Binalik ko yung shirt sa loob sakto may nahulog na plastic spoon. Kinuha ko yun saka binasa yung papel na nakatape sa spoon.
February 21, 2019
Ice Cream with BlasterXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Nakahiga na ako sa kama ko, kinukuha yung tulog ko nung tumunog phone ko.
Sinong nilalang ang tatawag ng alas dos ng madaling araw?? (Wag kayong judger, alas dos normal na tulog ko due to my studies)
Tinignan ko yung number, unregistered naman.
Baka importante, swear sinong mag eeffort ng prank call ng 2am diba?
"Hello?"
"Hello." Said the familiar voice on the other line. Sino na ba kasi 'to? "Mein, I need to talk to you."
Napabangon naman ako nung marealize ko na si Blaster lang naman yung kausap ko sa kabilang linya.
"Ano? Okay ka lang?" Alalang tanong ko. His voice doesn't sound right. Halata mong may problema siya.
"Nandito ako sa Jollibee, kung saan mo kami nakita."
"What? Ha? Anong ginagawa mo dito Blaster?" Nag mamadali akong nagbihis.
"I need to talk to you. Ikaw lang pwede kong kausapin Mein."
"Teka, wag kang aalis dyan Blaster pupuntahan kita." Oh freak! Nasan ba kasi yung sapatos ko?? Wag na pala, okay na 'tong slippers.
"It's 2 in the morning baka mapaano ka pa, ako nalang pupunta sayo. Send me your address." Saka niya pinatay yung tawag.
Wala naman akong magawa kundi isend sa kanya yung address ng bahay namin.
Dahan dahan akong lumabas sa gate para hintayin si Blaster. Kumuha lang ako ng jacket kasi medyo malamig na din dito sa labas.
After a few minutes nakita ko yung black na sasakyan na pumarada dito. Nilapitan ko agad si Blaster pagkababa niya.
"Anong nangyari sayo?" Alalang tanong ko sa kanya.
Imbis na sumagot, niyakap niya lang ako.
Amoy alak siya. Wag mong sabihing nag drive siya nang naka inom.
"Blaster." Saka ko sinilip yung mukha niyang nasa balikat ko.
"Anong nangyari sayo? Bakit ka nandito? Blaster, hindi ka umiinom kasi acidic ka, bakit ka uminom ngayon?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang pinapatayo siya ng maayos sa harap ko.
Tinignan niya ako ng seryoso. "Wala na kami ni Crystal."
What?
Kumurap kurap ako sa kanya.
Ha?
Wala na sila ni Crys?
"Ha? Ano--ha, b-bakit?"
Bigla siyang nag indian sit sa harap ko. "Wala na kami ni Crystal."
Umupo naman ako sa tapat niya saka hinawakan yung pisngi niyang basa na ng luha. Yung pinaka makulit na person na kilala ko, umiiyak lang naman. "Bakit? Anong nangyari?"
Tumingin siya sa akin saka ngumiti. Ayaw ko ng ganitong Blaster. Hindi sad yung ngiti nung Blaster na kilala ko.
"Nag ayaw kami. Nagreklamo ako kasi lagi nalang siyang naghihinala, mag oopen ako ng social accounts ko kailangan nakikita niya pa talaga kung anong ginagawa ko. Parang wala na siyang tiwala sa akin. Nakakasakal na."
BINABASA MO ANG
I Ain't Perfect
RandomDamn Blaster Mitchelle Medina Silonga! Matagal ko nang iniwan lahat ng magpapaalala pa sa akin sa lalaking yun. Even if it means turning back from the family I always loved. Pero mapaglaro nga talaga ang tadhana.