Prologue

12 0 0
                                    

Umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa Jollibee.

"Pot, mag order kana."

Ngumiti naman sa akin si Pot saka ako umupo sa isa sa mga upuan dito.

Walang nag bago dito sa Jollibee na 'to ganito padin simula nung nirenovate.

Nakatingin lang ako sa mga sasakyang dumadaan nang tumugtog yung intro ng isa sa mga kantang nakakapagtulala sa akin.

San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa
Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na nang di makawala


Napatitig nalang ako sa speakers malapit sa tabi ko saka ko hinawakan yung dibdib ko, it's been 5 years since I last heard this song.

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananaliting nasa piling mo
Mundo'y magiging ikaw


Three piece na sila dito. Sigurado ako.

Wag mag aalala kung nahihirapan ka
Halika na, sumama ka
Pag masdan ang mga tala


Araw araw ko pa namang naririnig 'tong kantang 'to noon, alam na alam ko bawat version neto. Mula nung live version hanggang sa last revision nila. Alam na alam ko.

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananaliting nasa piling mo
Mundo'y magiging ikaw


Napapikit nalang ako nang nagsimula nanamang mag sibalikan ang mga ala alang binaon ko na sa limot.

Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw


It's been 5 years since I last heard his voice. Ang bigat sa dibdib. Napapikit nalang ako habang pinapakinggan siya.

Parang pinipiga yung puso ko, sa pagpikit ko nakikita ko yung itsura niyang sobrang passionate na naggigitara, naka ngiti habang tinutugtog 'to.

"Hindi na maliligaw." Napa mulat naman ako nang makita ko si Pot sa harap ko.

"Oh, Mi, emote emote lang dyan?" Natatawang sabi niya.

"Hindi 'no. Ano kaba. Inaantok lang." Pagpapalusot ko sa kanya.

Binaba niya naman yung inorder namin sa table saka umupo sa harap ko.

"Hindi na maliligaw~" Pag sabay niya uli sa kanta.

Napatitig nalang tuloy ako sa kanya. Alam niya 'tong kantang 'to? It was release bago pa siya pinanganak ha!

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo~ Sa pagbalik, mananatiling nasa piling mo~~" Napalingon siya sa akin sabay tinakpan bunganga niya.

"Sorry Mi. Bawal pala kumanta habang kumakain. Hehe. Ang ganda kasi nung kanta Mi." Saka siya ngumiti ng malawak.

Gusto kong sabihing, 'oo Pot, maganda talaga yang kantang yan' pero hindi ko sinabi, ngumiti nalang ako sa kanya.

"Alam mo ba Mi, ang ganda nung mga kanta nila, pinapatugtog ko pag gabi yung Captivated at I Ain't Perfect." Naka ngiting kwento niya sa akin habang kumakain.

Ako din Pot, ako din, pinapakinggan ko noon gabi gabi mga kanta nila.

"Tapos Mi, cool yung name ng banda nila, IV of Spades. Tapos tatlo lang naman sila. O'diba? Kaso matatanda na sila e."

Apat sila dati. Tapos wala naman yung four dun kasi nabunot lang niya yun. Matanda? Ka age ko lang siya, matanda na din ako Celestial??

"Hindi ko nga alam kung bakit gusto ko sila e ang old na nila tapos may ibang music nama--"

"Celestial, kumain ka na muna ta nag mamadali na si Papa mo." Sagot ko sa kanya.

Yumuko naman agad siya saka sumubo ng kanin.

"Galing din nung lead guitarist nila!" Mabilisang sabi niya saka nag tongue out sa akin.

Umiling naman ako sa kanya.

Alam ko Celestial, magaling talaga siya.

Siya kaya yung pinakamagaling na gitaristang kilala ko.

***

Inunpublish ko siya before kasi nag iba ako ng name ng characters and the story line thou may mga scenes padin na parehas pero it will be a flashback story. Naisip ko siya habang kumakain ako tapos pinapakinggan ko mga kanta nila, what if 30 na ako, tapos maiisip ko nalang, wow, ganito pala ako nun. Hahaha. Yun lang. Okay. Enjoy!

I Ain't PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon