Chapter 27

2.4K 139 8
                                    


       The look in Levi's eyes was the only thing on my mind. Habang nakatutok sa ulo niya ang baril ni Sentorio. He looks helpless but I stayed calm. I need to do something. Hindi pwedeng madakip nanaman kami at mas lalong liliit ang chance namin na makaalis dito ng buhay.

     "I said, put that fucking gun down, Versales." sigaw ni Sentorio pero hindi ako nagpatinag sa kanya.

     "Matigas talaga ang ulo mo. Well, wala akong choice but to give you what you want."

    Akmang kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril niya, nang mabilis kong dinamba si Zenon at tuluyan silang natumba ni Sentorio. Agad akong napabango at tinadyakan ang kamay niya, dahilan upang mapasigaw siya sa sakit at nabitawan niya ang hawak niyang baril.

    Inabot ko ang kamay ni Levi at agad ko siyang sinenyasan na tumakbo patungo sa kaliwang bahagi kung saan may nakikita akong isang silid. Wala na siyang nagawa pa kundi sundin ako. Kaligtasan namin ang nakasalalay dito at walang oras para gumawa ng kalokohan.

    "Hayop ka!! I'm gonna make you pay for this." hiyaw pa ni Sentorio bago siya napatayo at agad akong sinugod. Isang malakas na suntok ang agad niyang ibinato saking mukha. Napaatras ako dahil sa lakas nun. Pero hindi sapat para masaktan ako. Napangisi lang akong tumingin sa kanya.

   "That should be my line, Sentorio." saad ko sa kanya bago ko pakawalan ang isang malakas na suntok na tumama rin sa kanyang mukha.

     Dumugo agad ang kanyang bibig at para siyang nahilo sa lakas ng suntok na binitawan ko. At hindi pa ako nakuntento. Inabot ko ang ulo niya at saka ko siniko ang kanyang likuran dahilan upang mapasalampak siya sa sahig at namilipit sa sakit.

     "Hindi mo alam kung paano ako magalit, Sentorio. Babaliin ko lahat ng buto mo sa katawan, before I kill you." bulyaw ko dito at hanggang ngayon ay gumugulong parin siya sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman nito.

    "Yahhh!" sigaw niya at akma niyang hahablutin ang mga paa ko pero nakaiwas ako at mabilis kong tinadyakan ang isa niyang hita at narinig ko ang pagcrack ng buto niya doon.

     "Haaaaaa!!!" nakakabinging hiyaw ni Sentorio at kahit alam kong anumang oras ay darating na ang mga tauhan ni Alvin dito ay hindi ko tinigilan ang pagpapahirap kay Sentorio.

    "You deserve this. For betraying the Federal Government. For compromising our mission. At sa pagiging tuta mo kay Alvin." mahina kong sambit sa kanya.

    Kinuha ko ang baril na nasa sahig. Itinutok ko ito sa kanya at nakita ko ang pagkawala ng kanyang tapang.

    "No-- No please, maawa ka sakin." umiiyak niyang pakiusap sakin but I have no time for mercy.

     "Zenon!!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

     Napalingon ako sa aking likuran at isang baril ang nakatutok sakin. Baril na hawak ni Alvin. Kita ko ang kanyang hilakbot at nanginginig pa siya sa pagkakahawak niya ng baril.

     "If you make any move, I will shoot you." mahina pero madiing banta ni Alvin sakin habang palakad siyang lumalapit.

    "Then go ahead.. Shoot me now, Alvin." nakatawa pa ako and I opened my arms wide na tila ba hindi ako natatakot sa kung ano mang gagawin niya.

     "Don't--- Don't make me do it, Zenon!!" sigaw pa niya sakin but I just laughed at him.

     "I am giving you the chance to shoot me. Tapos ayaw mo namang gawin? Bakit? Kasi mahal mo ako?" panunutya ko pa sa kanya. Kita ko ang pagkiskis niya sa kanyang mga ngipin at ang galit na niyang mukha.

    "Oo!! Dahil mahal na mahal kita! At kahit kailan, kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo. Pero ang nakikita mo lang ay si Levi!! Si Levi ang bukambibig mo! Si Levi ang magaling. Si Levi ang nagpapasaya sa'yo." sigaw niya sakin habang nakatitig parin ako sa kanya.

Ambitious Series: Zenon (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon