Arjo POV
I was about to leave early from the office ng makarinig ng pamilyar na tawa na nanggagaling sa opisina ni Natasha. Sumilip ako sa bukas na pinto niya para lang makita si Andrea na nakaupo sa lamesa ni Natasha habang si Natasha naman ay nakatunghay kay Andrea. They were laughing so hard. Kita ko pa ang paglapat ng kamay ni Andrea sa balikat ni Natasha. Mabilis ako napapasok sa loob. Hindi ko nagugustuhan ang nakikita kong paglapat lapat ng kamay na iyon ni Andrea kay Natasha.
"Nat, hindi ka pa ba uuwi? Sabay ka na sa akin." Aya ko kay Natasha pero nakatingin ako sa biglang nanigas na likod ni Andrea. I'm waiting for her to turn around so I could see her face. But she didn't even bother to look at me.
"Hey Arjo! May pinag-uusapan pa kasi kami ni Andy. Did you know that we were classmates in highschool at sabay din kaming nag-taekwondo class?" Ani Nat na ikinahipo ko sa medyo maga ko pa ding ilong. Taekwondo? Mukha nga!
"I'm sure nagagamit ni Andrea ang natutunan niya sa taekwondo class niyo." Patuya kong sagot na ikinataas ng gilid ng labi ni Andrea. Kita ko iyon sa side profile niya. Masakit pa din kasi ang ilong ko at hindi ko mapigilang magparinig sa may kagagawan non.
"Oh well, she's a black belter, I'm sure she can protect herself. Ako kasi brown belter lang." sagot naman ni Nat.
"No doubt. Baka nga excuse niya lang ang pumasok sa class na iyon. Lahat ba kayo doon girls? Oh, I mean ALMOST all are girls?" Patuya kong ani pero inignora lang ako ni Andrea habang pinanlalakihan ako ng mata ni Natasha. I know I'm attacking Andrea, pansin din iyon ni Natasha ng pandilatan niya ako but I don't care. My nose still hurts.
"Arjo! Stop teasing Andy na. Too bad it didn't work out with Cindy." Walang prenong ani Nat. Bigla akong kinabahan dahil kahit si Andrea ay napalingon na sa akin. Nakakunot ang noo niya. Ngayon kitang-kita ko na ang mapang-akusa sa mukha niya.
"Cindy." Rinig ko pang mapait na ulit niya. Why is she giving me that look?! Does she really wants to get rid of me so bad na gusto niyang agad akong magka-girlfriend at magpakasal?! I bet she would be so damn happy if I'm with someone else.
"Oh, I set him up with a friend, you don't mind right, Andy? It's a win-win naman sa inyong dalawa kung sakaling makahanap ng ibang pakakasalan itong si Arjo." Patuloy ni Nat.
"Oh really? So tell us, how's your date?" Napakunot ang noo ko ng nag-abrisiete pa si Andrea habang nag-aabang sa susunod kong sasabihin. Now I'm sure. She really wants me to get serious with someone, anyone. Does she thinks she can get rid of me that easily?
"Yeah, tell us what happened Arjo. I thought magugustuhan mo si Cindy, what happened ba?" Napangiwi ako sa pag-ungkat pa na iyon ni Nat.
"The date in Verdoux Hotel didn't went well. It was the same night that I had to rescue a girl that I knew from herself. So... I had to stay with my damsel in distress for a whole night. She needs me badly." Sagot ko sabay kindat kay Andrea. Kita ko ang agad na pagpula ng tenga niya sa sinabi ko.
Ano tameme ka ngayon?! Akala siguro ni Andrea hindi siya babalikan ng pang-uungkat niyang ito.
"Don't tell me may iba kang babaeng sinamahan at hindi si Cindy?" Kunot noong sita ni Nat.
"Yup. Parang ganon na nga. It was the best night of my life." Nakangising sagot ko na ikinapalakpak ni Nat habang pulang-pula na ang mukha ni Andrea.
"So you met someone else? Girlfriend mo na? Who is she?! Bakit hindi mo pinapakilala? Will you marry her?" Excited na ani Nat.
"Nope. Sad to say pero ayaw niya akong pakasalan e. And she definitely doesn't do boyfriends." Dagdag ko pa. Kita ko ang pag-alumpihit ni Andrea sa inuupuan niyang lamesa. At alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.
BINABASA MO ANG
My Lesbian Lover
RomanceI didn't know having a Lesbian Lover could be this good.... -Arjo Singsiongco Warning: This is a full blown erotic-romance! The title speaks for itself. Bawal sa mga pabebe... (Dont say I didn't warn yah!) Stand alone story but if you want to bette...