Gusto ko ng umuwi kaso naalala kong yung car ko pala nakapark kung nasaan sila. Kaya heto ako naglalakad pauwi. Leche.
Ano bang ginagawa ng mga yun dito sa Pangasinan? Bumalik na sila sa Manila, hindi na nakakatuwa.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
"Azi, tara, bili tayo ng pagkain netong tatlong 'to!" Pag aaya ni Gelo sa akin. Tumayo naman agad ako.
Tinignan ko muna yung tatlo saka ako lumabas ng studio.
"Buti nakakaya mong byumahe weekly papunta dito sa Mandaluyong."
Tinignan ko naman si Gelo saka ngumiti. "Spades e. Fan na fan kaya ako ng mga yan tapos isa pa ako sa maswerteng nakakawitness nung pag gawa nila ng kanta. Sobrang priceless."
"Sinabi mo pa. Priceless talaga." Nakangiti ding sabi niya.
"At malaki offer ni Kuya Brian sa akin. Part time lang kaya okay na din." Nag tawanan naman kami. Totoo naman kasi. Malaking tulong yung sweldo ko kay Kuya Brian, hindi hassle.
Pagdating namin sa Jollibee. Nag order naman na agad si Gelo.
"Hmm. Isang C2 at sundae para kay Ter. Isang yum burger para kay Zild at dalawang C4 sa amin ni Badjao. Ikaw Azi?" Napatingin naman ako sa may menu nila.
"C2 na rin lang."
"Okay. Isa pang C2."
**
"Eto na g--" Pagkabukas palang ng pinto ng Studio sinalubong na ni Blaster si Gelo saka kinuha mga tinake out namin.
"Hoy Blaster. Kay Azi yung isang C2 dyan ha!" Paalala ni Gelo.
Lumapit naman ako kay Blaster para kunin yung C2 ko.
"C2 din pala gusto mo."
"Ikaw din gusto ko." Napakurap ako.
"Hahahahaha. Halla ka Ter, nainlove na ata sayo si Azi. Hahahahaha." Narinig kong sabi ni Badjao.
Ang tanga mo naman Azi oh. Anong sinasabi mo??
Nakayuko lang ako dito habang hawak hawak tong makasalanang C2 na 'to.
"Hoy." Saka pinoke ni Blaster yung cheeks ko.
"A-ahh." Whaaaaaah. Lupa, lamunin mo na ako ngayon din. Huhuhu.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
BINABASA MO ANG
I Ain't Perfect
De TodoDamn Blaster Mitchelle Medina Silonga! Matagal ko nang iniwan lahat ng magpapaalala pa sa akin sa lalaking yun. Even if it means turning back from the family I always loved. Pero mapaglaro nga talaga ang tadhana.