4 A & B

2.5K 61 24
                                    

Arjo POV

Buryong na buryong na ako sa pa-auction plus pa-ballroom na charity event na ito pero hindi ko magawang umalis agad. Napagod na ang ulo ko kakalingon sa paligid para makakita ng chicks na pwedeng iuwi pero wala akong napala. Napabalik lang ang tingin ko sa kasama kong si Neri ng malakas niyang ilapag ang baso sa lamesa. Neri is the daughter of Chief Justice Cervantes. That doesn't stop me from getting into her pants pero supalpal ako sa dalaga. She became my friend instead. Masarap din kasing magkaroon ng kaibigang babae, they can keep me company from boring parties to clingy bedwarmers. We usually prefer each other's company in this kind of event, but not until I found someone I can fvck, then she's all by herself.

'Magkasama sa lungkot huwag lang sa ligaya. Kanya kanya na kapag meron na akong ikakama.' That's what I told her before na malakas lang nitong tinawanan.

"Whoa! Easy Ners!" Aniko ng biglang kinuha ni Neri ang inumin kong alak na nakapatong sa lamesa. Sinundan ko ng tingin ang tinititigan nito ng masama.

"Kilala mo ba siya?" Tanong ko ng makita ang matangkad na kayumangging lalaki. Gwapo ang binata pero di hamak na mas gwapo ako. I've never seen him before and usually I'm familiar with everyone's faces.

"I knew him from way back." Matigas na sagot ni Neri na ikinataas ng sulok ng labi ko. Alam kong may something, my instinct are always right when it comes to gossip.

"Ex mo?" I bluntly asked. She raised her eyebrow at me.

"Ang nosy mo!" She said that made me smirked but it quickly change into a grimace when I saw who's at the entrance hall.

Enemy spotted!

Natataranta akong nagtago sa likod ni Neri daig ko pa ang nakakita ng multo.

"Tangina! Hanggang dito ba naman sinusundan niya ako?!" Iritang aniko sabay silip malapit sa balikat ni Neri. Neri followed who I am looking at and there is a playful smile on her lips upon seeing the girl.

"Ex mo?!" Balik tanong sa akin ni Neri.

"Worst! Soon to be fiancée ko iyan!" Sagot ko na ikinatawa na ni Neri ng malakas. I know why she's laughing. Hindi ang tulad ni Andrea ang tipo ko ng babae. My type is more like her. Angelic face but oozing with sexyness.

"And the worst of the worst is... she's a lesbian! Tangina!" Lugmok na aniko sa babae na mas ikinatawa nito pagkarinig sa sinabi ko. Kulang na lang ay magpagulong-gulong ito sa pagtawa sa sitwasyon ko. Napasimangot ako sa tuwang tuwang dalaga.

"She's your karma, Arjo! Why don't we say hi to your fiancée!?" Pang-aasar na aniya na ikinahilamos ko ng mukha.

"Bully! C'mon! Before she sees us." Aniko sabay hatak kay Neri sa kumpol-kumpol na tao na nasa ballroom stage. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si mama na isinasayaw ni papa kaya agad kaming umiba ng direksyon hanggang sa umakyat na lang kami sa balcony. Nagpatangay lang sa akin si Neri.

Tinulak ko si Neri sa madilim na parte ng upper balcony na natatakpan ng makapal na kurtina habang hinahagilap ang pinagtataguan ko sa baba. At mula doon ay nakita ko si Ethan at Cass, Lemuel at Natasha, si Mama at si Papa, pati na din si tiboli at ang lolo niya.

Whatthefvck! Family reunion ba ito?! All present sila.

"Ano ba Arjo! Para naman tayong magnanakaw nito." Reklamo ni Neri.

"Shhh... Nasa paligid lang si mama at ayokong bigyan sila ng pagkakataon na pagsamahin kami ni Andrea! Paniguradong pipilitin nila akong isayaw ang tomboy na iyon." Pabulong na ani ko.

My Lesbian LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon