boses niya na tinanguan ko lang bilang tugon.

   Hindi ito ang panahon para maghiganti ako sa kanila. Mahina pa ako at aaminin ko, natatakot parin ako para sa buhay ko. At oras na malaman ko kung sino talaga ang may kasalan ng lahat ng ito, sana handa siya sa kaya kong gawin.

   Dodoblehin ko ang sakit na idinulot niya sakin. Mararanasan niya kung paanong magalit ang isang Zenon Versales.

    Nagpaalam na sakin si Detective Conrad at agad ko namang tinawagan si Daddy upang ipaalam sa kanya na handa na akong sumama sa kanya papunta ng States. Hindi ako matatahimik at makakagawa ng plano kapag nanatili lang ako dito sa Pilipinas.

   I have no choice but to leave the country. Tuparin ang pangarap kong maging CIA Agent at maghintay ng tamang panahon upang bumalik dito at isagawa ang lahat ng aking plano.

Ambitious Series: Zenon (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon