"Friend. Tara sa Tuesday ha! IV of Spades yun." Pag aaya ni Veron sa akin.
IV of Spades? Yung kumanta ng Where Have You Been My Disco? Napapanood ko sila nung nanood ako ng Myx Daily Top Ten.
"Sure. Basta sa boarding niyo ako matutulog ha." Pag sang ayon ko sa kanya. Wala namang mawawala sa akin.
**
Pag kauwi ko sa bahay, nag open ako ng Youtube para pakinggan mga kanta ng IV of Spades.
Alangang manood ako ng concert nila ng wala man lang akong alam sa mga kanta nila diba??
"Ahhh! Sila kumanta nung Mundo!" Familiar din 'tong kanta na 'to! Napapakinggan ko na lagi. Sila pala kumanta.
Napapahead bang nalang ako habang nakikinig ng Hey Barbara.
"Disco! Disco baby!" Pagsasabay ko sa kanta.
Wow. Mga teenagers tapos ganito ang tugtugan. Ibang iba sa mga love songs na nirerelease ng mga ibang banda. Sila lang ata yung nag release ng ganito to think na 2018 na oh!
Pinakinggan ko lang mga kanta nila pero tinamad na din ako, parang apat na kanta lang napakinggan ko.
**
"Azi, dali naman oh!" Sigaw ni Veron sa akin. Mamadali fren? E ilang performance pa naman bago yung Spades e.
"Kalma."
"Kailangan nating pwumesto sa harap!" Excited na sabi niya. Habang hinihila ako sa sakayan ng jeep.
Nagpahila nalang ako sa kanya kasi alam ko namang hindi na siya papapigil pa.
Pagkaupo namin sa jeep, nagbayad na din agad kami para iwas istorbo mamaya.
"Veron, nabasa ko pala yung announcement nung page nung IVOS, wala na si Unique? Diba yun yung vocalist nila?" Lumungkot naman yung mukha niya saka dahan dahan siyang tumango.
"Oo. Kakaalis niya lang. Nakakalungkot nga e."
"Siya lang kilala ko, siya pa yung umalis." Bulong ko. Totoo naman kasi. Si Unique lang kilala ko, basta yung vocalist siya. Yon na yon.
Narinig pala ako ni Veron kaya nilabas niya phone niya saka pinakita yung picture nilang apat. "Itong kulot, yan si Zild. Yan yung bassist nila tapos kumakanta siya. Baka siya kakanta mamaya. Tapos itong gwapo, lead guitarist nila, alam mo yung malupit na guitar solo sa Mundo, siya tumutugtog dyan, yan si Blaster. Tapos yung drummer nila, ito, si Badjao. At kilala mo naman na si Unique." Tumango tango naman ako.
BINABASA MO ANG
I Ain't Perfect
RandomDamn Blaster Mitchelle Medina Silonga! Matagal ko nang iniwan lahat ng magpapaalala pa sa akin sa lalaking yun. Even if it means turning back from the family I always loved. Pero mapaglaro nga talaga ang tadhana.