Chapter 2: The Present

8 0 0
                                    

"Pot! Ano ba tara na." Tawag ko kay Celestial.

"Mi. Mi. Mi." Saka siya nag pacute sa akin. Ahhhh. Ito na ba ang sinasabi kong kahinaan ko e.

"Oh, bakit??" Make a serious face Azimein. Make a serious face. Hindi ka papatalo sa batang yan.

Nagpout siya. "Mi, Jollibee. Gutom na baby monsters ko." Saka niya pinakita tyan niyang malaki saka nirub rub yun.

I remembered someone like that, sa elevator. Ahhh. Stop with the flashbacks.

"Halika na nga. Paano ba kita tatanggihang bata ka e ang lakas lakas mo sa akin." Niyakap niya naman leeg ko saka ako pinaulanan ng kisses sa mukha.

"Thank you Mi. Sabi ko na nga ba hindi mo matatanggihan charms ko." Saka siya bumitaw sa akin.

"Pasalamat ka talaga, mahal na mahal kita."

Nagdrive nalang ako papunta sa pinaka malapit na Jollibee in the city.

At kung minamalas ka nga naman. I hate going to this Jollibee. Haysts. Bakit ba kasi sa lahat ng Jollibee dito ito pa yung pinakamalapit sa school ni Celestial diba?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Day 1

Naglalakad ako papunta sa sakayan ng mafefeel ko ng naiihi na ako. Konting tiis nalang Azi malapit na ang Jollibee.

Pagdating ko sa Jollibee dare daretso akong pumasok sa cr. Haaaay.

Nung lumabas ako ng cr, may nakita akong tatlong weird looking na lalaki. Naka shades at cap kasi sila tapos naka face mask pa. Tinignan ko yung oras sa cellphone ko, 5:30 naman na. Wala ng araw. Bakit ganun sila kabalot?

Napagdesisyonan kong kumain muna, pumila ako, medyo madami ding tao dito kasi hapon na. Habang naghihintay nag open muna ako Instagram at Twitter. Viniew ko yung ig stories ng IVOS, uy, nasa Jollibee din sila. Kinikilig pa ako kasi meant to be. Hahaha.

Sakto kakatweet ni Zild ng "Welcome to the journey of finding yourself." Nagtataka ako kaya binalikan ko ig stories nila. Nahagip ng mata ko yung white na blouse at blue na palda sa ig story si Badjao. Inulit ulit ko! 😱😱

Nasa counter na ako ng marealize ko. Ako yung nasa ig story ni Badjao. Lumingon lingon ako sa paligid. Wala na sila sa pwesto nila kanina. Yung tatlong weird looking guy. IVOS yun. Sigurado ako.

Umorder muna ako ng fries at float. Pagkakuha ko ng order ko nilibot ko muna yung 1st floor, wala, wala sila, umakyat ako sa taas at ayun, andun sila. Pero may kasama na sila ngayon, isang babae, ang alam ko yun yung handler nila. Umupo lang muna ako sa may malapit sa hagdan.

Habang kumakain, naka abang lang ako sa social media accounts nila. Hindi kasi ako pwedeng magkamali, sila talaga yun.

Nung tapos na sila kumain, hindi na mapigilan ng fan girl feels ko, dumaretso ako sa table nila. Chance ko na 'to to have a photo with them, wala kasi last time diba?






"Dalian niyo at hinihintay na daw tayo ni Bri--" Lumingon sa akin yung handler nila nung napansin niyang nakatayo na ako sa tapat nila.

"Hi. Pwede papicture ako?" Lahat sila gulat na gulat.

"Miss, paano mo kami nakilala?" Tanong ni Badjao sa akin.

"Yung suot niyo kaya, sobrang weird na nakakapagtaka na and your ig story also Zild's tweet." Sagot ko naman. Nakangiti lang ako. Pigil na pigil na yakapin sila. Whaaaah~

I Ain't PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon