Chapter 15

2.5K 124 2
                                    


   December 20, 2011

     It's been four days since that night.  Parang sirang plakang paulit-ulit na nagrerewind sa isip ko ang gabing tinapos ni Levi ang sandaling kaligayahan na aking naramdaman. I don't know what I was doing. Nakakulong lang ako sa aking kwarto and everything is just a mess. Para akong nawawala na sarili ko. The pain and the regrets that I am feeling right now is overwhelming.

   Bakit kung kelan ko piniling magmahal, doon pa ako masasaktan ng sobra?

    The maids were worriedly calling me from the outside. Nasa France pa si Daddy for a conference at sigurado akong kapag nalaman niya ang nangyayari sakin ngayon, he will drop that conference and buy a ticket back home. Lalo na ngayong wala din akong phone. Mag-aalala siya ng sobra.

    "Sir Z!! Please naman oh?! Buksan niyo na ang pinto. Nag-aalala na kami sa'yo!" pakiusap ni Nanay Lucy, ang katiwala ni Daddy sa pamamalakad ng bahay namin.

    "I don't want anyone.. Just leave me alone!!" sigaw ko at nagpatuloy lang ako sa aking pagluha.

   Ilang araw na ba akong ganito? I am a mess. But I don't have anything in mind but that night. The night Levi left me in that pouring rain.

    May malakas na mga katok akong narinig..

   "Zenon!! Anak!! Open the door!!" sigaw ni Daddy. Just as I thought. Uuwi siya para lang masiguradong okay ang kalagayan ko.

    May narinig naman akong click mula sa pinto ng aking kwarto. Dad is the only one who has the key to my room.
 
   Bumukas ang ilaw at alam kong nagulantang si Daddy sa kalagayan ng kwarto ko.

    The once organized and clean room is now a nightmare to look at.

    "Oh my God Zenon!! What is happening?" sambit ni Daddy nang makalapit na siya sakin sa aking kama.

    "Dad.. Dad.. I don't know what to do anymore.." nauutal ako sa pagsasalita at agad naman akong kinabig ni Daddy para yakapin.

   Napahagulgol ako ng iyak sa kanyang balikat. The pain is just intense at parang hindi na ito matatapos.

     "Sabihin mo sakin.. What happened!?" alo ni Daddy sakin habang hinihimas niya ang likod ko.

    "Dad--- Levi just--- He ended our relationship.." hindi ko alam pero nasabi ko na ng tuluyan sa aking ama ang nangyayari sa pagitan namin ni Levi.

   "You what? Anong sinasabi mo? Levi? The one you are hanging out with?"

     Napatango ako sa mga tanong ni Daddy pinaharap niya naman ako agad sa kanya.

    "But I thought that you were just friends? Ano bang kalokohan ang ginawa niya? Did he forced you to do something?" naguguluhan parin si Daddy sa mga nangyayari at umiling lang ako.

     "I knew that guy is trouble. Unang tingin ko palang alam ko nang walang magandang idudulot sa'yo ang batang 'yun.."

    "I love him Dad.. I love Levi." mahina at lumuluha kong tugon sa aking ama na napapailing nalang sa aking nasabi.

    "Are you crazy? Alam mong straight siya! And to make things worst you told me na may girlfriend siya!!" galit na ang tono ng aking ama that made me think na hindi niya ako maiintindihan.

    "Nakipagrelasyon ka sa taong alam mong may relasyon? Ano bang nangyayari sa'yo anak? Hindi kita pinalaki ng ganito!" he is disappointed in me and I get that. The last thing I wanna hear from him now is 'I told you so'
    
     "Dad--- He loved me. Alam ko 'yun. Naramdaman ko kung gaano niya ako minahal. That whole week na naging kami, it was the greatest moments of my life." natatawa at naluluha ako na parang ewan. Nababaliw na nga siguro ako.

Ambitious Series: Zenon (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon